Taunang Plano ng Pundasyong Wikimedia/2024-2025
Habang paparating tayo sa mga sumasalubong na hangin na ito, ang taunang plano at maramihang-taon na pagpaplano ng Pundasyon ay patuloy na ginagabayan ng Direksyong Estratehiya ng 2023 ng kilusan. Ang mga pagbabago sa mundo sa paligid natin ay nagpapahalaga ng direksyon na ito kaysa dati. Ang isang tawag upang maging mahalagang imprastraktura ng ekosistema ng malayang kaalaman ay higit pa sa isang pampasiglang pahayag lamang – ito ay isang mandato na patuloy-tuloy na tasahin ang pagpapanatili ng ating mga proyekto at organisasyon bilang sagot sa nagbabagong tanawin sa paligid natin.
Dumarating ang taunang plano ngayong taon sa isang panahon ng dumaraming kawalang-katiyakan, pagkasumpugin at pagka-kumplikado para sa mundo at sa galawang Wikimedia. Sa buong daigdig, ang tungkulin ng online na kapani-paniwalaang kaalaman ay lalong nagiging mahalaga at mas lalong nanganganib kaysa dati. Kinakailangan ng mga organisasyon at online na plataporma na umigit sa isang pabago-bagong internet na mas lalong polarisado at biyak-biyak. Ang mga panibagong paraan ng paghahanap ng kaalaman, kasama ang paghahanap sa pamamagitan ng usap-usapan, ay nagiging tanyag. Ang kadalian ng paggawa ng nilalamang gawa ng isang makinang AI ay parehong nagiging isang pagkakataon at panganib para sa tungkulin ng Wikimedia bilang isang sistema ng kaalaman na pinangungunahan ng tao at pinagagana ng teknologiya, pati na rin ang modelo ng pananalapi ng Wikimedia.
Ang layunin ng kilusang Wikimedia ay nananatiling nakabatay sa dalawang susing haligi ng ating Direksyong Estratehiya:
- Pagkapantay-pantay sa Kaalaman: "isulong ang ating mundo sa pamamagitan ng pagi-ipon ng kaalaman na buong kinakatawan ang pagkakaiba-iba ng tao."
- Kaalaman bilang Serbisyo: "magtayo ng mga serbisyo at mga istraktura na nagbibigay-daan para sa mga iba na gawin din ito."
Bilang isang kilusan, kailangan natin ituloy na magbigay ng mapagkakatiwalaang kaalaman sa mundo, at pagyamanin ang mga kusang-loob na dinadaan ang paggawa at pagsuri ng laman sa lahat ng higit 320 na wika.
Sa Taunang Planong ito, ipinagdiriwan natin ang tagumpay ng maraming grupo at tauhan na nagtratrabaho upang isulong ang iba't-ibang Tagubilin ng Kilusang Estratehiya kasama ang ubod na trabaho ng Pundasyon. Sa mga susunod na taon, sisimulan na rin ng Pundasyon na sumenyas ng mas malinaw kung saan ang mga tagubilin ay mas nagbibigay-kaalaman kaysa sa iba sa ating sama-samang pagtugis ng Direksyong Estratehiya ng 2030.
At kinakailangan din natin magplano sa higit na kalayuan pa. Ang pagtanaw lampas ng 2030 ay mahalaga sa ating pakay, na kinakailanganin na tayo ay "gumawa at manatili ng kapaki-pakinabang na kaalaman … mayroon sa internet na libre, sa walang hanggan." Sa ilang dekada, ang nilalaman ng Wikipedia ay tuloy-tuloy na nagpapakita sa unang pahina ng 99% ng lahat ng pagsasaliksik sa Google. Nailarawan na rin ito bilang isang "makatotohanang lambat na idinidikit ang buong digital na mundo".
