Tipang Kasulatan ng Kilusan/Nilalaman/Hubs
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Kahulugan at layunin
Ang mga "Regional" at "Thematic" na mga hubs ay mga istruktura na makapagbibigay sa mga pamayanan (communities) ng kakayahan na makagawa at makapagpatupad ng kanilang mga sariling kapasyahan — upang sila ay makatugon sa mga magkakaibang pangangailangan. Ang mga Hub ay makapagbubuo ng balangkas ng suporta sa mga kasapi nito at ibang nasa kilusang Wikimedia, upang makibahagi sila ng kanilang kaalaman, makapagbuo ng mga pinakamahusay na kagawian, at magbigayan ng patnubay at tulong sa ibang kasapi ng hub.
Ang isang hub ay isang kagamitan upang makapagtiyak ng pagpapanatili, katatagan, at paglago para sa buong Kilusan. Ang mga regional hub ay tagapagbigay daan para sa mga kaganapan , kasangkapan at kaalaman. Ang mga rehiyonal na hub ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga pangkat ng Wikimedians na magtulungan at magsimbisig (collaborate), halimbawa, sa katatagan, at paglago ng buong Kilusan. Ang mga regional hub ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga pangkat ng Wikimedian na magtulungan at mag-simbisig, halimbawa sa pagbuo ng kapasidad at paglilipat ng kaalaman. Ang mga thematic hub naman ay nagbibigay-daan sa pagdadalubhasa at gawain sa buong Kilusan, kung saan napapakinabangan ang mga ibinabahaging layunin mula sa mga magkaugnay na solusyon. Lumilikha ang mga hub ng mga pagkakataon para sa mga bagong magkakapantay na koneksyon at istruktura, at sa pagbigay-lakas ng mga nasa kasalukuyan.
Ang mga hub ay isang mabisang kagamitan para sa pagpapalakas ng mga hinahalaga at pinaninindigan ng kilusang Wikimedia — tulad ng "subsidiarity", kapantayan at pagtaguyod ng kakayahan.
Pamamaraan ng pagbubuo at pamamahala
Ang mga hub ay maaaring magsimula sa pamamagitan ng hindi bababa sa dalawang mga affiliate ng Wikimedia bilang mga tagataguyod na kasapi.
Ang tagapasya at ang mga may-pananagutan sa loob ng isang hub ay ang "steering committee" nito o isang katumbas, ayon sa mga nakasaad sa modelo o mga tuntunin nito.
Ang mga hub ay naka-tatag nang may dalawang pinag uukulan lamang:
- Rehiyonal (geograpikong) focus.
- Halimbawa ng hypothetical membership: Mga kaakibat ng Wikimedia mula sa Elvish Continent.
- Thematic/paksa, kabilang ang mga wikain (linguistic) na paksa na hubs
- Mga halimbawa (hypothetical lamang) ng pagiging kasapi ng hub: Mga kaakibat ng Wikimedia na nagtutuon sa wikang Elvish; mga kaakibat ng Wikimedia o WikiProjects at iba pang mga panlabas na samahan na may hilig sa pagbuo ng mga paksang nauugnay sa bulaklak.
Ang mga hub ay naiiba sa mga pampakay na Wikimedia user group, o yuong mga may-temang organisasyon ng Wikimedia, sapagkat ang layunin nito ay makabuo ng isang istruktura magtataguyod sa mga kasapi ng mga hub
Ang isang hub ay dapat na isasaayos sa isa sa dalawang paraan:
- bilang isang rehistradong non-profit na organisasyon o lokal na katumbas nito
- nakaakbay (hosted) ng isang kinikilalang non-profit na organisasyon, o katumbas nito, na kinikilala sa ilalim ng mga lokal na naaangkop na batas.
Ang Host na ito ay magsisilbing "fiscal sponsor", kung ang hub mismo ay hindi legal na nakarehistrong non-profit o ang lokal na katumbas nito. Dapat itong nagtataglay ng mga istruktura na handang bumahagi sa Hub at matiyak ang wastong pamamahagi ng mapagkukunan — sa pagsulong ng simulain ng Hub at sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas.
