Wikimedia Philippines/Articles of Incorporation/tl
English | Bikol | Chavacano de Zamboanga | Cebuano/Sugboanon | Hiligaynon/Ilonggo | Ilokano | Kinaray-a | Pangasinan | Kapampangan | Tagalog | Waray-Waray/Winaray
Ito ay isang salin ng orihinal na Artikulo ng Ingkorporasyon mula Ingles sa Tagalog. Kapag may alitan sa pagitan ng dalawang bersiyon, ang bersiyon sa Ingles ay ang mananaig.
This is a translation of the original Articles of Incorporation from English to Tagalog. If there is a conflict between the two versions, the English version shall prevail.
MGA ARTIKULO NG INGKORPORASYON
NG
WIKIMEDIA PHILIPPINES, INC.
MATALASTAS NG LAHAT:
Ang mga nakalagdang ingkorporador, lahat ng legal na edad at lahat ay naninirahan sa Pilipinas, ay kusang sumang-ayon sa araw na ito na bumuo ng isang korporasyong walang-sapi, 'di-kumikinabang alinsunod sa mga batas ng Republika ng Pilipinas.[1]
AT PINAPATUNAYAN NAMIN:
UNA: Na ang pangalan ng nasabing korporasyon ay
PANGALAWA: Na ang mga layunin sa bakit ang nasabing korporasyon ay ibinuo ay ang mga sumusunod:
- Na makipagyari sa pagsulong ng mga proyekto ng Pundasyong Wikimedia, isang organisasyong 'di-kumikinabang na ingkorporado sa ilalim ng batas ng Estado ng Florida, sa Estados Unidos ng Amerika, sa pamamagitan ng kanilang paggamit sa Pilipinas bilang:
- Malaya at bukas-na-nilalamang kagamitang pang-sanggunian na mapapakinabangan sa populasyon ng Pilipinas sa paggamit ng kompyuter at Internet, at
- Makatutulong na pang-edukasyong materyales na maaaring gamitin sa kalagayang pang-edukasyon ng Pilipinas na walang dagdag na pasan ng presyo maliban sa kinakailangang paggamit ng isang kompyuter at isang koneksyong Internet
- Na paunlarin ang paggamit ng mga katutubong wika ng Pilipinas sa mga pang-edukasyon at pansanggunian na materyales, at
- Na tumulong sa pagtanggol at pagpapaunlad ng malayang nilalaman sa Pilipinas at sa pagpapagaan ng paglikha ng nilalamang iyon ayon sa inatas;
PANGATLO: Na ang punong tanggapan ng korporasyon ay nasa Paco, Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas;
PANG-APAT: Na ang taning kung saan ang nasasabing korporasyon ay iiral ay limampung (50) taon mula sa at pagkatapos ng petsa ng pagbigay ng sertipiko ng ingkorporasyon;
PANLIMA: Na ang mga pangalan, kabansaan at tirahan ng mga ingkorporador ng korporasyon ay ang sumusunod:
Pangalan | Kabansaan | Tirahan[2] |
---|---|---|
Jose Roel G. Balingit | Pilipino | Lungsod ng Antipolo, Rizal |
Joseph F. Ballesteros | Pilipino | Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila |
Allan Paolo C. Barazon | Pilipino | Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila |
Relly P. Bautista | Pilipino | Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila |
Roman D.V. Bustria Jr. | Pilipino | Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila |
Michael Philip G. Gonzalez | Pilipino | Valencia, Negros Oriental |
Eugene Alvin S. Villar | Pilipino | Lungsod ng Las Piñas, Kalakhang Maynila |
PANG-ANIM: Na ang bilang ng mga katiwala ng korporasyon ay magiging pito (7); at ang mga pangalan, kabansaan at tirahan ng kauna-unahang mga katiwala ng korporasyon ay ang sumusunod:
Pangalan | Nasyonalidad | Tirahan[2] |
---|---|---|
Jose Roel G. Balingit | Pilipino | Lungsod ng Antipolo, Rizal |
Joseph F. Ballesteros | Pilipino | Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila |
