Gabay para sa maliliit at bagong mga Wikipedia

This page is a translated version of the page Manual for small and new Wikipedias and the translation is 92% complete.
Outdated translations are marked like this.

Para sa iyo ba ang manuwal o gabay na ito? Oo, kung ikaw ay isang tagapaglathalata sa isang maliit na Wikipedia, o ibig magsimula ng isang bagong edisyon pangwika. Maaari itong maglaman ng mga gamiting ideya para sa mga tagapag-ambag sa ibang mga proyekto ng Wikimedia, at para sa ibang mga malalaking Wikipedia rin.

Pagsisimula

Nararapat ba akong magsimula ng isang bagong proyekto?

 

Maraming mga naging usapin hinggil sa nauugnay na pamantayan sa pagsasagawa ng pagsusuri kung dapat bang payagan ang isang bagong edisyon ng Wikipedia (o Wikisource/Wikimulaan, Wikinews/Wikibalita atbp.) Basahin ang mga opisyal (ngunit nagkaroon din ng pagtatalo) na patakaran sa: Meta:Patakaran sa pagmumungkahing pangwika (English) (Meta:Language proposal policy).

Bilang karagdagan sa mga patakaran, isipin kung makakalipon ka ng sapat na bilang ng mga tao upang maisagawa ang iyong gawaing pamproyekto. Dapat na mayroon kang hindi bababa sa 20 mga tao na:

  • matatas sa wika, mga "antas 3" man lamang ("dalubhasa" o "bihasa"),;
  • mayroon at ibig maglaan ng maraming panahon; at
  • ang mayroong kakayanang pangasiwaan ang mga teknikal na mga gawain sa bagong proyekto ang ilan.

Sa katotohanan, dapat mong isaisip na maaaring mawala ang pakikilahok ng ilan o maaaring mahigit pa mula sa 20 naunang mga nagkusang-loob kaagad o sa unang mga tao ng proyekto makaraang masimulan ito. Kung gayon, dapat mong tanungin ang iyong sarili: Maaari bang sapat ba ang laki at kasiglahan ng pamayanang pangwika upang mabigyan ka ng mga bagong Wikipedista? Mayroon bang mga surian, panimulaan, o mga samahang magkakaroon ng interes para tangkilikin ang proyekto? Gaano ba kaunlad ang paksang wika, at may mga makabagong talahuluganan ba at mga gabay na pambalarila? Mayroon bang nagkakaisang anyo ng pagbabaybay ang wika?

Maraming mga halimbawa ng mga maliliit na mga Wikipediang wala nang buhay o hindi na gumagana, humigit-kumulang, wala nang kasiglahan ang kanilang mga Wikipedista. Naganap na ang pagkakasara o hindi na tumitinag ang walang-siglang mga edisyong pangwika, katulad ng sa Klingon, Moldovan at Herero.

Kung mayroon nang isang edisyon ng Wikipedia ang iyong wika, dapat mo itong pagtuonan ng pansin at hindi magsimula ng maaga sa isang bagong proyektong katulad ng Wikisource o Wikinews.

Paano ako makakapag-simula?

 
Inkubadora (incubator)

Kung sa isipan mo ay mayroon kang sapat na mga kasama at mga pananawa ang mga patakarang makapagpapahintulot sa iyong edisyong pangwika, dapat mo mung patunayan ang iyong sarili sa Limliman (Incubator). Sinasabi sa iyo sa pahinang Tulong:Gabay (Help:Manual) kung ano ang dapat gawin para kumbinsihin ang subkomiteng pangwika para asikasuhin ang isang baong edisyong pangwika. Pagkatapos ng mga kapayakan, lumikha ng isang Tatak (Logo) para sa iyong edisyon pangwika: Mga Logo#Lokalisasyon.

Mahalaga ang mga patakaran

Magiging labis na isalinwika ang lahat ng mga pahinang pangtulong na nasa English Wikipedia o isulat sa iyong sarili lamang, ngunit mayroong kit na panimula para sa mga pahinang pang-tulongna magiging sapat para sa mga unang taon: "Panimulang Wikipedia at mga pahinang pang-tulong. Subalit hindi pa rin iyon nakukumpleto.

Ang pagkakaroon ng mga patakaran at pagkakaroon ng kaisipan tungkol sa iyong layunin - simula't sapol pa lang - ay napakahalaga. Ang isang malaki at mayabong na komunidad na linggwistiko katulad ng Ingles ay malapit sa mga edit wars, mga di-pagkakaayusan tungkol sa pagkamay-kaugnayan atbp., patuloy pa ring nairal ang English Wikipedia. Ngunit sa pagkakaroon ng napakaliit na bilang ng mga tagapag-ambag ay hindi ka rapat mag-aksaya ng panahon sa mga walang katuturang usapin.

Bilang default, hinigitan ng Cantonese Wikipedia ang mga patakaran ng English Wikipedia, upang magkaroon ng estabilidad.[1]

Suliranin sa wika o pangwika

 
Mapa ng wikaing Inuktitut.

May ilang mga wikang kaunti ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa anyo kung ihahambing sa iba. Halimbawa, tinatawag na wikang "maraming sentro" (maraming "gitna") o plurisentriko dahil ginagamit ito sa maraming iba't ibang mga bansa, maging bilang isang katutubo at opisyal na wika. Sa isang lathalain o artikulong pang-Wikipedia, maaaring mangyaring ibiging baybayin ng isang Amerikanong Wikipedistang ang salitang "center" (gitna) bilang center ngunit bilang centre para sa isang Britaniko. Ano ang gagawin?

