Tipang Kasulatan ng Kilusan/Nilalaman/Mga Ginagampanan at Pananagutan
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
- Konteksto ukol sa draft na ito
Ang kabanata ukol sa mga Ginagampanan at Pananagutan sa Movement Charter ay nagmumungkahi ng mga pagbabago upang mapahusay ang kilusang Wikimedia. Kinikilala din nito na magpapatuloy ang ilang mga daloy ng gawain na walang magiging malaking pagbabago. Ang pasyang ito ay hango sa pagkilala sa kahusayan at kainaman ng mga kasalukuyang daloy ng gawain. Sa pagpapanatili ng mga matagumpay na kasanayang ito, natitiyak ng kilusan na ang mga kritikal na operasyon ay mananatiling maayos at maani. Sanhi nito, nakatuon ang mga kasapi sa paghimok ng positibong pagbabago at pagtibay ng kanilang napagdiin. Nilalayon ng kabanata na magkaroon ng matimbang na pagitan ng pagtanggap sa pagbabago at sa pagpapanatili kung ano man ang gumagana na nang maayos; upang lumikha ng isang maugnay at mahusay na kilusan.
Panimula
Ang mga kinauurian at kinauukulan sa loob ng kilusang Wikimedia ay maghahatid at magbabahagi ng mga ginagampanan at pananagutan, na hanggang makakaya ay makapantay sa buong kilusan.
Ayon sa "prinsipyo ng subsidiarity", ang mga katungkulan ay itinatalaga sa pinakamababang mararating na antas. Ito'y maliban lang kung ang iminumungkahing layunin ay hindi sapat na makakamit sa ganoong antas, maari man dahil sa sukat o sa minungkahi; na mas mahusay ay italaga sa isang mas mataas na antas. Ukol sa mga mas matataas na pananagutan, may mga kinauuriang sumasakatawan sa buong kilusan. Ang kaayusang ito ay upang bumuo ng pagkakaisa sa paggawa ng kapasyahan at pagtatalaga ng pananagutan ukol sa mga mahahantong.
Mga nagkukusang-loob
Ang mga "volunteers", mga nagkukusang-loob, ay ang puso ng kilusan. Bilang mga may kasarinlan, sila'y may awtonomiya na mag-ambag sa misyon ng kilusang Wikimedia. Sa konteksto ng Wikimedia, ang isang boluntaryo ("volunteer") ay taong nagbibigay ng panahon at lakas sa mga kaganapan ng Wikimedia nang hindi tumatanggap ng palagiang bayad sa mga pinagsikapan. Ginagawa nila ito habang nakakabit o hindi man sa kanilang network; halimbawa — sa pag-edit ng proyekto; sa mga tungkuling administratibo; sa pakikipag-ugnayan sa komite; at sa pangangasiwa ng kaganapan. Sa ilang mga pagkakataon, ang mga boluntaryo ay karapat-dapat na makatanggap ng kapalit sa kanilang mga gugul; mga pamigay na premyo, mga pakete ng suporta, o sahod.
Ang istraktura ng pamamahala
Ang mga boluntaryo o "volunteer" ay maaaring sumanib sa mga pang-isahan gayundin mga kolektibong kaganapan ng kilusan, at maaari din siyang makibahagi sa anumang bukas na pangkat (group), pamayanan (community), proyekto, kaakibat (affiliate) o "hub". Ang samahang Wikimedia Movement ay lumalaki sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga taong nag-aambag ng kusang-loob.
Mga Pananagutan
Ang mga tagapag kusang-loob (volunteers) ang himpilan kung saan itinatatag ang kilusan. Hindi mabubuhay ang kilusan kung wala sila. Ang kanilang mga ambag ay magmula sa sarili nilang "pag-edit" sa mga proyekto, hanggang sa pagbuo ng mga pamayanan (communities) ukol sa paglago ng kilusan (movement).
Ang lahat ng mga taga kusang-loob (volunteers) ay dapat sumunod sa mga patakaran (policies) at patnubay (guidelines) habang nag-aambag. Sila ay may pananagutan bilang mga indibidwal sa anumang pakikibahagi nila sa kilusang Wikimedia, alinsunod sa "code of conduct".
