Universal Code of Conduct/Proyekto
Ang Universal Code of Conduct (UCoC) ay nagbibigay ng isang pandaigdigang batayan ng katanggap-tanggap na pag-uugali para sa buong kilusan nang walang pagpaparaya sa pangmamalabis. Ang nilalaman ng UCoC, na kinabibilangan ng patakaran at mga patnubay sa pagpapatupad, ay nilikha sa dalawang yugto, at kasalukuyang binubuo upang ipatupad ang patakaran ng UCoC at ang mga alituntunin nito.
Kasaysayan
Ang Universal Code of Conduct (UCoC) ay ang pangunahing inisyatiba hango sa "Wikimedia 2030 community conversations and strategy process". Ang pagbibigay ng kaligtasan at pagsasama sa loob ng mga pamayanan at ang paglikha ng isang code of conduct ay itinuring na pinakamataas na pasimula sa ikatlong panukala ng Istratehiya ng Kilusan.
Ang UCoC ay nagbibigay ng isang pandaigdigang baseline ng katanggap-tanggap na pag-uugali para sa buong kilusan nang walang pagpaparaya sa panliligalig. Ang UCoC ay nilikha sa pamamagitan ng isang pinagtulungan na pamamaraan ng dalawang yugto. Kasama sa ika-1 na Yugto ang pagbalangkas ng patakaran. Binubuo ito ng pagsasaliksik sa patakaran (Ulat sa ika-1 na Yugto na mga puna sa mga daraanan ng pagpapatupad, Pananaliksik sa mga Wikipedia, at sa iba pang Proyekto ng Wikimedia), mga konsultasyon sa pamayanan (Paunang mga konsultasyon noong 2020) at isang unang yugto ng pagbalangkas (Drafting Committee, mga buod ng pulong, balangkas na kasulatan, Huling pagkakasulat, ulat ng pagbabago). Kasama sa ika-2 na Yugto ang pagbalangkas ng mga alituntunin sa pagpapatupad. Mga konsultasyon ay isinagawa (2021 on-wiki na konsultasyon, 2021 lokal na konsultasyon, mga Kaakibat, Functionaries, mga Roundtable, mga buod ng Roundtable ). Sinundan ito ng pamamaraan ng pagbalangkas (Drafting Committee, Drafting committee meeting summaries, Draft guidelines review, ratification survey, Conversation hours).
Niratipikahan ng Wikimedia Foundation Board of Trustees ang patakaran noong ika-2 Pebrero 2021, at bumoto ang pamayanan sa mga alituntunin sa pagpapatupad noong Marso ng 2022. Ang unang boto ay nagpahiwatig ng suporta ng pamayanan para sa mga alituntunin, na may ilang partikular na bahagi ng pagpapabuti na natukoy sa pamamagitan ng mga komentong isinumite sa pamamaraan (Mga alituntunin sa pagpapatupad, ulat ng pagbabago, Pagboto, impormasyon ng botante, mga resulta at istatistika ng pagboto, buod ng mga pansin ng mga botante, lahat ng komento ng mga botante). Ang Community Affairs Committee (CAC) ng Board ay humiling na ang isang revisions committee na pinamumunuan ng pamayanan ay tumugon sa ilang bahagi ng mga alituntunin (Revisions Committee, mga buod ng pulong, takdang mga oras ng usapan). Natapos ang proseso ng paghihimay na ito, at ang pangalawang botohan sa pangunguna ng pamayanan ay ginanap noong Enero 2023 (Binagong mga alituntunin sa pagpapatupad, paghahambing, kaalaman sa botante, mga kinalabasan at istatistika ng botohan, ulat ng mga puna ng mga botante, panglahatang mga puna ng mga botante). Batay sa mga kinalabasan, ang Lupon ng mga Katiwala ay bumoto upang pagtibayin ang Mga Alituntunin sa Pagpapatupad noong ika-9 Marso 2023.
Ang ika-3 na Yugto ay tungkol sa pagbuo ng U4C. Nagsimula ito sa pagbubuo ng isang U4C Building Committee (U4CBC, Pagtawag ng mga nominasyon, Mga buod ng pulong). Binuo ng U4CBC ang U4C Charter (Draft charter text, talakayan, Mga takdang oras ng usapan). Ang charter ay pinag-botohan ukol sa (Kaalaman sa botante, mga kinalabasan at istatistika ng pagboto, ulat ng mga puna ng mga botante)