Nagbibigay ang Wikipedyang Ingles ng apat na panuntunan (prinsipyo o pananaw) na dapat sundin:[2]

  • Pagkakaparepareho sa loob ng mga artikulo
  • Malakas na ugnayang pambansa sa isang paksa (isulat ang tungkol sa Reyna ng Inglatera sa Ingles na pangbritaniko)
  • Pagpapanatili sa naririyan nang kaanyuhan
  • Pagbibigay ng pagkakataon sa pagkakaroon ng mga pangkaraniwan (subuking gumamit ng isang salitang karaniwan sa lahat ng mga kaanyuhan ng wika)

Maraming mga Wikipediang may mga ganoong kahalintulad na mga suliranin, at kahawig na mga patakaran. Nangangahulugan lamang na ang isang taong lumikha ng isang artikulo ang siyang magpapasiya sa kaanyuhang gagamitin, maliban na lamang kung may isang paksang dapat na nakasulat sa isang partikular na kaanyuhan. Halimbawa, para sa Wikipediang Dutch Low Saxon (Mababang Saksong Olandes), dapat na isulat sa diyalektong Achterhoek ang tungkol sa rehiyong "Achterhoek".

Sinusunod ng wikang Olandes ang mga payo ng Taalunie (isang pamantayang pangwika), mayroong Rat für deutsche Rechtschreibung ang wikang Aleman. Mayroong ilang mga Wikipedista, na maraming nalalamang mga kaanyuhan ang wika, ang gustong magkaroon din ng isang gawi o pamantayan. Isa itong paksang katutubo, kung saan walang hindi-mababagong patakaran ang maitatakda. Halos nakasalalay ito sa uri ng pagtanggap na maaari mong asahan para sa isang imumungkahing gawi o pamantayan, kaya't kalimitang isang bagay itong pangpatalastas. Kapag may ilang mga katutubong kaanyuhan ang nakataya, minsan ay maaaring magkaroon ng politika. Kung gayon ang kaso, malabong asahan mong magkaroon ng katugunan ang mga suliran ng isang wikipedia na hindi rin matugunan maging ng malaking bilang sa iyong pamayanang pangwika. Isinusulat ng mga mamamayan ang mga Wikipedia, na mayroong mga kaisipang politikal at naiimpluwensiyahan ng kanilang kapaligirang kinapapamuhayan. Kung may suliraning pampolitika ang iyong paligid, gayon din ang iyong proyektong pangwikipedia.

Payak na masasabing lagpas sa anumang pagkakataon ng pagkakaroon ng mainam na kalalabasan ang ganiyang mga kalagayan. Anumang kapasiyahan ang iyong gagawin, maghihirap ka ng malaki para riyan, hinggil sa panloob na mga pakikipag-ugnayan. Ngunit ka dapat maging baguhan dito, kung hindi maganda ang iyong kapalarang maisilang sa ganiyang mga pook. Kung nasa ganiyan kang kalagayan at suliranin mas mainam pa siguro para sa iyong tiyakin ang bilang ng mga maaaring maging mga tagagamit ng isang partikular na gawi. Kung sa bagay, dapat mong tandaan palagi na mula sa isang walang bahid na pananaw na pangkaalaman ang malawakang paghihigpit ay siyang kabaligtaran ng kung ano ang makakatulong sa mga taong magkaroon ng kakayahan sa pagsulat at pagbasa sa isang wika (tingnan ang susunod na talata). Natututo tayong lahat sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagiging huwaran, magiging lubhang mahirap para sa mga tao ang paggamit ng mga ito kung lahat ng mga halimbaw ay iba sa pagkalikas.

Anuman ang katutubo o pangrehiyong wikang ginagamit mo, mas malaki ang pagkakataong karamihan sa mga katutubong tagapagsalita ang hindi kaagad na makababasa ng panitik. Dapat mo itong tandaan kapag nagsusulat. Gumamit ng pinakapayak na wikang may maiikling mga pangungusap. Maaaring makatulong kung naglalaman ng isang panturo patungo sa isang gabay para sa mga hindi marunong ang lahat ng mga pahina mo, maging panturo patungo sa mga sanggunian (mapagbabatayan at mapagkukunan) na malawakan nang nakalimbag (mga balarila, talahuluganan/diksyunaryo, atbp.) Karamihan sa mga taong may katutubo o pampook na wika ang marunong bumasa at sumulat ng isa pang wika, kung gayon maaaring gamitin ang isa pang wikang ito (o mga wikang ito) sa pagtuturo ng payak na kakayahan sa pagbasa ng mga natatanging mga pahina. Maaari rin itong makatulong sa pagkakaroon ng payak na nakahandang payak na mga pahina na maaari nilang gamitin para sa pagsasanay. Sa pagkakataong gumagamit ka ng isang may maramihang-pamantayang panitik o titik, kailangan mo talagang maging maingat para maging pare-pareho at palagian at kailangan itala mo ang mga bagay-bagay upang makausad ang mga tagagamit isang itinakdang panitik/katutubong panitik sa pamamagitan ng materyal na kanilang magagamit.

Tandaan mong lahat tayo ay nagsusulat ng mga wikipedia para makapagpabatid ng kaalaman (o impormasyon), hindi lamang para sa kapakanan ng pagsusulat. Anuman ang piliin mo sa mga pamantayan, tiyakin mong hindi ka makakatanggap ng mga kalituhan o suliraning hindi lubos na mapapangasiwaan o matutugunan ng iyong pamayanan para sa pagpapaabot ng impormasyon patungo sa huling mga babasa. Kung mabigo ka sa paggawa nito, hindi isang ensiklopedya ang matatanggap mo, kundi isang samahan ng mga sinanay at maalam na mga tao lamang.

