Tipang Kasulatan ng Kilusan/Programa ng mga Embahador/FAQ
Nagbibigay ang pahinang ito ng mga sagot sa ilang mga katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa Programa ng mga Embahador ng Movement Charter.
Ano ang mga Embahador ng Movement Charter?
Ang mga Embassadors ng Movement Charter (MC) ay mga volunteers na sumusuporta sa Movement Charter Drafting Committee (MCDC) upang maabot ang higit pang mga pamayanan at upang ipunin ng kanilang mga puna tungkol sa pagbalangkas ng nilalaman ng Charter. Sinisiguro nila na madidinig ang mga boses ng kanilang pamayanan sa mga mga siklo ng konsultasyon.
Bakit kailangan ng isang Embahador ng Movement Charter?
Kailangan natin ng higit pang mga boses mula sa mga lokal na pamayanan na makilahok at magbigay ng kani-kanilang kuro-kuro tungkol sa Movement Charter, na nakaka-apekto sa buong kilusan.
Ilang oras ang kakailanganing igugol ng mga Embahador ng Movement Charter?
Hindi inaasahang tatagal ito ng mahabang oras. Tandaan: ang gagampanan ng mga Embahador ng Movement Charter ay katulad ng ibang mga ginagampanan ng mga volunteer sa kilusan ng Wiki. Walang magtutukoy sa bilang ng oras na tinutuon natin na pagkukusang-loob sa kilusang Wiki, at ang gagampanan ng MC Ambassadors ay tulad nito. Depende ito sa bawat tao at ang kanilang planong aktibidad. Halimbawa, maaaring tumagal ng isang oras ang pagsasalin sa mga drafts; magtatagal pa ng isa pang oras sa paganyaya sa iyong pamayanan (community) at itakda ang mga pag-uusapan; at isa pang oras o higit para sa takdang pag-uusap; at isa pang tatagal na oras para sa pagrereport.
Ilang mga volunteer ang kailangan para sa isang pamayanan (community) o proyekto (project)?
Ito ay isang bagong programa, kaya inaasahan namin na magkaroon ng hindi bababa sa isa ang volunteer sa bawat pamayanan. Kung may higit sa isang interesado sa parehong komunidad, hinihikayat namin kayong magtulungan!
Gaano katagal ang gagampanang ito?
Ang tungkulin na ito ay aktibo sa panahon ng siklo ng konsultasyon ng pamayanan na nagsisimula sa Nobyembre 2022 at nagtatapos sa Disyembre 2022. (Magkakaroon ng karagdagan pang mga pagkakataon na maging isang MC Ambassador, na nakakatugma sa mga hinaharap na community consultation cycles.)
Mayroon bang pagsasanay para sa mga Embahador ng Movement Charter?
Ang mga embahador ay higit na nakaka-alam ng mga tao sa kanilang mga pamayanan; hindi namin iniisip na kailangan ang pagsasanay. Gayunman, magkakaroon ng mga "onboarding" upang mas maunawaan nila ang Movement Charter at kung paano gagana ang mga siklo ng pag-uusapan, pati na rin upang masagot ang anumang mga katanungan na tungkol sa mga isasagawa. Ang mga Embahador ng MC ay hinihikayat na dumalo sa mga pag-uusap ng pag-onboard! At kung mayroong ibang mga katanungan o pangangailangan ng higit na patnubay, maaari kang sumali sa talk page o sa pamamagitan ng email sa strategy2030@wikimedia.org
Magkakaroon ba ng mga gabay na makakatulong sa gawain ng mga Embahador ng Movement Charter?
Ang tinaguriang facilitation team ay magbibigay ng mga mungkahi ukol sa mga pinakamahusay na kasanayan; at mga tip tulad ng pag-organisa ng isang pag-uusap, at sa pagsulat ng isang ulat. Mayroong mga template na ipamimigay upang suportahan ito. Kung may anopamang bagay na sa palagay mo ay makakatulong, ipaalam mo sa talk page o sa pamamagitan ng email sa strategy2030@wikimedia.org
Maaari ba akong makipagtulungan sa iba pang mga volunteer kahit na hindi sila mga embahador ng MC?
Lalong mabuti! Mangyaring makipag-ugnay sa kanila, upang iyong malaman kung sino ang gumagawa ng ano.
Paano gumagana ang package ng Movement Charter Grant?
Ang MC Ambassadors grant package ay isang dedikadong pondo na inilaan upang suportahan ang anumang mga may kagustuhang mag-organisa ng isang "Movement Charter community review conversation" sa kanilang pamayanan.
Ang mga karagdagang detalye tungkol sa kung paano mag-apply para sa grant ay nandito.