- Ang Hub Host ay karaniwang isang Wikimedia Chapter o isang legal na rehistradong kaakibat ng Wikimedia, subalit maaari sa may ilang pagkakataon na maging isang panlabas na organisasyon.
- Dapat matugunan ng Hub Host ang mga kinakailangan na magkasundong pinagpasiyahan ng Global Council at ng Wikimedia Foundation.
- Ang Hub Host ay hindi maaaring maging host para sa higit sa isang hub.
Makakatanggap ang mga hub ng kanilang pagkilala at awtoridad mula sa isang komite na hinirang ng Global Council, na may sang-ayon din ng Global Council. Ang mga hub ay may pananagutan sa Global Council.
Ang mga hub ay inaasahang magmodelo ng pagkakaiba-iba (diversity), pagsasama (inclusion), pananagutan (accountability), at pagkakapantay-pantay (equality) ayon sa Pambungad na salita (Preamble) ng Movement Charter.
Pagsapi at pagtatag
- Ang isang hub ay nangangailangan ng hindi bababa sa dalawang (2) kaakibat (affiliate) ng Wikimedia bilang mga tagataguyod na kasapi (founding members) upang maging isang Wikimedia hub. Ang mga kaakibat ng Wikimedia na ito ay dapat na nakakatugon sa lahat ng mga pamantayan na kinakailangan sa isang uri ng affiliate na nito sa nakaraang dalawang (2) taon.
- Ang mga Kaakibat (affiliates) ng Wikimedia ay maaaring maging miyembro ng higit sa isang hub: ang mga miyembro ng isang hub ay nakikipagtulungan sa paggawa ng pagpasya ayon sa modelong pang-desisyon ng hub, at nagpapanatag (guarantee) ng mutual support levels.
Katanungan ng Pamayanan: Dapat bang magkaroon ng paghihigpit sa kung ilang hub ang maaaring salihan ng isang kaakibat? (Pakipaliwanag ang inyong sagot.)
- Ang mga "Individuals" ay hindi maaaring maging (nagsasariling) kasapi ng isang hub, ngunit maaaring makatanggap ng suporta mula sa isang hub.
Dapat itukoy ng hub ang modelo ng pagpapasya nito at ang pagtanggap ng mga kasapi, at magtalaga ito ng kanyang mga pananagutan. Para sa mga hub na piniling maging legal na entidad, ang mga desisyon nito ay kailangang maging alinsunod sa kanilang mga tuntunin.
Mga Pananagutan
Dapat maitukoy ng hub ang kanyang modelo ng pagpapasya at ang pagtanggap nito ng kanyang mga kasapi, at magtalaga ito ng kanyang mga pananagutan. Sa mga hub na nagpasya na maging entidad na legal, ang desisyon ng mga ito ay dapat maging alinsunod sa kanilang mga tuntunin.
Binabalangkas ng bahaging ito ang mga alituntuning mungkahi sa iba't ibang antas ng isang hub. Ang mga antas na ito ay:
- dapat – mga alituntunin na kailangang sundin ng bawat hub upang magtiyak ng pananagutan, kalinawan at pagiging tunay na proyekto ng Movement Strategy;
- kailangan – mga patnubay sa pagpapatakbo para sa pagpapabuti ng mga proyekto — upang sila'y napapanatili at mabisa;
- maari – mga alituntunin na hindi mahigpit ang kaugnay sa mismong proyekto, ngunit nakakatulong upang mas matambad ito sa pangkalahatang tanawin.