Mga katanungan ukol sa nilalaman

Hindi mo dapat isulat ang lahat sa pamamagitan ng sarili mo lamang, maaari kang magsalinwika (marami mula sa) mabubuting mga lathalain mula sa ibang mga Wikipedia, maaaring gagawan mo ng mga pagbabago ayon sa iyong kalinangan o kultura at mga interes o kagustuhan ng iyong mga mambabasa. Saka nga pala, mas magiging madali siguro kung magsasalin ka mula sa Payak na Wikipediang Ingles (Unang Pahina)(Simple English Wikipedia / Main Page) kesa mula sa regular na Wikipediang Ingles (English Wikipedia), sapagkat naglalaman ng mas maiikling mga lathalain ang Payak na Ingles na Wikipedia.

Mahalaga ba ang sukat o laki ng bilang?

For an alternative to bot-generated articles, consider enabling the mediawiki extension Article Placeholders in your Wikipedia.

Naging mahalaga at karaniwan pa rin ang pagbibigay ng pansin sa nararating na bilang ng mga lathalain: "Narating na ng Wikipedia X ang 10,000 artikulo, nakahanay sa pang-19 ang Wikipedia Y mula sa lahat ng mga Wikipedia", atbp. Nakasanhi ng masaklap na mga kinahitnatnan ang pakikipaghabulang ito sa bilang ng mga artikulo: May ilang mga Wikipedista ang naniniwalang ang paglikha ng maraming mga artikulo ang pinakamahalagang bagay sa mundo, na may pagbabalewala sa kalidad o pagsasapanahon ng mga artikulo. Halimbaw, may ilang mga Wikipediang nagsilikha ng mga artikulo tungkol sa mga kodigong pampook ng mga telepono; mga usbong hinggil sa mga bayan at mga kanayunan sa ibang bansa; mga lathalain may tig-iisang pangungusap; mga artikulong pulos mga datos/estadistika o palaulatan lang ang nilalaman; mga artikulong may maling wika (kinopya lamang mula sa artikulong Ingles) at marami pang iba (siyempre, nakakatulong ang mga nilikhang artikulo ng mga [ro]bot na tungkol sa sarili mong mga lungsod.)

Nagsisilbi lamang ang mga hindi tunay na mga lathalaing iyan bilang mga pampakapal o pandagdag sa mga bilang ng artikulo sa loob ng maikling panahon ngunit may maliit na katambal na halaga. Matutuklasan ng mga mamamayan (sa loob at labas ng Wikimedia) kung ano talaga ang kabuluhan ng mga "kahangahangang mga bilang" na iyan. Malaki ang pagkakataong maging biktima ng pambababoy o bandalismo ang isang malaking bilang ng mga artikulong (peke) ang isang edisyon ng Wikipedia, at nakasasayang ng malaking panahong dapat mas nauukol sana sa pagkatha ng mga mas makabuluhang mga artikulo na ikatutuwa mo. Mula sa usapin hinggil sa Wikipediang Volapük, maramaing mga edisyong pangwika ang mas masama o negatibo ang pananaw ngayon tungkol sa hindi tunay na mga artikulo.

Hindi mahalag ang bilang ng mga artikulo upang makapasol sa Top Ten Wikipedias.

Sa kabilang banda, wala kang ibang maibibigay sa mga mamamahayag kundi ang bilang lang na ito, dahil nagbibigay lamang ng kaunting mga ulat hinggil sa estadistika ng mga nagiging mambabasa (kung mayroon) ang WMF o Wikimedia Foundation (Pundasyong Wikimedia). Magatatanong sa iyo ang bawat isang mamamahayag kung ilang mga artikulo na ang meron, katulad ng kung paano ka huhusgahan o kikilatisin ng ibang mga tao ayon sa bilang ng salaping nasa iyong pitaka. Kalimitang sa ganitong mga bilang lang paghahambingin ng mga namamahayag ang mga wiki. Kaya ang mangilan-ngilang pakikipagtalakayan sa mga mamamahayag ang tiyak makapagdurulot sa iyo ng pag-iisip, dahil kung magkakabunyagan dapat na palakihin ang iyong wiki, at sa lalong madaling panahon. Malalagay ka lamang sa pagitan ng nag-uumpugang mga bato (o sa gitna ng dalawang apoy). Maaaring pagbantaan ka ng mga wikipedista mula sa meta kung gagawin mo iyan, tatawagin kang isang hangal ng mga pahayagan kung hindi, ngunit maaaring may ilang mga kasapi sa iyong pamayanan ang wala namang pakialam sa anumang bagay at magpapatuloy lamang sa pagtulak na "magpalaki pa" o "magparami pa", dahil mararamdaman nilang isa itong paligsahan.

Panatilihin ang sariling pagtataguyod

Lahat ng mga wiki ay may mga usbong (o stub), at kahit na gumagamit ka ng mga bot o inilalagay mo ito ng isa-isa sa pamamagitan ng pagtitipa, karamihang mga usbong ang iyong matatanggap, sa simula. Kung makapagsusulat ka ng isang pamagat, may ibang tao namang magdaragdag ng nilalaman. Totoo, pero hanggang sa isang hangganan lamang.

May dalawang kaurian ng mga tagapaglathala o tagapag-ambag ng mga artikulo: ang mga pababa at ang pahalang na mga manunulat. Napakakaunti ang mga naisusulat na mga malalalim na mga artikulo ng mga pababang manunulat. Ipinapasa o itinatala nila ang kanilang mga gawa bilang mga tapos nang mga sulatin, maghahanda sila ng sanaysay at ilalathala ito. May mga ibang magsisimula sa pagtalunton ng mga planeta, sa pamamagitan ng pagkatha ng mga napakaiikling mga akdang hinggil sa lahat ng mga bansa sa mundo, upang sa gayon "kahit papaano ay mapagkakawing tayo sa mga ito." Kailangan sila kapwa, kahit na maaaring tanawin bilang mga "taong (ro)bot" ang mga pahalang na mga manunulat na kumakatha lang ng mga walang-saysay na mga usbong. Sa katotohanan, kung wala sila ay hindi ka magkakaroon ng payak na maparaang kalatagang pangkaalaman kung saan makapaglalagay ng kanilang mga sanaysay ang mga pababang manunulat, ikawing ang mga ito sa iba pang mga materyal at gumawa ng isang wiking hindi lamang isang kalipunan ng mga artikulo, kundi isang totoong buhay at masiglang teksto. Magpahanggang dito, "mahalaga ang sukat".

