Wikimedia Foundation elections/Board elections/2006/tl
2006 Halalan sa Lupon ng Pundasyong Wikimedia |
---|
Organisasyon |
|
Magandang araw sa lahat.
Isang espesyal na halalan para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa ng Pundasyong Wikimedia ay magsisimula sa Setyembre 1, 2006. Ang mga Wikimedista ay makakakuha ng oportunidad na pumili ng isa o maraming tao para katawanin ang mga taga-ambag sa lahat ng proyekto ng Wikimedia sa buong mundo. Ang mga miyembro ng Lupon ng mga Tagapangasiwa ay ipinagkatiwala ng huling paggawa ng desisyon para sa Pundasyong Wikimedia.
Ito ay isang espesyal na halalan upang mapuno ang bakanteng posisyon na nilikha dahil sa pagbitiw ni Angela Beesley; si Angela, na hinalal sa isang taning ng dalawang taon noong Hulyo 2005 at nagbitiw sa kararaan, ay aalis ng Lupon sa paghalal ng kanyang kapalit.
Isang posisyon sa pinakakaunti ay magiging bukas sa kurso ng halalan na ito; ang mga karagdagang posisyon ay baka idadagdag ng Lupon bago magsimula ang halalan. Ang eksaktong bilang ng mga bukas na posisyon ay ihahayag ng mga Opisyal ng Halalan bago magsimula ang halalan.
Ang halalan ay gagamit ng approval voting sa pamamagitan ng Boardvote na software. Ang isa’t-isang botante ay pwedeng bumoto para sa maraming kandidato na kinikita nilang bilang huwaran para posisyon na iyon; ang kandidato na may pinakaraming boto ay idedeklara bilang hinalal. Kung saan nagkaroon ng patas, isang bagong halalan sa paglulutas ng patas ay ihahayag.
Ang mga interesadong kandidato ay dapat magkumpleto ng isang porma ng entrada sa Meta simula ng Agosto 1, 2006 sa 00:00 (UTC) at bago ng Agosto 28, 2006 sa 23:59 (UTC). Ang mga huling entrada ay hindi tatanggapin. Para matanggap ka bilang isang kandidato, dapat ikaw ay pwedeng bumoto sa halalan. (Tingnan ang mga katangiang kailangan ng mga botante sa ibaba.) Bilang dagdag, kailangan mo rin kilalahin ang iyong pangalan at dapat ikaw ay 18 taong gulang o pataas sa pinakamababa.
Ibibigay ang mga kandidato ng tatlong linggo upang makilala ang kanilang sarili sa buong komunidad ng Wikimedia sa pamamagitan ng isang pahayag ng kandidato. Ang mga koordinador sa pagsasalin ay isasalin ang mga pahayag ng kandidato sa ilang bilang ng wika bago magsimula ang halalan.
Para maari kang bumoto, ang mga manggagamit ay dapat naging isang taga-ambag sa isang proyekto ng Wikimedia sa pinakakaunti. Dapat ang manggagamit ay naging isang miyembro ng iyong komunidad sa pinakamababa, 90 araw bago ng Agosto 1, 2006; iyan ay pinapakita sa pamamagitan ng unang pagbabago ng manggagamit. Sa wakas, kailangan rin na ang isang manggagamit ay nakarami na ng 400 pagbabago sa kanilang account na iyon bago ng Agosto 1, 2006.
Ang mga manggagamit ay hindi pwedeng magsabay ng kanilang mga pagbabago sa mga iba’t-ibang proyekto upang maka-abot ng 400; dapat sila na ay naka-abot ng 400 sa isang proyekto, at ang unang pagbabago ng account na iyan ay dapat ginawa na 90 araw o mas matagal bago ng Agosto 1, 2006.
Ang timeline para sa halalan ngayong taon:
Mga entrada ng kandidato:
- Magsisimula sa Martes, 0:00, Agosto 1, 2006 (UTC)
- Matatapos sa Lunes, 23:59, Agosto 28, 2006 (UTC)
Pagboboto:
- Magsisimula sa Biyernes, 0:00, Setyembre 1, 2006 (UTC)
- Matatapos sa Huwebes, 23:59, Setyembre 21, 2006 (UTC)
Kung ikaw ay marunong mag-usap ng ibang wika, pinapasalamat naming ang inyong tulong sa pagsasalin at sa pagpahayag sa mga proyekto ng Wikimedia sa inyong (mga) wika. Kung nagawa niyo na, pakihayag niyo sa amin dito sa Meta sa Board elections/2006/Translations.
Kung ikaw ay gustong magtulong sa pagsasalin ng mga iba pang pahayag, pakitala ang iyong sarili sa Board elections/2006/Translations#Translators.
Sa wakas, binabati naming ang lahat ng kandidato ang pinakamabuting swerte sa halalan na ito.
22:25, 24 July 2006 (UTC), Mga Opisyal ng Halalan, Lupon ng Halalan sa Wikimedia, 2006
Pahayag sa Agosto 14
editSa nasunod ng miting ng Lupon sa Boston noong Agosto 4, kami, ang mga Opisyal ng Halalan, ay nagpapahayag na ang halalan sa Setyembre ay magpupuno ng posisyon ni Angela Beesley sa Lupon.
Hinihiling namin na ang lahat ng mga kandidato ay magkaroon ng magandang swerte,
Datrio, Essjay, & Aphaia
19:00, 14 Agosto 2006 (UTC), Mga Opisyal ng Halalan, Lupon ng Halalan sa Wikimedia, 2006
Pahayag sa Agosto 17
editMga kandidato,
salamat sa inyong kooperasyon. Kami, mga Opisyal ng Halalan ay
papunta ngayon sa sumusunod na hakbang: iyong kumpirmasyon sa iyong pagkakandidato.
Dahil ito ay ang paraan na maaabot ka namin sa paraang pinakasigurado at pinakalihim, pinili namin ang elektronikong liham (e-mail), sa pamamagitan ng wikimedia meta mail. Pakisigurado sa ngayon kung iyong mga kagustuhan sa Meta tungkol sa iyong mail address ay pinatotohanan na. Ang mas maraming impormasyon tungkol sa kumpirmasyon ay ilalaan sa iyo sa pamamagitan ng e-mail mula sa amin (o isa sa amin) sa pamamagitan ng meta e-mail.
Kung wala kang kontak mula sa amin hanggang sa susunod na Lunes, pakiliham niyo kami. Sa kaso na iyon, rinerekomenda namin sa iyo na gamitin ang email address na linagay mo para sa iyong meta mail, at susubukan naming abutin ka sa lahat ng aming mga pagsisikap.
Nagtataos-puso,
Datrio, Essjay, & Aphaia
Ago 17, 2006, 8:10 AM (UTC), Mga Opisyal ng Halalan, Lupon ng Halalan sa Wikimedia, 2006