Dapat
Ang tiyak na saklaw at pagpapatakbo ng mga hub ay pagpapasyahan ng mga pamayanan at organisasyon batay sa kanilang mga konteksto at pangangailangan. Gayunpaman, ang mga hub ay dapat na may malinaw na layunin sa isa o higit pa, sa mga sumusunod:
- Pagkumpol ng Suporta (Support Cluster)
- Probisyon ng serbisyo, tulad ng pag-uugnay ng mga mapagkukunan ng tao (human resources); pagsasagawa ng mga pangangailangan ng mga kasapi; pagsasagawa ng mga pagtitimbang sa paglago para sa mga kasapi
- Pag-unlad ng kapasidad, tulad ng paglikha ng mga bagong samahan pati na rin ang kanilang paglago at pag-unlad; pagbibigay ng mga pagsasanay (training) at mga pagkakataon sa pagpapaunlad ng pamumuno (leadership development opportunities)
- Pagbabahagi ng kaalaman, tulad ng pagbibigay ng kadalubhasaan at payo sa ibang mga kasapi ng hub
- Suporta sa pag-"resource", tulad ng pagbibigay ng mga sponsorship at pagbigay ng pangangalap ng pondo (fundraising) o kadalubhasaan sa pananalapi (financial expertise)
- Pagkumpol ng Koordinasyon
- Koordinasyon sa rehiyon ukol sa mga pagkakataon para sa networking at komunikasyon
- Koordinasyon na Thematic ukol sa mga pagkakataon para sa networking at komunikasyon
Kailangan
Bago kilalanin ang isang bagong hub, ang mga inaasahang kasapi ng hub ay dapat maghanda ng pagsusuri na nagpapakita na ang isang hub ay magbibigay ng karagdagang halaga sa Kilusan. Maaaring maging mas mabuti ito sa tuntunin ng paghuhusay, at gayundin kung paano ito nakakatulong sa iba na palakasin ang kani-kanilang tinig; at magsumamo ng mga bagong kakayanan. Mahalagang maghugis ng diskarte (strategy) at komunikasyon na kasasangkutan ng mga kaakibat at indibidwal, sa mga madalasang panawam. Ang pagtitiyak na ang mga iba't ibang kuro ay naiwiwika ay gumugugol ng oras, ngunit lumilikha din ito ng pangmatagalang mga pagbubuklod, at nakapag-titiyak ng pagtutulungan.
Ang mga hub ay dapat makipagtulungan sa ibang mga Wikimedia organizations, kabilang ang ibang mga hub at mga impormal na pangkat (informal groups), at mga indibidwal na dumudulog ng payo o humihingi ng suporta. Sila ay inaasahan na tuwina ay may kaalaman tungkol sa mga nauugnay na kinikilos ng ibang mga hub at organisasyon ng kilusan upang matukoy nila kung saan sila may mga katumbas na hinihilig o layunin. (Halimbawa: ang matagumpay na pagbuo ng isang bagong affiliate; ang pag-organisa ng isang kaganapan sa pag-edit, atbp.)
Ang mga istrukturang ito ay gagampan tungo sa mga pamantayan ng pagkakaiba-iba (diversity), pagsasama (inclusion), pananagutan (accountability), at pagkakapantay-pantay sa pagpapasya (equality in the decision-making) ayon sa Movement Charter.
Maari
Sa kabilang panig, ang hub ay maaari din na magsaayos ng sarili upang karagdagang makagawa ng koordinasyon ukol sa mga kaganapan at kumperensya, mga pangangalap ng pondo na mga hakbangin at pamamahagi nito, pakikiayos sa mga panlabas na kapisanan, at pagsasagawa ng mga kaganapang adbokasiya (advocacy activities) kasama ng mga legal na entidad.
Ang mga Hubs ay gumagampan bilang daan ng komunikasyon (direct communication channel) sa Global Council at Wikimedia Foundation kapwa para sa kanilang mga pamayanan at sarili nito, tungkol sa mga estratehiko at ibang mga konsultasyon at tugon, para sa pakinabangan ng kilusang Wikimedia.
Pangangalap ng pondo at Pamamahagi nito
- Pangangalap ng pondo
- Pinahihintulutan ang mga hub na makalikom ng pondo kasama ng WMF at mga kaakibat.
- Ang mga regional hub ay maaaring lokal na mangalap ng pondo.
- Ang mga thematic hub ay maaaring dumulog o tumanggap ng mga gawad (grants), at maaari silang tumulong sa iba sa pamamahala ng kanilang mga gawad (Fiscal Sponsorship).
- Pamamahagi ng Pondo
- Maaaring maglaan ng pondo ang mga hub sa kanilang mga kasapi.
- Ang mga hub na namamahagi ng mga pondo ay kailangang may malinaw na pamamaraan sa paglalaan ng mapagkukunan (resource allocation process).
- Ang mga hub na kabahagi sa pamimigay ng mga pondo ay kailangang makipag-ugnayan sa mga komite ng pondo sa rehiyon.