Ngunit ang sukat o laki ay isang bagay na dapat mong pangasiwaan. Maging ang pambababoy o bandalismo (na hindi naman talaga kahalaga para sa karamihan ng maliliit na mga wiki, kung mayroon silang kahit na mga 2 hanggang 3 masisipag na mga tagagamit araw-araw), tinatawag na "sistematisasyon" o kaparaanan ang suliraning kinakaharap mo. Kailangan mong:

  • itala ang mga materyal ayon sa mga kaurian o kategorya,
  • maglagay ng mga kawing patungo sa (at mula sa, na siyang pinakanakakayamot) sa iba pang mga artikulong naririyan na,
  • maglagay ng mga larawan sa loob nito,
  • lumikha at pangasiwaan ang mga pamantayang pangkaanyuhan, atbp.
  • tiyaking naangkop ang mga pamagat ng mga artikulo (na malayo sa pagiging madali kung minsan, kapag maraming mga pamantayan at/o hindi tumutugma/pumapaltos sa mga pangalang katutubo para sa maraming mga bagay/pook/tao)
  • panatilihing nasasapanahon ang mga lathalain

Kung wala kang gaanong mga tauhan o makakatulong na mga tao, hindi maisasagawa ang mga gawaing ito at hindi kaayaaya ang magiging kalalabasan. Ngayon, kung hindi kaayaaya ang ilalathala mo, hindi mo maaasahang makakahikayat ito ng mga mambabasa at magsibalik dito.

Kapag gumawa ka ng isang artikulo, lumilikha ka ng isang "gampaning pangpangangasiwa" o "utang ng isang tagapamahala", katulad na lamang ng paghiram mo ng salapi upang makabili ng isang bahay. Mangangailangan ang lathalaing iyon ng pangangalaga sa loob ng maraming mga taong darating, at ikaw ang magiging tagapagbayad o tagapamahala sa pamamagitan ng sariling mong panahon. Kung gagawa ka ng kanaisnais na mga plano hinggil sa paggugol ng panahon, matutuklasan mong kusang-loob na sisimulan ng pamayanan mo ang pagtalakay hinggil sa pagpapanatili sa kaayusan ng mga artikulo. Magkaroon ka ng sariling-sikap at panatilihin ang pagtataguyod ng sarili, pumili ng mga usbong na higit na makakaakit para painamin pa ng mga maaaring maging mga mambabasang, at gumawa lamang ng bilang na kaya mong pangasiwaan at panatilihin.

Paano makakatanggap ng mas maraming mga mambabasa, pagiging mas napapanahon

 
Magbasa ng pahayagan, katulad ni Emma Zorn.

Kaugnay ng mga ulat pang-estadistika, ang mga paksang nakalantad sa mga bagong balita ang pinakabinabasa rin sa Wikipedia. Nangangahulugang kapag binasa mo ang iyong pang-araw-araw na pahayagan at tiniyak na mayroon sapat na impormasyong pandagdag o paglalarawan para sa bagong balita mula sa isang edisyon ng Wikipedia, magkakaroon ng isang malaking resulta ang gawaing ito kaysa paglikha lamang ng isang makabuluhang artikulo. Kapag lumindol sa Gresya, makapagsusulat ka ng hinggil sa mga lindol o sa Gresya. Magkakaroon ng isa pang paglindol sa ibang bahagi ng mundo, may isang pang pangyayaring magaganap sa Gresyang malalagay sa mga bagong balita, humahabi ka ng isang sapot ng mga kaugnay at nasasapanahong mga lathalain sa ganitong paraan.

Kapag nagsulat ka ng isang kaalamang pandagdag o may paglalarawan kaugnay ng bagong balita, tiyakin mong gumagamit ka ng isang katutubong pahayagan, nasa iyong wika kung maaari, para sa pagpili ng paksa. May mainam na halo ng mga pampook at pandaigdigang mga paksa ang isang katutubong pahayagan. Kapag humahanap ka ng mga kaugnay na larawan, mayaman o maraming mga litrato mula sa commons (imbakang panglahat), ngunit huwag isaisip na makapagbibigay ng kaugnayan o nasasapanahon ang isang larawan ng isang bagay na matatagpuan sa isang pook lamang.

Nagsisimula ang maliliit na mga wikipedia mula sa isang maliit na bilang ng mga tagagamit, at kailangan mong timbangin ang mga pagpapahalaga o interes ng isang maliit na pamayanan (ang tanging kasiglahan angkin mo sa pagsisimula ng proyekto) at ang mga pagpapahalaga ng pamayanan sa pangmalawakang diwa, naririyan sa labas lamang ng mundo ng wikipedia. May ilang mga nilalaman na maaaring makatulong sa iyo para maging paksa ng mga balita sa mga pahayagan (o mga katulad na midya; at hindi mahalaga kung sa anumang wika nakasulat ang mga ito). At ang lahat ng pagpapakilala o patalastas na matatanggap mo ay katumbas ng isang gintong may pinakamataas na uri. Kahit na pagtawanan kanila o gawan ka ng mga biro, nakakatulong sila sa pagpapalaganap ng balitang NARIRIYAN ka at BUHAY. Dahil diyan, hindi talaga mahalaga kung maganda o kanaisnais ang tinatanggap mong pagkakalantad dahil sa mga pahayagan o mga katulad na midya, basta't natatanggap mo ang tulong ng pagpapalaganap.

Pag-ukulan ng pansin ang iyong mga malalakas na katangian

 
Isang barkong namamalakaya (gumagamit ng mga lambat na may mga pamain), isang larawang nakita mula sa Wikipediang Aislandiko.