At gayon pa man, ang pagbababgo mula sa isang batay sa link na arkitektura ng pananaliksik – na maiging naninilbi sa ating mga proyekto at model ng pananalapi hanggang ngayon – papunta sa isang batay sa pag-uusap na arkitektura ng pananaliksik ay nasa mga unang araw nito, ngunit malamang na mananatili. Naniniwala kami na ito ay kabilang sa isang salinlahing pagbabago sa paraan ng mga tao na online na gumawa at gumamit ng kaalaman. Ang mga pagkakaiba na ito ay bumibilis habang ang internet ay nagiging mas sari-sari at pandaigdigan, at mas kakunting Ingles-dominado.
Ang kinalabasan nito ay isang estratehiyang kabalintunaan: ang mga proyekto ng Wikimedia ay nagiging mas mahalaga sa imprastruktura ng kaalaman sa internet, habang ito ay nagiging mas tago sa mga tagagamit ng internet. Sila ay mas mahalaga, dahil ang Wikipedia ay isinasakop ng mga malalaking modelo ng wika na nagbabago ng kinabukasan ng pagkalap ng kaalaman, kasama ang paghahanap ngunit pati na rin lampas dito. Batay sa maraming tasa, ang Ingles na Wikipedia ay bumubuo ng iisang pinakamalaking pinagmumulan ng datos pagsasanay na sinasakop ng ChatGPT – at isa sa mga pinakamataas na timbang ng kalidad. Sa pangkahalatang pananalita, ito ay isang mabuting bagay. Ang kapani-paniwalaang AI ay nangangailangan ng kapani-paniwalaang base ng katotohanan.
Kasalukuyan, ang nilalaman ng Wikimedia ay lalong nagiging mas tago bilang isang bahagi ng kinakailangan na imprastruktura ng internet dahil ang isang mas-sarado at pinamagitan na AI na internet ay hindi nagbibigay ng pinanggalingan ng mga katotohanan, o mag ugnay man lang pabalik sa Wikipedia. Ang kontratang panlipunan na saligan ng pangatlong-partidong paggamit ng mga nilalaman ay napupuwersahan. Habang ang panghuling tama ng AI ay makikita pa lamanag, nakikita namin ang tama ng puwersa nito sa paglipas ng panahon sa mga bumababang panukat tulad ng pampook na trapiko at mga bagong patnugot.
Ang kahit anumang tanunang plano ay kailangang pabatiran ng maramihang-taon at maramihang-salinlahing estratehiya na sumusulong ng ating pakay sa walang hanggan. Nakaangkla sa kilusang estratehiya ng Wikimedia, patuloy na nakikipag-ugnay ang Pundasyon sa tatlong lugar upang pabatiran ang ating maramihang-taong pagplano at paghula:
- MODELO NG PANANALAPI: Ang modelo ng pananalapi ng Wikimedia at ang mga pangkinabukasang hula para sa mga pinagkukuhanan ng pera sa online na pangangalap ng pondo (na inaasahan naming hindi tuloy na lalaki sa parehong bilis tulad ng dati), ang susunod na yugto ng Wikimedia Endowment, at ang mga aral na natutunan namin sa ngayon galing sa Wikimedia Enterprise.
- PRODUKTO AT TEKNOLOHIYA: Ang pagpagitna ng tungkulin ng Pundasyon na itaguyod ang mga teknolohiyang kinakailangan ng kilusang Wikimedia, pagintindi ng mga kailanganin ng ating mga iba't-ibang pamayanan ng patnugot, pangunguna ng mga pagbabago para sa mga kinabukasang madla, at pati na rin ang pagunlad ng ating imprastruktura sa isang naninibagong panlabas na kapaligiran.
- TUNGKULIN & PANANAGUTAN: Mas tutok na usapan upang maitatag ang mga balangkas at tuntunin upang maintindihan ang ubod na tungkulin at pananagutan ng Pundasyon. Balak dito na matulungan bigyan dagdag ang mga pagwari-wari ng tipang kasulatan ng kilusan at ang mga kalawakang usapan tungkol sa kilusang estratehiya.
