Wikimedia Foundation elections/Board elections/2011/tl

Ang eleksyon ay natapos ng ika-12 ng Hunyo 2011. Wala nang botong tatanggapin.
Ang mga resulta ay inanunsyo sa ika-17 ng Hunyo 2011.
Halalan ng Lupon ng 2011
Samahan

Ang halalan ng mga Lupon ng mga Katiwala ay gaganapin mula Mayo 29 hanggang Hunyo 12, 2011. May pagkakataon ang mga kasapi ng pamayanan ng Wikimedia na ihalal ang tatlong kandidato na may dalawang-taong termino na matatapos sa 2013. Ang mga Lupon ng mga Katiwala ang pangunahing namamahala sa Pundasyong Wikimedia, isang 501(c)(3) samahang 'di-kumikinabang na nakatala sa Estados Unidos. Pinamamahalan ng Pundasyong Wikimedia ang maraming iba't ibang proyekto katulad ng Wikipedia at Commons.

Ginaganap ang halalan sa mga matatag na serbidor na pagmamay-ari ng Software in the Public Interest. Lihim ang mga boto, at wala sinuman sa Komite ng Halalan, ang Lupon, o sinumang may kaugnayan sa Software in the Public Interest ang nabigyan ng pahintulot na makuha ang mga boto o impormasyon tungkol sa mga boto. Nakikita lamang ang mga impormasyon ng mga botante sa mga piling mga tao na tinutuos at binibilang ang halalan (ang komite ng halalan). Ipinapadala ng mga botante ang nakaranggong kagustuhan sa pamamagitan ng pagnumero sa mga kandidato. Bibilangin ang mga boto gamit ang kaparaanang Schulze na iraranggo ang mga kandidato batay sa bilang ng mga botante na pinili ang isang kandidato kapalit ng ibang kandidato.

Ihahayag ng Komite ng Halalan ang kinalabasan ng botohan sa o bago Hunyo 15. Magkakaroon din ng detalyadong resulta.

Impormasyon sa mga botante

edit

Mga kinakailangan

edit
Mga patnugot

Maari kang bumoto mula sa kahit anong nakarehistrong akawnt na pagmamay-ari mo sa isang wiki ng Wikimedia (maari kang bumoto ng isang beses lamang, kahit gaano kadami ang iyong akwant na pagmamay-ari mo). Para makaboto, ang isang akawnt na ito ay dapat:

  • hindi naharang sa higit sa isang proyekto; at
  • hindi naharang sa proyekto na kung saan ka bumuboto; at
  • hindi isang bot; at
  • mayroong nagawang 300 pagbabago bago ang Abril 15, 2011 sa lahat ng mga wiki ng Wikimedia (maaaring pagsamahin ang mga pagbabago sa mga ilang wiki kung napag-isa sa isang pandaigdigang akwant ang iyong mga akawnt); at
  • mayroongt 20 mga pagbabago mula Nobyembre 15, 2010 at Mayo 15, 2011.
Mga debeloper

Maaaring bumote ang debeloper kung sila'y:

  • Tagapangasiwa ng mga serbidor ng Wikimedia na may pahintulot sa shell; o
  • May pahintulot sa paglagak at gumawa na kahit isang paglagak sa pagitan ng Mayo 15, 2010 at Mayo 15, 2011.
Kawani at mga kontratista

Maaring bumoto ang mga kawani at kontratista ng Pundasyong Wikimedia Foundation kung nakapagtrabaho sila mula Pebrero 15, 2011 hanggang Mayo 15, 2011.

Mga kasapi ng Lupon at mga kasapi ng nagpapayong Lupon

Maaaring bumoto ang kasalukuyan at dating kasapi ng Lupon ng mga Katiwala at ang Nagpapayong Lupon.

Paano bumoto

edit

Kung maaaring kang bumoto:

  1. Basahin ang mga paghaharap ng mga kandidato at magpasya kung sinong kandidato ang susuportahan.
  2. Pumunta sa pahinang wiki na "Special:Securepoll" sa isang wiki na pinagbobotohan mo. Halimbawa, kung pinaka-aktibo ka sa wiki na meta.wikimedia.org, pumunta sa meta.wikimedia.org/wiki/Special:Securepoll.
  3. Sundan ang mga tagubilin ng pahinang iyon.

Impormasyon sa mga kandidato

edit

Mga ginagampanan at tungkulin bilang kasapi ng Lupon

edit
Mula sa manwal ng lupon

Ang Lupon ng mga Katiwala ang may-kapangyarihang namamahala ng Pundasyong Wikimedia. Kabilang sa tungkulin ng Lupon ang:

  • matukoy ang layunin, tunguhin, malayuang balakin at mataas na antas ng mga panuntunan ng Pundasyong Wikimedia at mga proyekto nito
  • pagpili ng Punong Tagapamahala ng Pundasyong Wikimedia, na mangangasiwa ng pang-araw-araw na operasyon at tasahan ang kanyang pagganap
  • tiyakin ang pagpapatuloy ng samahan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng ilang mga hindi umaaasang pinagkukunan ng kita
  • pakikipag-ugnayan tungkol sa patutunguhan at ang mga gawain ng Pundasyong Wikimedia sa pamayanan
  • magbigay ng pagkalingat sa mga kawani na may pagsaalang-alang sa tuusan, laang-gugulin, at mga programa
  • pagpapanatili ng legal at etikal na integridad
  • pagkalap at pakibagayan ang mga bagong katiwala
  • ipahayag ang layunin ng Pundasyong Wikimedia sa publiko