Dahil nga isang ensiklopedya ang Wikipedia, pangunahing layunin nito ang lahat ng kaalamang pantao. May pangangailangan ng mga lathalaing ukol sa astronomiya, tungkol sa heograpiya, hinggil sa mga sining, patungkol sa kasaysayan, atbp. Siyempre, dapat ding lumikha ng mga artikulong nauukol sa mga paksang gusto ng maraming mga mamamayan, para sa iyong mga mambabasa, halimbawa na ang kasaysayan: Imperyong Romano, Imperyo ng Mongolia, Gitnang mga Kapanahunan (Midyebal), Unang Digmaang Pandaigdig, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Pagpaslang sa Rwanda... Makapagbibigay ng ilang gabay ang Talaan ng mga lathalaing kailangan para sa bawat Wikipedia (List of articles every Wikipedia should have) (English). Isa pang paraan ang pagsulat ng mga artikulong hiniling at hindi natagpuan.

Ang pinakamadaling instrument ay maaaring wala sa ibang mga wika, na ibinubukod ang mga nawawalang artikulo ayon sa bilang ng mga interwikis. Maaaring mamili ang bawat tagagamit ng isang wikang pinanggagalingan na kilalang-kilala at malapít sa kalinangan at simulan ang pagsasalinwika ng mga kasiya-siyang paksa mula sa pinakataas ng talaan, baga ma't mayroong kaunting mga ingay-ingay.

Sa madaling sabi, mayroong tatlong mga larangang dapat mong pag-ukulan ng pansin:

  • Isang panlahatang pagtalakay sa agham at mga paksang pantao, halimbawa na ang isang artikulong tungkol sa astronomiya, isang lathalaing may kaugnayan sa pinakabantog na astronomo o astronomistang si Isaac Newton (ngunit hindi naman napakaraming lathalaing pang-astronomiya).
  • Mga paksang natatagpuan ng mga tao sa mga bagong balita, katulad ng Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen, Tsina, enerhiyang nukleyar, si Bill Gates, diyabetes.
  • Mga paksang kaugnay ng iyong wika, kalinangan o kultura, o pamayanang pangwika (maaari kang maging masinsin hinggil dito).

Maaari kang magtuon ng pansin sa mga artikulo tungkol sa iyong sariling rehiyon, sa sarili mong wika at panitikan, sa iyong kultura, mga produkto ng gawaing-kamay ng iyong pook, atbp. Sa mga paksang ito, maaaring maging dakila ang iyong Wikipedia at maging gamitin para sa iyong mga mambabasa, habang kahit na hindi ito makakaabot o makapagtutunggali sa Wikipediang Ingles tungkol sa mga motorsiklong Amerikano o mga elementong kimikal. Sa kabilang banda, makakagawa ng mas mainam na mga artikulo kung ihahambing sa kung ano ang meron sa Wikipediang Ingles ang isang masugid na mahusay na manunulat, kahit na sa mga paksang ito. Kaya, bago mo itulak ang iyong pamayanan patungo sa isang may-pamantayan at tiyak na daan dahil nakasulat ito rito, maglaan ka muna ng panahon para suriin kung ano ang isinusulat ng iyong pamayanan. Mas mahalaga ang tunay at totoong gawa kaysa mga pananaw o prinsipyo at mga patnubay, at sapagkat natatangi ang lahat ng mga edisyon ng Wikipedia.

Pagkuha ng mga tatangkilik

Lumikha o sumali sa isang samahan

Maaaring lumikha ng mga "sangay" ang mga Wikimedista (mga Wikimedian) - mga pambansang samahang nakikipagtulungan sa Pundasyong Wikimedia. Halimbawa nito ang Wikimediang Aleman, Wikimediang Arhentino, at Wikimediang Ruso. Kung nagsasalita ka ng isang wikang di-gaanong laganap sa iyong bansa na mayroon nang isang tanggapang-lokal, maaaring ibigin mong makipag-ugnayan dito. Maaaring tangkilikin ka nila kung mayroon kang mga planong kanaisnais - partikular na kung maraming mga Wikipedista sa iyong wika ang sumali rito.

Makakatulong ang mainam na paghahanda at pagsasaayos. May ilang mga bagay na maisasagawang napakainam sa pamamagitan ng pananaw o adhikang bukas na pakikipagtulungan (katulad ng pagsusulat ng isang ensiklopedya), may ibang mas nakakapagtrabahao sa nakaugaliang pamamaraan. Binubuo ng mga tao ang mga tanggapang-lokal at mga wiki, kaya't suriin ang antas ng kalidad ng pakikipagkapwa-tao bago gumawa ng anumang hakbang patungo sa isang hangarin.

Maaaring makatulong ang isang magandang organisasyon. Maaaring maisagawa nang napakaayos ang ilang mga bagay na may simulating pang-wiki ng bukas na kolaborasyon (katulad ng pagsulat ng isang ensiklopedya), nagana naman ang iba sa mala-tradisyonal na pamamaraan. Binubuo ang mga chapter at wiki ng mga tao, kaya naman dapat suriin ang kalidad ng pakiki-halubilong pantao bago gumawa ng kahit na ano mang hakbang sa ano mang direksyon.

Mga ideya/kaisipan mula sa ibang mga Wikipedia

May mga Wikipedia na mula pa noong 2001. Matuto ka mula sa kanila at tungkol sa kanila, pagmasdan kung ano ang mga nagaganap sa mga malalaki at nakatatandang mga Wikipedia, ngunit mula rin sa ibang maliliit na mga Wikipedia. Aba, walang gaanong pagpapalitan sa pagitan nila, at wala ring gaanong pananaliksik tungkol sa kanila at sa kanilang mga partikular na mga suliranin.