Mga karapatan
- Ang kaugnayan ng mga taga-boluntad sa kilusang Wikimedia, samakatuwid, ay pagkukusang-loob lamang: at walang hangganan sa maari nilang iambag. Ang mga boluntaryo ay may layang magpasya, hinggil sa kalikasan at lawak ng mga pagaambag na nais nilang gawin.
- Sinomang boluntaryo ay may karapatang lumisan sa kilusan sa anumang pagkakataon. Maaari silang magpahinga sa anumang sandali, o magpasyang humiwalay.
- Dapat pag-ingatan na hindi lampasan ang dapat gawin ng mga nagkukusang-loob. Ang mga boluntaryo ay may karapatan na tumanggi sa anumang karagdagan na kahilingan, ambag o kurokuro.
- Ang lahat ng mga boluntaryo sa kilusan ay dapat bigyang-galang at pagkakataon na makalahok sa mapantay na paraan.
- Upang mapanatili ang isang makabuluhan at mapakinabang na kapaligiran para sa ating mga boluntaryo, maaaring patnugutan ang kanilang mga nagugol; ukol sa mga gantimpala ng mga kaganapan, panustos sa kagamitan, pamasahe, suporta atbp.
Mga Pamayanan
Ang mga pamayanang Wikimedia ay saniban ng mga taga kusang-loob, na nag-aambag sa paraang "online" at "offline", upang mapagyaman, palakihin, at magbuo ng mga proyekto at kilos ng Wikimedia.
Samot-sari ang kaanyuan ng mga pamayanang Wikimedia; na maaring maging tematiko, geograpiko, lingwistiko, o batay sa proyekto.
Pamamahala
Ang mga pamayanang pang-proyekto ay mga pangkat ng taga-ambag sa mga "online" na proyekto ng Wikimedia. May malawakang awtonomiya sila sa kanilang mga patakaran, sa loob ng kanilang mga konteksto, dapwat alinsunod sa mga pangkalahatang tuntunin ng pag-uugali. Ang awtonomiya na ito ay sa pagtataguyod ng diwang eksperimento, na nagdadagli sa mga mga bagong pananaw panglipunan at pang-teknolohikal.
Itinatakda at sinusunod ng mga pamayanan ang kanikanilang mga pinagkasunduang pamamaraan ng pamamahala, na nagiiba kung saan mang dako. Sa ilang mga pamayanan, may maraming komite na umiiral upang mapangalagaan (support) at mapamahalaan (manage) ang mga pamamaraan (processes) nito, kabilang ngunit hindi kukulangin sa: mga Burukrata (bureaucrats), Katiwala (stewards), Tagapangasiwa (administrators), mga kasama sa Arbitration Committee, at iba pa. Kahanay ng mga pamayanan, sila ay may pananagutan sa mga nilalamang patakaran, pagpapanatili at pagpapaunlad ng mga proyekto at daloy ng gawain, at ng pagtutulungan.
Dahil ang istraktura ng pamamahala (governance structure) ng bawat pamayanan ay pinagpapasyahan din sa naturang pamayanan, hindi mabigat ang pagmamatyag sa mga organisadong pamayanan. Gayunpaman, mayroong hanay ng paggabay ng mga prinsipyo (guiding principles) na dapat sundin ng bawat isang pamayanan.
Mga Pananagutan
Ang mga pamayanan ay may pananagutan sa pangkalahatang pag-e-edit, pangangasiwa, pamamahala at pagpapalawak ng mga kasalukuyang proyekto at darating, upang matiyak ang katatagan at paglago ng kilusan. Ang mga ito ay may pananagutan din sa paghuhugis at pagpapatupad ng mga pamamaraan at patakaran ng sarili nilang mga proyekto, at sa paglunsad at pagpapatuloy ng kanilang mga aktibidad.
Ang mga Project Community, sa pangkalahatan, ay may hawak na pananagutan sa mga kasapi ng kanilang pamayanan, patungkol sa mga bagay ng pamamahala.
Mga karapatan
Ang pamayanan ng proyekto ay may ganap na pangangasiwa sa mga nilalamang editoryal ng kanilang proyekto.