Hindi kabilang sa mga tungkulin ng Lupon ang:

  • pakikialam sa pang-araw-araw na operasyon, maliban sa mga kagitpitan
  • pagtakda ng panuntunan sa pagpapatnugot sa mga proyekto ng Wikimedia
  • paglutas sa mga pangunahing pagtatalo sa pamayanan
  • pagboluntaryo sa isang partikular na pangkaraniwang gawain pangsamahan ng Pundasyong Wikimedia

Mga katangian ng epektibong mga katiwala:

  • Estratehiko – e.g., nagbibigay ng pangmahabang patutunguhan
  • Maalalahanin – e.g., iniiwasan maging reaksyonaryo sa mga isyung kontrobersyal
  • Mataas na integridad – e.g., nilalagay muna ang interes ng pundasyon sa kabuuan nito bago ang pansarili o partikular na mga interest
  • Tumutugon – e.g., sa mga kahilingan ng mga ibang katiwala sa e-liham
  • Tinatapos – e.g., ang mga kumpletong gawain katulad ng mga trabaho sa komite na napangakuan.
  • Magalang – e.g., makinig sa pananaw na ibang mga katiwala kahit na iba ito sa pansariling pananaw
  • Tumutulong – e.g., makisosyo sa ibang mga katiwala at Punong Tagapamahala sa mga gawain ng Lupon

Mga unang kailangan sa pagiging kandidato

edit

Pareho lamang ang kailangan ng kandidato sa mga kailangan ng mga botante (tingnan ang itaas), kasama ang karagdagang mga kinakailangan:

  • kailangan mong ihayag ang tunay mong buong pangalan sa iyong paghaharap (dahil kapakanang pampubliko ang mga pagkakilanlan ng mga kasapi ng Lupon, hindi maaari ang maging Katiwala kung gagamit ka ng bansag lamang); at
  • nasa gulang na 18 taon pataas at nasa legal na gulang sa iyong bansa; at
  • magpadala ng katunayan ng iyong pagkakilanlan sa Pundasyong Wikimedia (tingnan ang ibaba).

Paano ipadala ang iyong kandidatura

edit

Kung maaari kang kumandidato, maaari mong ipadala ang iyong kandidatura sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. Magsulat ng maikling buod ng hindi lalagpas sa 1200 mga karakter na naghahayag ng kung ano ang iyong gagawin kung mahalal ka bilang Katiwala, ang iyong may kaugnayang mga opinyon at karanasan, at kahit anumang maisip mo na may kaugnayan. Hindi mo maaaring gamitin ang buod upang ituro sa mga talaan ng mga endorso o ibang pahina ng plataporma, at hindi maaaring tumakbo na kasama ang ibang kandidato sa isang karaniwang plataporma.
  2. Ipadala ang iyong buod sa pagitan ng 00:00, Mayo 2, 2011 (UTC) at 23:59, Mayo 22, 2011 (UTC). Pagkatapos ng Mayo 22, hindi na ito maaaring mabago maliban sa maliit na mga pagbabago (halimbawa, maling baybay) o pagsalin. Anumang dinagdag o binago sa nilalaman na ipinadala pagkatapos ng palugit ay tatakan ng oras at ihaharap ng hiwalay mula sa orihinal na buod, at maihaharap sa mga botante kung maisasalin ito sa lahat ng parehong wika bilang orihinal na buod. Kailangan mong malaman na nangangailangan ng oras para magsalin sa maraming mga wiki ang mga naunang naipadala, at maaaring hindi malawakang naisalin ang binibigay na mga pinadala sa palugit o bago ang palugit.
  3. Magpadala ng katunayan ng iyong pagkakilanlan sa Pundasyong Wikimedia bago ang Mayo 22. Makikipag-ugnayan sa iyo ang isang kasapi ng Komite ng Halalan kasama hihilingin ang karagdagang impormasyon tungkol sa kinakailangan ng isang kandidato.

Hindi maaaring tumakbo ang isang kandidato na hindi naisakatuparan ang mga kinakailangang nabanggit at mga palugit.

Samahan

edit

Kronolohiya

edit
  • 05 Abril–02 Mayo 2011: pangunahing yugto ng mga pagsasalin.
  • 02–22 Mayo 2011: mga padala ng mga kandidato.
  • 22 Mayo 2011: palugit sa pagpadala ng pagkakilanlany (diskwalipikado ang mga huli o nawawalang padala).
  • 29 Mayo–12 June 2011: halalan.
  • 13–15 Hunyo 2011: pagsiyasat sa boto
  • 15 Hunyo 2011: pagpapahayag ng mga resulta.

Mga tagasalin

edit

Para matiyak na isang kinatawan ng pamayanan ng Wikimedia ang makilahok sa halalang ito, mahalaga na maisalin ang mga pabatid ng halalan at mga pahayag ng kandidato sa mas maraming mga wikang kinakailangan. Para makatulong sa pagsalin, tingnan ang pahina ng pagsasalin.