Kung minsan, mahirap makipag-ugnayan sa ibang mga Wikipedia. Tiyakin lamang na

  • mayroon isang "embahadang" madaling matagpuan, maaaring sa pamamagitan ng "Ingles" na kwaing sa iyong unang pahina o punong pahina.
  • mayroon kang panturo (redirect) na makahihikayat sa mga taong magmamakinilya ng pariralang

"village pump" o "poso ng baryo" patungo sa iyong kapihan o katulad (anuman ang tawag dito sa iyong wika).

  • lumikha ng mga kawing na pagpapalitang-wika o pang-ugnayang pangwika para sa ganitong uri mga pahina, partikular na ang papunta sa ibang maliliit na mga wikipediang nakikipag-ugnayan sa iyo o may kaugnayan sa iyo.

Mga surian/komisyon pangwika at mga samahan

 

Hindi lamang ikaw ang may pagpapahalaga sa iyong wika. Mayroon bang isang Akademyang tumatanaw o nagmamasid sa paggamit ng mga wika, naglalathala ng mga talahuluganan o diksyunaryo atbp? Mayroon bang mga samahan ng mga taong interesado sa iyong rehiyon, kalinangan, wika? Maaaring mga gurong ibig tumingin sa isang gumagalaw o kumikilos na Wikipediang nasa iyong wika?

Maging makatotohanan hinggil sa kung ang maaasahan mula sa isang surian o komisyong pangwika. Hindi sila ang gagawa ng gawain para sa iyo o sa gawaing dapat mong isagawa. Hindi sila magiging isang ganap na bagong mga Wikipedista. Hilingin mo sa kanilang:

  • tingnan ang iyong edisyong pangwika at sabihin sa iyo kung ano ang pananaw nila tungkol dito;
  • pahintulutan ka, sa kanilang mga pagpupulong at sa kanilang mga lathalain, ang mga bagay tungkol sa Wikipedia, partikular na ang nauukol sa iyong edisyong pangwika.

Maghanap ng mga pagtalakay tungkol sa gawi kung paano tinataguyod o tinatangkilik ng ibang mga Wikipedia ang kanilang mga hangarin: halimbawa, ang Wikipedia ay isang kasangkapan para patanyagin ang kalalabasan ng pananaliksik na makaagham. Isa itong bagay na talagang mabibigyang-halaga ng mga tanggapang ito. Kapag natuklasan nilang natatangi o nakakapukaw ng pansin ang Wikipedia, maaari kang humiling ng iba pa:

  • Puhunang salapi para sa paglilimbag ng mga patalastas at mga tulong sa pagtuturo.
  • Maaaring payagan ka nilang gamitin ang kanilang mga silid para sa mga pagpupulong na pang-Wikipedia at pampagsasanay.

Kung sa bagay, marami silang nalalamang tungkol sa iyong wika na makakatulong sa iyo maging bihasa: hindi magkatulad ang pagsasalita ng isang wika at ang pagkakaroon ng kakayahang sumulat ng isang ensiklopedya sa wikang ito. Maaaring mayroon silang isang aklatan o silid-aklatan at makapagaalok ng mga kurso o araling pangwika.

Huwag kang mawawalan ng loob kung walang kalalabasang gusto mo ang mga unang pakikipag-ugnayan. Magpatuloy ka at muling sumubok, maaaring kapag lumaki pa ng bahagya ang iyong proyekto; siyempre, magiging mahirap ang magkaroon ng magandang impresyon o bakas kung puno ng mga hindi tunay na lathalain ang iyong edisyong pangwika.

Makipag-usap sa iba't ibang mga tao: kadalasang kalaban ng Wikipedia ang isang taong mula sa isang surian o institusyon, ngunit may isang kakampi ng Wikipedia o makawikipedia.

Pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan

Pakikipag-ugnayan sa midya

 
Isang Wikipedistang kinakapanayam ng isang mamamahayag.

Hindi tungkulin ng mga tagapamahayag o tagapagbalita ang maglahad tungkol sa iyong Wikipedia, maguulat lamang sila ng patungkol sa iyo kung mayroon isang bagay na nakakapukaw para sa kanilang mga mambabasa. Tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang magiging nakakapukaw: ang paglikha ng isang Wikipedia na nasa iyong wika, maaaring ang pagkakaabot sa 10,000 mga artikulo, tiyak na hindi ang halalan ng isang bagong tagapangasiwa. Ikatuwa ang sarili mong edisyon ng Wikipedia, ngunit hindi nagmamayabang. Gumawa ng mga paghahambing na mauunawaan ng mga mamamayan, sabihan mo sila ng mga natatangi (mausisa? mausyoso?) mga artikulo.

Bago makipag-ugnayan sa midya, tiyaking maalam ka sa Wikipedia at sa iyong edisyong pangwika, na maaari kang makasagot sa pangkaraniwang mga katanungan (ilang tao ang naglalathala, may mga kilala ka bang mga bumabasa, ano ang mga layunin mo sa hinaharap atbp.).

Get your vocabulary straight

For people who do not know much about Wikipedia (new editors, journalists and their readers, politicians etc.) it is very confusing to hear different expressions for the same thing. Make sure that you have worked on your "Wikimedia vocabulary". Two examples:

  • Wikimedia Deutschland once translated "local chapter" with "lokaler Verein", although lokal in German relates only to towns and villages. By the way, it is questionable whether "local chapter" itself has been a good choice for describing the independent national Wikimedia organisations.
  • How do you call a person who edits in Wikipedia but is not logged in, so that instead of an user name his computer's IP shows? Anonymous user, anon, IP user, IP, unregistered user, unregistered editor? Maybe the last one is the most clear. Then use it, and only it, when talking or writing about this kind of persons.