Ang pakikilahok sa mga pamayanan (community involvement) ay ubod sa pangmatagalang pagpapanatili ng Kilusan. Sa bawat anumang babaguhin na idudulot ng Wikimedia Foundation o ng Global Council, na madadamay ang pamayanan sa daloy ng kanilang mga ginagawa, ang mga nauugnay na pamayanan ay dapat mabigyan ng matibay at makabuluhang konsultasyon. Kabilang sa mga maaring pagbabago na makakadamay sa daloy ng gawain ay anumang babaguhin sa interface o software, o mga pandaigdigang proyekto na madadamay ang mga pamayanan; kagaya halimbawa, mga diskarte ng kilusan (movement strategies), o mga Kodigo ng Pag-uugali (codes of conduct). Ang ilan, tulad ng mga susog sa Movement Charter, ay mapapailalim din sa mga karagdagang pagbubuklod ng pagpapatibay (binding ratification).[1]
Sa mga pagkakataon na kung saan may malubhang paghahadlang ng interes (conflict of interest), na pumipigil sa naturang konsultasyon, dapat ipaliwanag ng Global Council o WMF kung bakit hindi magaganap ang konsultasyon. Sa mga malubhang pangangailangan (emergency), ang Global Council o WMF ay maaaring kumilos sa loob ng kanilang awtoridad, ngunit dapat ay magbigay sila ng katumbas na paliwanag pagkatapos. Ang pagkakataon sa isang konsultasyon at posibleng pagsusuri ay iaalok pagkatapos (kabilang na maaring baligtarin ang mga ginawa). Dapat iwasan ng Global Council at WMF na umabot sa mga de-facto na kalalabasan bago magpatakbo ng mga konsultasyon sa mga desisyon o kilos.
Ang impormasyon at mga update tungkol sa mga pagbabago na tinatayang makaapekto sa mga workflow ng komunidad, at dapat na magagamit at ma-discover para sa mga miyembro ng komunidad. Ang mga (information) at (updates) tungkol sa anumang pagbabago kung saan madadamay ang daloy ng mga gawain ng pamayanan, ay dapat gawing nakatambad at matuklas para sa mga kasapi ng pamayanan. Kabilang sa mga update ay: tungkol sa mga kasalukuyang proyekto at mga pagkakataon; mga kaalaman tungkol sa WMF at Global Council (kabilang ang mga sub-committees nito). May karapatan ang mga pamayanan sa sapat na dokumentasyon, alinsunod sa mga kahalagaan ng ating kilusan. Mga (Information) na hindi maaaring ibunyag; sa kadahilangang confidential, pribado, may pagmamay-ari, o yuung mga hindi pinahihintulutang ibahagi sa ilalim ng batas, ay hindi sa mga ilalathala.
Mga Katawan ng Kilusan
Ang mga movement body ay ang mga malayang organisasyon sa loob ng Wikimedia Movement na dumaan sa pormal na proseso ng pagkilala (recognition). Tinutugis nila ang adhikain ng Wikimedia na libreng kaalaman; alinsunod sa mga pinagkaka-halagahan (values) ng kilusan; at kumikilos sa pagpasya (decision-making) at pagdiskarte (strategy) sa kanilang kinikilalang saklaw.
Ang mga katawan ng kilusan (Movement bodies) ay nagtitipon ng mga interesadong kasapi at mga taga kusang-loob (volunteers), na maaring magbibigay ng tulong batay sa kinakailangang larangan ng kadalubhasaan. Nagbibigay ang mga katawang ito (bodies) ng institutional support, pagtalaga ng mga gawain, at tulong sa mga volunteers at iba pang pamayanan sa pagbuo, pagpapatakbo at coordination.
Pinapadali ng mga Movement body ang paglago at pagpapalawak ng mga pamayanan ng Wikimedia — sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga kasapi (membership), pagbuo ng pagbubuklod (collaboration); paglaganap ng pagtutulungan (cooperation); pagpapahusay ng mga kasanayan (upskilling); at pagpapabuti ng kanilang kamalayan sa pamayanan (community awareness). Nagbubukas sila ng mga daan para sa pag uusap sa kani-kanilang mga pamayanan, bilang kanilang kinatawan. Likas sa saklaw ng kanilang gawain (scope of work), kanilang tinataguyod ang pagpapalawak ng mga kinakailangang mapagkukunan (resources) at suporta sa mga pamayanan (support to communities).