- Bilang mga organisadong non-profit o lokal na mga katumbas, ang mga hub at Hub Host ay dapat maglaan ng pondo para sa mga miyembro ng hub bilang pagsulong sa pakay ng hub, at bilang pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas.
Mga Pangangalaga
Pagkilala at pagtanggal ng pagkilala
- Ang Global Council ay magtatatag ng isang proseso ukol sa mga hub na may "overlapping regional or thematic interests", at magpapasya sila sa kinakailangang hakbanging kaligtasan.
- Ang Wikimedia Foundation, Global Council o isang umiiral nang Hub ay hindi maaaring magbuo pa ng hub o kumilos bilang Hub Host.
Kaligtasan
- Ang mga hub ay dapat ipairal ang Universal Code of Conduct (UCoC) sa mga kasapi nito. Kung kinakailangan, ang UCOC ay maaaring palawakin upang maihibla ito sa lokal na konteksto.
- Ang mga hub ay tutulong sa paglutas ng hidwaan sa loob ng kanilang saklaw (scope) at kapisanan (membership). Ang Global Council ay magtatatag ng isang katawan upang tumulong sa paglutas ng salungatan sa pagitan ng lahat ng mga kaakibat, kabilang ang mga hub.
Pagsalungat ng Kagustuhan
- Ang Global Council ay magbubuo ng isang "Conflict of Interest Policy" na ipatatanggap sa lahat ng hub (rehiyonal at pampakay).
- Ang Hubs at Hub hosts ay hindi maaaring gumampan bilang "fiscal sponsor" o tumulong sa grant-application process (drafting, applying, atbp) kung sila ay kaugnay din sa proseso; halimbawa, sa pamamahagi ng pondo.
- Ang mga hub ay walang karapatan sa pagboto ng mga puwesto sa Global Council, dahil ang kanilang mga kasapi na Affiliate ay mayroon nang karapatan sa pagboto na ito.
Kaugnayan sa ibang mga katawan
- Mga indibidwal
Alinsunod sa istruktura ng "mutual support", ang mga hub ay magiging bukas upang suportahan ang lahat sa kilusan na may mga kahilingan na — may kaugnayan sa saklaw ng hub. Nangangahulugan na ang mga indibidwal ay hindi maaaring maging kasapi ng isang hub (i.e. no individual membership), ngunit maaari silang makatanggap ng suporta at benepisyo mula sa mga kaganapan ng mga hub.
- Mga kaakibat
Ang mga kaakibat ay maaaring maging Hub Host kung sila ay legal na nakarehistrong kaakibat. Ang mga kasapi ay ang tumutulong sa pag-usod at pagbigay ng priyoridad sa mga kilos ng hub; at lahat sila ay nakikibahagi sa pagsuporta sa isa't-isa. Maaaring lumahok ang mga hindi kasapi sa mga kaganapan ng hub. Mga halimbawa: kung magho-"host" ang hub ng isang kumperensya at nais dumalo ng hindi kaanib; sila din ay may dulog (access) sa mga mapagkukunan (resources).
- Wikimedia Foundation
Ang mga hub ay maaaring makipagtulungan sa Wikimedia Foundation. Kabilang sa mga halimbawa: koordinasyon sa pangangalap ng pondo (fundraising) at pamamahagi ng pondo, upang matiyak ang pagsunod sa mga naaangkop na batas tungkol sa pangangalap ng pondo (fundraising laws); ang kaligtasan ng mga volunteers at kawani (staff); pandaigdigang adbokasiya (global advocacy); dalubhasaan at pagpapalaki ng kakayahan (capacity building).
- Pandaigdigang Konseho (Global Council)
Ang mga hub ay may pananagutan sa Global Council. Ang Pandaigdigang Konseho ay magpapasya sa mga pangkalahatang istruktura at mga simulain na maaring lumampas sa Charter; at may isang komite ng Global Council na pagpapasya sa pagkilala (recognition) at pagbawi ng pagkilala (derecognition).
Karagdagang Pagbabasa
- External legal feedback ukol sa draft nitong kabanata sa foundationwiki
- Wikimedia Foundation's legal feedback ukol sa draft nitong kabanata sa foundationwiki