Ipakita ang iyong nilalaman

Kapag nakikipagkita ka sa ibang mga taong abala sa iyong wika, kaagad na maipaparating ng isang nakalimbag na (mabuting) artikulo ang kahalagan ng iyong Wikipedia. Maaaring mayroong isang pisarang mapagdidikitan nito. O mayroon kang mga kaibigang mahilig sa mga tiyak na mga paksa, at makapagpapadala ka sa kanilang mga artikulo sa pamamagitan ng elektronikong liham (e-liham). Kung minsan may lathalain ng isang samahang pangwika ang maglalathala ng isang artikulo ng Wikipedia.

Maging maingat sa pagpili. Dapat itong may mataas na uri, at dapat na angkop ang paksa para sa mga mambabasa. Mas ikasisiya ng isang samahan ng mga guro ang artikulong katulad ng "Kasaysayan ng pagsusulat" kaysa kay "Robert Horne (tagapagbuno)". Siya nga pala, palaging iniisip ng mga guro ang: Magagamit ko ba ito sa paaralan, para ba ito sa aking mga mag-aaral? Nangangahulugang mahalaga na madali ring maintindihan ng mga kabataan ang lathalain.

Sa isang gawi, higit na madali ang magbigay at maglimbag ng isang artikulong nasa anyong PDF. Maaaring magawa ang isang PDF mula sa isang websayt sa pamamagitan lamang ng Mozilla Firefox 3 (at mas mataas pa). Mas magandang tingnan ito kung ihahambing sa "bersiyong maililimbag".

Kung minsan, maaari at mas may kabuluhan ang pagpapakita ng isang buong artikulo, minsan maaari ka ring magpakita ng isang pahina, piraso o pilas lamang. Pagkaraan, makapagpapakita ka rin ng simula ng isang artikulo at isulat sa huling bahagi ng pahinang ito: mababasa ang mga karugtong o ang kabuoan ng artikulo sa Wikipedia, hanapin ang [pangalan ng artikulo]." At pagkatapos, magbigay ka ng ilang mga impormasyon tungkol sa iyong samahan, paano ka matatawagan ng mga mamamayan, paano mag-ambag atbp., kung anuman ang angkop ayon sa diwa kung saan mo ginamit ang pahina.

Lumikha ng mga pabatid at ipamahagi ang mga ito

 
Kahong naglalaman ng mga pabatid o patalastas tungkol sa Wikipedyang Esperanto.

Tingnan ang mga halimbawa: mga pabatid [mga leaflets] (English).

Sa simula, magiging sapat ang mga pabatid na nasa iyong wika. Tingnan kung anong mga patalastas ang mayroon na sa ibang mga wika para matuto mula sa mga ito. Sa kadalasan, hindi mo maaaring isalin lamang ang isang pabatid patungo sa iyong wika, kailangan gumawa ka ng mga pagbabago rito. Subukin mong isakatutubo ang iyong pabatid, ialahad ang tungkol sa iyong edisyong pangwika at ano ang kahalagahan nito para sa iyong wika.

Sa pagsusulat ng mga pabatid o paanyaya (o iba pang mga bagay na pampatalastas) dapat na laging mong isaisip ang kung ano ang iyong mga hangarin o layuning maabot. Una, ibig mong maipakilala sa mga tao ang Wikipedia, ang tingnan nila ito sa sarili nilang pagkukusa, ang maging (palagiang) mambabasa. Ikalawa, gusto mo silang maging tagapaglathala rin, ang magsulat; huwag mong maliitin o ipagwalang bahala kung gaano kahirap para sa maraming mga tao ang talagang maglathala. Ikatlo, matatangkilik at matutulungan ka nila maging sa pamamagitan ng pag-aambag lamang sa iyong samahan.

Tumuon lamang sa tatlong mga layuning ito, sumulat ng mga paksang makakahikayat sa mga tao para magbasa, magsulat, mag-ambag, maglathala. Huwag masyadong subuking maglagay ng napakaraming mga impormasyon sa iyong mga pabatid, maglaan ng pansin sa mga mahahalagang mga bagay-bagay.

Gumamit ng mga tatak o logo ng Wikipedia at Wikimedia; para makakuha ng pahintulot, makipag-ugnayan sa iyong sangay o sa Pundasyong Wikimedia. Sa umpisa, ayos lang kung walang kulay o itim at puti lamang ang iyong mga paanyaya; mas madali itong malilimbag at magawan ng mga kopya. Makakatulong din ito sa pagpapababa ng halaga ng mga gugulin. Tanungin ang iyong sangay o samahan, himukin ang mga mamamayan makilahok o makiisa sa iyo sa pamamagitan ng pag-aabuloy ng salaping pantulong, lumikom ng mga salaping pantulong mula sa iyong mga Wikipedista.

Isang bagay lamang ang paggawa ng mga pabatid, pero pagtuonan din ng pansin ang kung paano ang pagpapamudmod o pagpapamigay. May mga pagpupulong ba hinggil sa iyong wika? Masyado bang mahala ang halaga kung magpapadala ng mga kopya para sa mga tanyag na mga tao sa iyong pook, kung sa pamamagitan ng koreo, subalit dapat kang magpadala ng isang sipi patungo sa mga tanggapan ng mga mahalagang surian, komisyon, o institusyong pangwika. Huwag kang gagawa ng mga pabatid kapag walang kang nalalamang paraan kung paano ito ipamamahagi.

Gabay o Manuwal na pang-Wikipedia

Maraming mga tao ang nahihirapan sa paglalathala, isa nang dahilan rito ang pangangailangang matutunan nila ang estilong gawi sa pagsusulat, at maging (lalo na) dahil sa mga makapampatakarang sangkap o teknikal na bahagi sa paglalathala. Mahalaga ang Mga pahinang pantulong (English), ngunit bigyang pansin din ang pagbibigay ng isang karagdagang gabay o manuwal na maaaring bilhin o ikarga sa kompyuter ng mga tao para malimbag. Madaling makapagtrabaho na may mga bukas na bintana sa panoorang pangkompyuter ang isang may karanasang tagagamit ng kompyuter, katulad ng isang pahinang tulong sa gawing kaliwa ng panooran at isang bintanang pampatnugot sa gawing ganan. Subalit mas gusto ng mga walang karanasang mga tagagamit ang isang nakalimbag na gabay na maaari nilang ilagay sa tabi ng kompyuter, o basahin sa habang nakaupo sa sopa bago buksan o buhayin ang kompyuter.