Ang pangmatagalang layunin ay upang maibahagi ang mga mapagkukunan (resources) sa buong lawak ng mga katawan ng Kilusan (bodies of the Movement) – at hindi pinangungunahan ng isang katawan lamang – dapwat pinamamahalaan sa pamamagitan ng Global Council at Wikimedia Foundation. Upang makamit ito, ang pagpapalago sa mga strategic area ay ipinapauna, upang mabuo ang isang pragmatikong decentralization.
Global Council
(Paalala sa mambabasa: Ang impormasyon sa Global Council ay idaragdag sa R&R chapter ng charter sa susunod na pag-ulit ng proseso ng pagbalangkas. Mangyaring tumingin sa Global Council draft hinggil sa mga kasalukuyang impormasyon.)
Mga Hub
(Paunawa sa mambabasa: Ang impormasyon sa Hubs ay idaragdag sa R&R na kabanata ng Movement Charter sa susunod na pag-ulit ng proseso ng pagbalangkas. Maaring basahin ang nilalaman ng Hubs draft upang malaman ang kasalukuyang impormasyon.)
Mga Kaakibat (Affiliates) ng Wikimedia
Ang Wikimedia Movement Affiliates ay mga katawan sa Wikimedia Movement na pormal na kinilala ng Global Council at ng hinirang nitong komite; o bago sa panahong nagsimula ang Global Council, ay napagkilalan na ng Wikimedia Foundation.
Maaring ang isang kaakibat (affiliate) ng Kilusan (Movement) ay isang Wikimedia Chapter na may tiyak na geograpikong coverage, o isang Thematic Organization na may isang pandaigdig o "cross-regional" na saklaw ngunit mayroong natatanging tema, o isang User Group na maaaring maging (regional) pati na rin (topical). Ang mga kaakibat (affiliates) ay isang paraan kung saan maaaring makipagsamahan ang mga pangkat sa loob ng Kilusan upang makapaghatid ng mga lalakarin (activities) at pakikipag-ugnayan (engagements).
- Pamamahala
Ang kayarian (composition) at pamamahala (governance) ng isang kaakibat (affiliate) ay bukas, na maaring pagpasyahan, batay sa konteksto at mga pangangailangan nito. Ang tagapag-pasya ay isang "affiliate board" o kanyang katulad, at ang kaakibat ay may pananagutan sa samahan nitong kinakatawan – halimbawa, ang ayos ng mga kasapi nito. Ang mga kaakibat ay dapat ding sumunod sa adhikain at mga kahalagaan ng kilusan at sumunod sa mga pamantayan ng pagkilala (standards of recognition).
- Mga Pananagutan
Ang mga kaakibat (affiliates) ay may pananagutan sa pagpapanatili ng mga pamayanan (communities) na sinusuportahan nito, at sa huling-dako, dapat silang magbigay tulong sa pamayanan, sa abot (direct) man o hindi (indirect), sa isa o higit pang mga na proyekto nito: sa pagdulot ng pagsasama (inclusion), pagkakapantay-pantay (equity), at pagkakaiba-iba (diversity) sa loob ng kanilang pamayanan; pagtataguyod ng Universal Code of Conduct; at sa pagtaguyod ng pagbubuklod (partnerships) at pakikipag- tulungan (collaborations) sa kanilang kinaroroonan o tema ng gawain. Ang mga kaakibat ay inaasahang mag-ugnayan (coordinate) sa ibang mga kapisanan sa pangangalap ng pondo (fundraising organizations), kung pipiliin man nilang mangalap ng pondo. Ang mga kaakibat ay may pananagutan na gawing tambad ang kanilang gawain, sa pamamagitan ng mga ulat sa madla (publicly accessible reporting).
Kailangang konsultahin ang isang kaakibat (affiliate) sa anumang imumungkahing Hub sa pook ng operasyon nito (maging ito ay tema o rehiyon), at kahit anong mungkahi na magbabago sa balangkas (structure) at pamamahala (governance) ng Kilusan, kung madadamay nito ang mga gawain ng isang Kaakibat.
