Wikimedia Foundation/Punong Opisyal na Tagapamahala

This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation/Chief Executive Officer and the translation is 100% complete.

Punong Opisyal na Tagapamahala

The Chief Executive Officer is the senior staff officer of the Wikimedia Foundation, overseeing the operations of the Foundation and its professional staff. The Chief Executive Officer reports to the Board of Trustees and is supported by the Office of the CEO.

The CEO is responsible for running the business side of the Wikimedia Foundation, engaging with communities to inform decision making, and representing the Wikimedia Foundation to the broader public.


Si Maryana Iskander ay naging Punong Opisyal na Tagapamahala (CEO) ng Wikimedia Foundation noong Enero 2022.


Si Maryana ay sumanib sa Wikimedia Foundation pagkatapos ng isang dekada bilang CEO ng Harambee Youth Employment Accelerator, isang non-profit na social enterprise na nakatuon sa pagbuo ng mga solusyon sa Africa upang harapin ang pandaigdigang krisis ng kawalan ng trabaho ng kabataan. Nagsilbi rin siya bilang Punong Opisyal na Tagapamahala ng Planned Parenthood Federation of America, isang kilusang panlipunan na pinamumunuan ng boluntaryo.

Si Maryana ay ipinanganak sa Cairo, Egypt, bago lumipat kasama ang kanyang mga magulang sa Estados Unidos. Mula noon, siya ay nanirahan at nag-aral sa Estados Unidos at Europa bago tumira sa South Africa.

Ang kanyang karera ay hinubog ng mga gawain na pinaghahalo ang mga tao, epekto, at teknolohiya upang gibain ang mga kahadlangan at upang madagdagan ang pag-abot sa mga oportunidad.


Tanggapan ng CEO

Nadee Gunasena

Chief of Staff & Director of Executive Communications

Margo Lee

Deputy Chief of Staff

Ang Gawain ng Tanggapan ng CEO

Ang Tanggapan ng CEO ay tumutulong sa CEO sa kanilang tungkulin, gumagawa sa bawat departamento sa Foundation at sa Board of Trustees. Regular kaming nakikipagkita sa mga kasapi ng pamayanan sa mga kumperensya ng komunidad at 1:1 na pag-uusap. Kung mayroon kayong anumang mga katanungan tungkol sa aming gawain o nais ninyong makipag-ugnayan, mangyaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng aming mga indibidwal na pahina ng pag-uusap sa Meta o sa pamamagitan ng email.

Kasama sa aming patuloy na gawain ang:

Maramihang Taunang Pagpaplano

Ang taonang pagpaplano ng Foundation ay napagbibigyang-alam ng mga maramihang-taon at maramihang-henerasyon na estratehiya. Nakikipagtulungan ang Tanggapan ng CEO sa mga pinuno sa buong organisasyon, kilusan at sa publiko upang makilahok sa tatlong bahagi ng pagpaplano na pinaniniwalaan naming kailangan upang maisulong ang aming misyon nang walang hanggan.

Taonang Plano

Bawat taon, ang Foundation ay naglalathala ng Taonang Plano na nagbubuod sa aming gawain sa apat na pangunahing layunin. Ang Tanggapan ng CEO ang namamahala at namumuno sa proseso ng pagpaplano, na kinabibilangan ng mga pag-uusap sa pamayanan upang marinig ang mga ideya at puna.

Mga isinasakilos ng Board

Ang Tanggapan ng CEO ay nag-aalok ng tulong sa Wikimedia Foundation Board of Trustees at nagbibigay ng pampangasiwaan na antas na suporta sa Trustees.