Tulad noong huling taon, ang plano ngayong taon ay nakatutok sa tampok na halaga ng teknolohiya, dahil sa tungkulin ng Pundasyon bilang isang tagabigay ng plataporma para sa mga pamayanan na nangunguna ng mga tao-hanggang-taong pamaraanang pang-gawa ng kaalaman sa buong mundo. Ang apat na pangkalahatang layunin ngayong taon ay nananatiling pareho (Imprastruktura, Pagkapantay-pantay, Kailgtasan & Katapatan, at Pagkabisa), habang ang trabaho at hatid sa loob ng bawat layunin ay bumubuti mula sa nagawang pag-unlad sa kasalukuyang taon.
Sa isang mataas na pantag, ang trabaho namin ngayong taon ay tutok sa pagpapabuti ng karanasan ng mga tagagamit sa mga proyektong Wikimedia, sa pamamagitan ng pagbigay ng patuloy na pagpapanatili na kinakailangan upang maitaguyod ang isang nangungunang 10 na sandaigdigan na website habang gumagawa rin ng mga pangkinabukasang pamumuhunan upang batiin ang isang nagbabagong internet. Bubuo din kami ng isang makatarungang daanan patungo sa malayang kaalaman sa pamamagitan ng paglutas ng mga puwang sa kaalaman at pagbati ng lumalaking pakikilahok sa kilusan, pagbantay ng ating mga tao at proyekto laban sa mga banta sa labas, at pagtulong na makamit ang mahabang-panahong pagpapanatili at pagkabisa ng pananalapi ng Wikimedia upang maitaguyod ang kilusan papunta sa kinabukasan.
Ang laang-gugulin ng Pundasyon ay sumasalamin ng kasalukuyang pagpapalitan, habang nakikita natin ang bumabagal na bilis ng bagong paglago ng kita. Upang batiin ang bagong katotohanang ito, makabuluhang binagalan ng Pundasyon ang paglago nito sa dating dalawang taon at gumawa ng pagbabawas ng mga kawani at gastusin sa huling taon. Mula 2022, ang bilis ng pagpopondo sa mga katawan ng kilusan ay lumalamang sa bilis ng paglago ng Pundasyon, na mananatiling ganoon parin sa plano ngayong taon.
Sama-sama sa layuning ito
Ang sama-samang layunin namin ay tulungan ang aming sangdaigdigang pamayanan na magtrabaho kasama ang isa't-isa at kami upang tunay na makamit namin na maging mahalagang imprastraktura ng ekosistema ng malayang kaalaman. Sa mga sumusunod na bahagi, mahahanap mo ang mga mas tiyak na detalye tungkol sa nagawa ng mga iba't-ibang pangkat sa Pundasyon sa pagkamit ng apat na layuning ito. Wala dito ang mga kaya naming gawin ng sarili lamang; kinakailangan tayong lahat upang gumawa ng isang mundo kung saan lahat ng tao ay nakikibahagi sa kabuuan ng lahat ng kaalaman. Dahil dito ang isa sa aming ubod na kahalagahan ay sama-sama tayong lahat sa layuning ito.
Ang pakikipagtulungan mo sa-wiki dito sa Meta, sa mga pamayanang espasyo o sa bomba ng nayon (o katumbas) ng proyekto mo ay binabati.
Ano ang kailangan ng mundo sa atin sa ngayon?
