Universal Code of Conduct/Binagong alituntunin ng pagpapatupad/Pahayag/Halalan 1
Paparating na halalan ukol sa binagong Alituntunin sa Pagpapatupad ng Universal Code of Conduct
Magandang araw sa lahat,
Sa kalagitnaan ng Enero 2023, ang Alituntunin sa Pagpapatupad ng Universal Code of Conduct ay dadaaan sa pangalawang kabuoang pamayanang halalang pagpapatibay. Ito ay sumusunod sa halalan ng Marso 2022, kung saan karamihan ng mga manghahalal ay sumang-ayon sa Alituntunin ng Pagpapatupad. Habang halalan, mayroong mga kalahok na nagtaas ng mga mahahalagang pamayananang alalahanin. Hiniling ng Komite sa Ugnayang Pamayanan ng Lupon na mabigyan tingin ang mga alalahaning ito.
Ang samahang kusang-loob na Revisions Committee ay nagtrabaho ng mabuti na tignan ang mga nasabi ng pamayanan at gumawa ng mga pagbabago. Ibinago nila ang mga lugar ng alalahanin, tulad ng kinakailangang pagsasanay at paninindigan, pagkapribado at pagka-aninaw ng proseso, at ang dali ng pagbasa at pagsalin ng kasulatan mismo.
Ang binagong Alituntunin ng Pagpapatupad ay mababasa dito, at ang paghahambing ng mga binago ay mahahanap dito.
Paano humalal?
Simula Enero 17, 2023, bubukas ang halalan. Ang pahinang ito sa Meta-wiki ay nagtatala ng kaalaman tungkol sa paghalal gamit ang SecurePoll.
Sino ang maaring manghalal?
Ang kinakailangan para manghalal para sa halalang ito ay pareho sa mga halalan ng Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia. Tignan ang pahina ukol sa kaalamang manghahalal para sa dagdag na detalye tungkol sa kinakailangan ng mga manghahalal. Kapag ikaw ay isang naaaring manghahalal, maari mong gamitin ang iyong Wikimedia account para mabuksan ang server pang-halal.
Ano ang mangyayari matapos ang halalan?
Ang mga boto ay sisiyasatin ng isang nagsasariling kusang-loob na samahan, at ang mga kalabasan ay ilalathala sa Wikimedia-l, sa Movement Strategy Forum, Diff, at sa Meta-wiki. Ang mga manghahalal ay maaring bumoto muli at ilahad ang kanilang mga alalahanin sa mga alituntunin. Ang Lupon ng mga Katiwala ay titingin sa mga antas ng pagsang-ayon at mga naitaas na alalahanin upang malaman kung ang Alituntunin ng Pagpapatupad ay kinakailangan na mapatibay o madagdagan pa.
Sa ngalan ng UCoC Project Team,