Tipang Kasulatan ng Kilusan/Programa ng mga Embahador
Ang Programa ng mga Embahador ng Movement Charter (Tipang Kasulatan) ay inilikha sa layuning tiyakin ang mga kuro-kuro ng nilalahat, at marinig sila, lalo na yoong mga pamayanan ng Kilusan na kulang sa representasyon; nang sila ay tunay na maging kasamahan at maging kabahagi sa proseso ng pagsusuri ng Movement Charter.
Ang mga Embahador ng Movement Charter ay mga indibidwal o grupo na tumutulong upang matiyak na ang kanilang mga pamayanan ay ganap na nakikibahagi sa proseso ng "community review process"; na ang kanilang mga pamayanan ay ganap nang maunawaan ang nilalaman ng Movement Charter, at madaling maibigay ang kanilang mga puna.
Mga tungkulin at pananagutan
Ang mga Embahador ng Movement Charter ay maaaring makatulong sa iba't ibang mga paraan:
- Pag-aayos ng mga pag-uusap sa pagsusuri (online/offline) sa kanilang mga pamayanan, pag-iipon ng kanilang mga puna, at pag-ulat sa Meta-Wiki
- Pagsalin ng mga nilalaman ng Charter upang tiyak na magagamit ito sa sariling wika ng mga pamayanan
- Pamamahagi ng mga anunsyo sa mga pamayanan na may kinalaman sa Movement Charter
Ang mga Embahador ng Movement Charter ay nangangako sa:
- sumunod sa Universal Code of Conduct;
- pag-oorganisa ng hindi bababa sa isang pag-uusap (conversation) sa kanilang mga pamayanan (communities); at
- pag-uulat ng mga puna (feedback) ng kanilang mga pamayanan na nakumpleto sa panahon ng mga pag-uusap.
Samahan kami ngayon!
Ang pagpopondo ay magagamit upang suportahan ang oras at pagsisikap ng mga Embahador ng Movement Charter sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga pamayanan. Narito ang higit pang mga detalye kung paano mag-apply para sa grant. Kung kailangan mo ng tulong sa proseso o sa grant application, mangyaring magpadala ng email sa amin sa strategy2030 wikimedia org.