Ngayong taon, nakatutok ang Pundasyon sa apat na susing datos sa labas na may epekto sa ating gawa:
- Ang mga gumagamit ay nalulunod sa impormasyon, gustong isama-sama ito ng mga pinagkakatiwalaang tao
- Ang mga patnugot ay mayroong maraming makabuluhang, mabisang paraan ng online na pagbahagi ng kaalaman
- Ang katotohanan ng mga nilalaman ay mas pinaglalabanan kaysa dati, at ang mga nilalaman ay malakas na ginagamit bilang armas
- Ang regulasyon ay nagpapakita ng mga hamon, banta at pagkakataon na nagiiba sa bawat hurisdiksyon
Tulad ng ginawa namin sa huling taon, nagsimula ang pagplano ng Pundasyon sa tanong na, "Ano ang kailangan ng mundo mula sa amin at sa mga proyketong Wikimedia sa ngayon?" Nagsagawa kami ng pananaliksik sa mga datos sa labas na may epekto sa trabaho namin, kasama ang isang mas malaking pagtutok sa madaliang, kagat-laking impormasyon; pagpaparami ng dahilan, ukol sa pananalapi o iba, upang akitin ang mga patnugot sa ibang mga proyekto; mga bantang legal o regulatoryo, kasama ang mga kautusan sa mga plataporma na maaaring gamitin bilang armas laban sa amin o sa mga patnugot namin, pati ang mga pagkakataon na isulong pa-positibo ang interes ng publiko; at mga problema ng katotohanan ng nilalaman at ang epekto ng kalalabasan ng AI sa ekosistema ng impormasyon.
Sa nakaraang taon, dinaan namin ang ilang hakbang upang sagutin ang mga datos sa labas na to, kasama ang mga bagong pamumuhunan sa trabaho ng Future Audiences na pangkat, tulad ng paggawa ng isang plugin sa ChatGPT, upang subukan ang mga bagong plataporma at bumuo ng mga aralin ng kung paano ang mga maaring paraan na gustong gamitin ng mga tao ang nakakalikhang AI upang makipag-ugnayan sa kaalaman sa mga proyektong Wikimedia. Bumuo din kami ng isang bagong pangkat tagatrabaho at namuhunan sa mga kagamitan para sa mas maganda at mas matalinong pagpapatrolya para sa mga patnugot na mayroong hawak na mataas na karapatan upang tulungan ang mga patnugot na mangasiwa ng maaaring lumago na maling impormasyon at huwarang impormasyon sa mga proyektong Wikimedia. Binisita muli at natuto kami sa mga datos na ito sa loob ng buong taon; halimbawa, kahit ang ChatGPT ay naging isa sa mga pinakamabilis na lumago na plataporma sa kasaysayan, hindi nakita ng Wikipedia ang makabuluhang pag-iba sa trapiko ng pagbabasa sa parehong oras na iyon. Inasahan parin ng madla ang Wikipedia at mga proyektong Wikimedia bilang isang pinagmumulan ng mapagkakatiwalaan at tumpak na impormasyon sa buong mundo.
Talking:2024
Upang pagbatiran ang Tanunang Plano ngayong taon, nagsimula kami sa Talking: 2024, mga usapan upang makibahagi, makinig, at mag-aral na may layunin. Bilang bahagi ng pagkukusang ito, ang mga Katiwala, tagapagpaganap, at kawani ng Pundasyong Wikipedia ay nagsagawa ng 130 na usapan sa-wiki, kasama ang mga tauhan, at mga maliliit na grupo – at tuloy parin ang usapan. Ang mga usapang ito ay umaabot sa lahat ng panig ng mundo. Tuloy kaming natututo sa mga masaganang miyembro ng pamayanan hanggang mga kamakailang bagong dating, mula mga kusang-loob sa mga teknikal hanggang mga katiwala, taga-ayos ng mga kaganapan, at mga pinuno ng mga kaakibat.
Ang mga natutunan namin sa mga usapang ito ay tuloy na ipinasok sa aming mga pagpaplano ngayong taon, hanggang 2030 at higit pa - kasama ang pagiisip kung ano ang kinakailangan upang buoin ang ating mga proyekto hanggang ilang mga henerasyon:
- Patuloy-tuloy naming narinig ang kailanganin ng Pundasyon na manatiling nakatutok sa pagpapabago ng teknikal na imprastruktura upang maitaguyod ang mga kailanganin ng mga kusang-loob para sa mga pananatili ng mga kagamitan at sukatan.[ugnay patungong bahagi sa imprastruktura] Isa sa mga pinakamahalagang paksa sa aming mga estratehiyang pagsisikap habang kami ay ginagawang nasasalat at praktikal ang isang layunin na kinakailangang tumuloy ang ating gawa sa walang hanggan. Ang mga usapang ito ay tumulong na siguraduhin na patungo parin kami papunta sa tamang daan.