Allan Paolo C. Barazon | Pilipino | Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila |
Relly P. Bautista | Pilipino | Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila |
Roman D.V. Bustria Jr. | Pilipino | Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila |
James Joshua G. Lim | Pilipino | Lungsod ng Makati, Kalakhang Maynila |
Eugene Alvin S. Villar | Pilipino | Lungsod ng Las Piñas, Kalakhang Maynila |
PAMPITO: Na ang mga sumusunod ay nag-ambag ng sumusunod na mga halaga:
Pangalan | Halagang Inambag |
---|---|
Jose Roel G. Balingit | PhP 2,000.00 |
Joseph F. Ballesteros | Php 2,500.00 |
Allan Paolo C. Barazon | PhP 2,000.00 |
Relly P. Bautista | PhP 2,000.00 |
Roman D.V. Bustria Jr. | PhP 2,500.00 |
Remi E. de Leon | PhP 2,000.00 |
Michael Philip G. Gonzalez | PhP 2,000.00 |
James Joshua G. Lim | PhP 3,000.00 |
Eugene Alvin S. Villar | PhP 2,000.00 |
TOTAL | Php 20,000.00 |
PANGWALO: Na anumang bahagi ng kita na makukuha ng korporasyon bilang pangyayari sa operasyon nito ay hindi ipapamahagi bilang dibidendo sa mga kasapi, katiwala o kawani nito, sakop sa mga tadhana ng Kodigo ng mga Korporasyon sa disolusyon, at anumang kinita na matatamo bilang kinalabasan ng operasyon nito ay gagamitin, kailanmang kailangan o tama, para sa pagsulong ng mga layunin na inihayag sa Artikulo II, sakop sa mga tadhana ng Titulo XI ng Kodigo ng mga Korporasyon ng Pilipinas;
PANSIYAM: Na si Roman D.V. Bustria Jr. ay inihalal ng mga suskritor bilang Ingat-yaman ng Korporasyon, na maglilingkod sa nasabing kapasidad hanggang naihalal at naisuri ang susunod sa kanya sa ilalim ng mga tadhana ng mga Alituntunin, at bilang nasabing Ingat-yaman, pinapahintulutan siyang tumanggap para sa at sa ngalan ng at para sa benepisyo ng samahan, lahat ng mga suskrisyon o bayad o abuloy o donasyon na binabayaran o binibigay ng mga suskritor o kasapi;
PANSAMPU: Na inihahayag ng korporasyon ang nais nitong baguhin ang pangalan nito sa pangyayaring may ibang tao o samahan ay dating ipinagkaloob ng karapatang gamitin ang nasabing pangalan o isang pangalang magkapareho na nakadadaya o nakalilito sa ito.
PANLABING-ISA: Na aayon ang korporasyon sa mga tuntunin at patakaran ng Komisyon sa mga Paseguro at Palitan para sa mga korporasyong walang-sapi sa kurso ng operasyon nito.
SA PAGSAKSI NITO, inilalagda namin ang itong mga Artikulo ng Ingkorporasyon, ngayong ika-28 araw ng Marso, 2010, sa Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila, Republika ng Pilipinas.
Pangalan ng Ingkorporador | TIN[3] |
---|---|
JOSE ROEL G. BALINGIT |
|
JOSEPH F. BALLESTEROS |
|
ALLAN PAOLO C. BARAZON |
|
RELLY P. BAUTISTA |
|
ROMAN D.V. BUSTRIA JR. |
|
MICHAEL PHILIP G. GONZALEZ |
|
EUGENE ALVIN S. VILLAR |
INILAGDA SA PRESENSIYA NINA:
Mga Saksi | |
---|---|
BELINDA B. BALLESTEROS | WILLIAM D. SONGCO |
Mga tanda
edit- ↑ a b Translation note: "Corporation" is also translated as samahan in Tagalog. "Incorporated" has no direct translation, but the closest translation is samahang anonimo (S.A.), borrowed from Spanish sociedad anonima and equivalent to such. In this case, the full Tagalog name of WMPH would be "Wikimedia Pilipinas S.A.".
- ↑ a b Ang kumpletong tirahan, isang pangangailangan ng SEC, ay pinakita sa aktuwal na Artikulo ng Ingkorporasyon.
- ↑ Nakalagay ang mga Bilang ng Pagkakakilanlan sa Buwis o Tax Identification Number (TIN) sa aktuwal na Artikulo ng Ingkorporasyon.