Pangangalap ng Pondo/Pagsalin/Liham ng Pasasalamat 20131202

This page is a translated version of the page Fundraising/Translation/Thank you email 20131202 and the translation is 100% complete.

[ifFirstnameAndLastname] Mahal kong/na [given name], [elseifFirstnameAndLastname] Mahal kong/na donor, [endifFirstnameAndLastname]

Ikaw ay sobrang nakakabilib. MARAMING SALAMAT sa pagsuporta sa Wikimedia Foundation, ang siyang nagpapatakbo ng Wikipedia at iba pa nitong proyekto.

[ifRecurringProblem] Nagkaroon kami kamakailan ng isang maliit na isyung teknikal na nakapagpaantala ng ilang buwanang donasyon. Ang iyong donasyon ay naisaayos na ulit sa dati, at magpapatuloy ito ng normal. Hindi ka namin sisingilin para sa mga buwan na nalampasan. Maraming salamat sa iyong pasensya at suporta, at huwag mag-atubiling sumulat ng email sa donate@wikimedia.org kung ika'y may mga katanungan. [endifRecurringProblem]

Kung may bayad ang paggamit ng Wikipedia, ang iyong donasyon ay sapat hindi lamang para sa iyo, kundi para na rin sa ibang mambabasa nito.

Tulad ng isang nagretirong magsasaka sa New York na gumagamit ng Wikipedia upang mag-aral tungkol sa putik, at sa isang estudyante na nasa Kuala Lumpur na nagsasaliksik patungkol sa kapnayang organik (organic chemistry.) Isang mekanikong Ingles naman, makaraang maaksidente sa likod, ay nag-aral maging web developer gamit ang Wikipedia. Isang lingkod-bayan naman sa Finland ang nagtaguyod ng isang offline na bersyon ng Wikipedia para sa isang maliit na paaralan sa Ghana. At isang tatay sa Mexico City naman, habang dinadala ang kanyang mga anak na babae sa museo tuwing Sabado't Linggo, ay gumagamit ng Wikipedia upang mas lalong maintindihan ng mga bata ang lahat ng nakikita nila doon.

Ang layon ng Wikipedia ay ang ipalaganap ang suma total na kaalaman ng sangkatauhan para sa lahat ng tao sa lahat ng sulok ng mundo sa kani-kanilang mga wika. Mukha man itong hindi kapani-paniwalang layunin, ngunit sa loob ng 30 milyon na artikulo at 287 na wika, maari kong ipahayag na kung hindi dahil sa iyo at sa mga taong katulad mo, matutupad natin iyon.

Sa ngalan ng Wikimedia Foundation, at ang humigit-kumulang kalahating bilyong mambabasa ng Wikipedia sa buong mundo: maraming salamat. Dahil tumutulong ka sa pagbayad ng mga gastusin ng pagpapatakbo ng Wikipedia, kaya nitong magpatuloy na walang ads at walang pagkiling, at maging tutok lamang sa pagtulong sa mga mambabasa nito. Tugma sa dapat lang nitong gawin.

Maaring napansin mo na sa unang pagkakataon ay inayos namin ang pamamaraan sa pangangalap ng pondo para sa gayon, makikita lamang ng mga tao yung mga banner ng kaunting beses, kumpara sa dati na inaabot ito ng ilang linggo. Ito'y sinasadya: hindi namin gusto na mainis ang mga tao sa mga apelya namin. Sa kabila nito, maaring kakaunting tao na lamang ang makakaalam na isa kaming grupong hindi kumikita (non-profit), at kailangan namin ang kanilang tulong. Kaya kung ayos lang sa iyo, malaking bagay kung papalaganapin mo ang aming mensahe sa pagfoforward ng email na ito sa ilan sa iyong mga kaibigan.

At magugustuhan ko kung susubukan mong sumali sa amin sa pagsulat ng Wikipedia. Ang lahat ng Wikipedia ay isinulat ng mga nagprisintang tumulong--madaming karaniwang tao sa buong mundo, katulad namin. Kung nakakakita ka ng typo o maliit na mali sa Wikipedia, nakikiusap ako sa'yo na ayusin ito. Kung may alam ka na maaring idagdag na mahalagang impormasyon sa mga articles, nakikiusap ako sa'yo na idagdag mo ito. Para sa ilan, nakakapagbigay-kasiyahan ang gawaing ito. Maaring maramdaman mo rin ito.

Muli, maraming salamat. Pinapahalagahan ko ang pagtitiwalang ibinigay mo sa amin, at nangangako ako: susulitin namin ang paggamit ng iyong donasyon sa pagpapatakbo ng Wikipedia at walang masasayang dito.

Lubos na nagpapasalamat,

Sue Gardner
Executive Director,
Wikimedia Foundation
[#donate donate.wikimedia.org]

May mga kumpanyang nagdodonate ng katumbas rin sa ibinigay ng isang mangagawa, kung kaya't maaring dumoble ang iyong donasyon: kung maari, itanong mo sa iyong kumpanya kung mayroon silang corporate matching gift program. Maari mo kaming ifollow sa [#twitter Twitter], [#identica identi.ca] o sa [#google Google+], maari mo rin kaming ilike sa [#facebook Facebook] at [#blog magbasa sa aming log]. Ito ang [#annual taunang ulat para sa taong 2012-13 ng Wikimedia Foundation], [#plan taunang plano para sa taong 2013-2014] at ang [#strategic strategic plan ng panglimang taon ng Wikimedia Foundation]. Maari ka na ring bumili ng kagamitang may tatak ng Wikipedia sa [#shop shop.wikimedia.org].

Para sa iyong talaan: Ang iyong donasyon, bilang [contributionId], noong [date] ay nagkakahalaga ng [amount].

[ifRecurring] Ang donasyon na ito ay bahagi ng isang umuulit na subscription. Patuloy kang sisingilin ng Wikimedia Foundation kada buwan pwera na lamang kung sinabihan mo kami na tumigil na. Kung gusto mong itigil ang pagbabayad, maari mong sundan ang [#recurringCancel mga tagubilin para sa isang madaling pagkakansela]. [endifRecurring]

Ang liham na ito ay maaring magsilbing tala ng iyong donasyon. Walang kalakal o serbisyo ang ibinigay, sa kabuuan o sa bahagi, para sa ambag na ito. Ang Wikimedia Foundation, Inc. ay isang non-profit charitable na korporasyon na may 501(c)(3) tax exempt status sa Estados Unidos. Ang aming lugar ay sa 149 New Montgomery, 3rd Floor, San Francisco, CA, 94105. U.S. tax-exempt number: 20-0049703.

Kung sakaling gusto mong ikansela ito (Opt out option):

Gusto naming panatilihin kang isang donor na may alam tungkol sa aming gawaing pangkomunidad ang mga pangangalap ng pondo. Kung nagkataong ayaw mong tumanggap ng mga email galing sa amin, maari mong iclick ang link sa baba at tatanggalin ka namin sa listahan.

[#unsubscribe Unsubscribe]

Pakitulungan kaming [#translate isalin] ang email na ito sa ibang wika.