Wikimedia Foundation
Ang Wikimedia Foundation ay isang non-government organization (NGO) na may pananagutan ayon sa batas, hinggil sa mga libreng kaalaman at teknolohiya ng Kilusang Wikimedia, at ito'y may pananagutan sa pagiging host nito. Ito ay nagpapatupad ng isang estratehiko na kapiligan (direction) na nahimok ng patuloy na pakikilahok at pakikipag-ugnayan mula sa buong Kilusang Wikimedia.
Ang gawain ng Wikimedia Foundation ay may kasanib na mga dalubhasang katawan tulad ng Wikimedia Endowment at Wikimedia Enterprise, na ito'y mga hiwalay na legal at may sariling mga tuntunin.
- Ang istraktura ng pamamahala
Ang Wikimedia Foundation (WMF) ay may istraktura ng pamamahala sa kanilang mga tuntunin, na may katumbas na mga resolusyon mula sa Board of Trustees at mga patakaran ng WMF, na nakalapat sa Board of Trustees at mga kawani ng WMF.[2] Ang Lupon ng mga Tagapangasiwa (Board of Trustees), na may hindi bababa sa kalahati ng mga kasapi nito ay magmula sa mga pamayanan, ay ang pangunahing tagapasya, na may mga nakatalagang gawain para sa WMF Chief Executive Officer (CEO). Ang WMF ay nananagot sa kanyang libreng misyon ng kaalaman (free knowledge mission) at sa mga pamayanan ng Wikimedia. Ang WMF ay nagbibigay-alam sa mas malawak na Kilusang Wikimedia tungkol sa mga pangkalahatang pasya ng Board of Trustee at CEO. Tinitiyak ng WMF na bukas at madaling ma-mahanap ang mga impormasyong ito.
Ang WMF ay pinayuhan at itinataguyod ng mga komite na binubuo ng mga may kaalaman at hilig sa mga partikular na paksa; at tinataguyod ng mga kawani ng WMF sa pagsasagawa ng kanilang mga ginagampanan.
- Mga Pananagutan
Ang WMF ay may pananagutan ukol sa pangmatagalang pagpapanatili ng mga proyekto ng Wikimedia at ang kilusan nito. Pinapanatili ng WMF ang mga server kung saan naka-host ang mga proyekto ng Wikimedia; at pinamamahalaan nito ang pag-unlad ng kanyang pangunahing software. Ang WMF ay may pananagutan ukol sa kanyang pandaigdigang kampanya sa pangangalap ng pondo. Ang WMF ay may pananagutan din sa proyektong Wikimedia Enterprise.
Ang WMF ay may pananagutan sa paghawak ng mga legal na aspeto ng Foundation at sa pangangasiwa ng kanyang kabuoang pamamahala (overall governance), tulad ng mga pamamaraan (processes) na paligid ng Board of Trustees, ang pagbuo ng taunan at pangmaramihang taon na mga plano, at ang pangangalaga ng mga trademark ng Wikimedia.
Kumunsulta ang WMF sa mga kaugnay na stakeholder na madadamay sa mga pagbabago ng mga patakaran at tuntunin. Kung saan naaangkop, ito ay naghahanap ng panlabas na legal na payo.
Ang WMF, kasama ang Global Council, ay lilikha ng mga proseso upang matiyak ang koordinasyon sa pangangalap ng pondo, sa isang malinaw, mapanglahat at nabibilang na paraan. Lilinawin ng mga prosesong ito, lalo na, ang mga pagsisikap ng iba't ibang mga katawan ng kilusan upang maiwasan ang pagsipi ng pagsisikap (duplication of effort).
Ang WMF ay sumusubaybay sa mga lathaing umuunlad mula sa labas ng kilusan na makakaapekto sa gawain ng kilusan; halimbawa, mga bagay ukol sa pambatasan, at mga pamayanan na nanganganib sa banta.
Mga naTala
Karagdagang Pagbabasa
- External legal feedback ukol sa draft nitong kabanata sa foundationwiki
- Legal feedback ng Wikimedia Foundation ukol sa draft ng kabanata sa foundationwiki (15 August 2023)
- na mga tugon ng Wikimedia Foundation sa mga tanong tungkol sa mga legal na pananagutan sa foundationwiki (5 Enero 2024)