Nararapat na higit sa isang bunton ng mga pangkaraniwang mga pahinang pangwikipedia at mga pahinang pantulong ang isang gabay na pangwikipedia. Dahil na may mainam na kayariang bagong uri ng teksto ito, na nahahati sa mga kabanatang may kabuluhan. Huwag tumalon mula sa isang paksa patungo sa isa pa, subuking gumawa ng isang kabanatang likas na sumusunod sa isa pa.

 
Paglubog ng araw sa Machu Picchu, Peru. Isa sa maraming mga magagarang mga larawan sa Wikimedia Commons.

Mayroong isang pangunahing kamaliang makikita sa maraming mga manuwal o gabay: Nagbibigay sila ng labis-labis na impormasyon sa mambabasa. Maging bahagya lamang, layuning mong gawing isang tagapagmaneho ang isang mambabasang may kakayahang matuklasan ang kaniyang daan pabalik sa pinanggalingan niya, hindi isang dalubhasang tsuper o piloto ng kotseng pangkarera. Bilang halimbawa, dapat na malaman ng iyong mambabasa ang tungkol sa apat o limang pinakamahahalagang kodigo ng Wikipedia (katulad ng [[ ]] para sa paglikha ng isang kawing), ngunit para mamaya o sa paglaon pa ang paggawa ng mga tabla. Kung mas maraming bagay-bagay ang nilalagay mo sa iyong gabay, mas kakaunti ang matutunan ng iyong mambabasa (o ang pagkapuna nila) hinggil sa mga payak na mga bagay.

Isa pa sa mga kadalasang kamalian sa mga manuwal ang maagang pagsisimula sa pagtalakay sa paggawa ng mga pagbabago o pamamatnugot sa mga lathalain. Dapat na matutunan muna ng isang bagong Wikipedista ang kabuluhan o kahalagahan ng proyekto, ang tungkol sa mga patakaran (ano ang Wikipedia - ang kung ano ang hindi), kung paano makibagay o maging kasali. Nakakalito sa mga tao ang pagpapahintulot sa kanila para gumawa kaagad-agad ng mga pagbabago, at nakakawalang-gana rin, partikular na kung nakikita nilang ibinabalik sa dati ang ginawa nilang mga pagbabago.

Maaari kang gumamit ng mga larawan, ngunit huwag naman sobra o labis. Kapag mailalarawan mo ang isang bagay sa pamamagitan mga nasusulat na salita, huwag kang gumamit ng mga larawan ng mga nakikita sa panooran ng kompyuter. Halimbawa, banggitin mo lamang na matatagpuan ang kawing na "Lumagda / magpatala" mula sa gawing kanan sa itaas ng bawat pahina ng Wikipedia (maliban na lamang kung nakapagpatala na o nakalagda at nakapasok na sa Wikipedia ang tagagamit). Subalit makapagpapakita ka ng ilang magagandang mga larawan mula sa Wikimedia Commons upang kaaya-aya at kaakit-akit ang iyong gabay o manuwal.

Isang mungkahi para sa iyong talaan ng mga nilalaman:

  1. Pagpapakilala [tungkol saan ang gabay na ito, kanino ito nakakatulong at sa pamamagitan ng ano]
  2. Ang kababalaghan/penomenong Wikipedia
    1. Mga ensiklopedya, Internet at Malayang Kaalaman
    2. Kasaysayan ng Wikipedia
    3. Pundasyong Wikimedia
    4. Mga proyekto ng Wikimedia
    5. Wikipedia sa ating wika
  3. Paano gamitin ang Wikipedia
    1. Panglahatang patakaran ng Wikipedia
    2. Unang Pahina
    3. Ano ang isang artikulo
    4. Nilalaman ng isang artikulo
    5. Mabuti/Mainam at Napiling mga Artikulo
    6. Paano maghanap
    7. Kalidad/Kaantasan
  4. Paano maglathala o mag-ambag sa Wikipedia
    1. Bakit naglalathala o nag-aambag ang mga tao
    2. Uri ng mga tagagamit [mga mambabasa, hindi nakatalang mga tagagamit, nakatalang mga tagagamit, mga tagapangasiwa atbp.]
    3. Paano ang pagpapatala, at bakit
    4. Paano ang kakausapin at tatawag ng mga tao
    5. Baguhin o painamin ang isang artikulo [na ang halimbawa ay ang pagtatama ng isang payak na mali sa pagmamakiniliya o pagkakatipa ]
    6. Pagtatalo sa pagbabago (pag-edit) at pagtatalo hinggil sa pagbabago
    7. Kodigo ng Wikipedia
    8. How to create a new article
  5. Paano gumamit ng mga larawan
    1. Mga larawan sa mga artikulo ng Wikipedia at kodigo
    2. Maghanap ng mga larawan sa Wikimedia Commons
    3. Magkarga ng mga larawan sa Wikimedia Commons
  6. Ano nang gagawin ngayon [magpatala, makipag-ugnay sa lokal na pangkat, mag-ambag, atbp.]
  7. Talasalitaan/Glosaryo
  8. Pangalan ng mga gumawa at tumulong

Mga sanggunian

  1. Cantonese Wikipedia, huling namataan 2008-12-18.
  2. Gabay sa Estilo (Manual of Style) (English).

Tingnan din

Mga Kawing sa Web