- Kahit ang teknolohiya ay kitang-kitang tampok sa mga usapang ito, walang duda parin na ang Wikimedia ay isang kilusang pinangungunahan ng tao. Narinig namin kung paano ito'y "lahat tungkol sa tao" at tuloy na siniyasat ang mas maraming kalutasan na maaaring tugunan ang alam na alam na suliranin ng kung paano balansehin ang mga kailanganin ng kasalukuyang patnugot at mga kusang-loob na batiin ang mga bagong dating. Ang mga kahalagahan namin na pinamunuhan ng mga tao ay nagpakita sa ilang mga usapan tungkol sa tungkulin ng Wikimedia sa paghubog ng bagong henerasyon ng artipisyal na katalinuhan.
- Ang mga usapan sa Talking: 2024 ay nagbigay din ng lugar upang ibahagi ng mga katawan ng kilusan ang kailanganin ng maramihang-taon na katiyakan sa pananalapi sa kanilang pagtaguyod mula sa Pundasyon, na isasama namin sa tanunang planong ito. Ang ibang mga usapan ay nagbigay-ilaw din sa kailanganing ituloy ang paguuna ng mga tasadong pagkukunan at maging mas malinaw sa mga pagpapalitan.
- Sa wakas, ang gawaing tukuyin ang isang Tipang Kasulatan ng Kilusan ay lumabas sa ilang mga usapan. Ito'y nagmula sa mga pagmumuni-muni sa tagubilin at tuntunin ng kilusang estratehiya ("Lagi nalang ba magiging unang dating, unang silbi dito sa kilusang ito?") hanggang mga tanong tungkol sa layunin ng iba't-ibang mga kaayusan ("Anong mga desisyon ang kailangang gawin ng pandaigdigang konseho? Bakit lilipat ang mga desisyon na ito mula sa isang tampok papunta sa iba?" "Gumagamit tayo ng martilyo upang lutasin ang mga suliraning ito kahit sa halip ito ay mga turnilyo."). Hindi nakakagulat, maraming iba't-ibang pananaw ("Ang pamayanan ng mga patnugot sa maraming pook ay walang nakikitang agarang pakinabang ng mga kaakibat, pusod, o ibang mga kaayusang pamamahala." "Tuloy na nararamdaman ng pamayanan na hindi sila pinapakinggan ng Pundasyon." "Ang mabuting gawa ng mga kaakibat sa ibang mga pook ay kapuri-puri, mas lalo na ang mga kaakibat na malalim na nakatuon sa pamayanan.") At isang malalim na pagkilala sa sali-salimuot na gawain na ito ("Sobrang laki ng pamayanan na mahirap pagsamahin lahat tayo.")
Layunin ng Pundasyon sa 2024-2025
Ang aming pamaraan ng taunang pag-plano
Bigay ang kontekstong ito, ang aming pamaraan ng taunang pag-plano ngayong taon ay nananatiling gabay ng sumusunod na tuntunin:
- I-angkla sa Kilusang Estratehiya. Itali ang Pagkapantay-pantay ng Kaalaman at Kaalaman bilang isang Serbisyo bilang bahagi ng kilusang estratehiya.
- Kumuha ng isang pananaw sa labas. Magsimula sa: ano ang nangayayari sa mundo natin. Tumingin palabas. Alamin ang mga pinakamahalagang datos sa labas na nakakaapekto ng trabaho natin.
- Tumutok sa Produkto + Teknolohiya. Patuloy na pagututok sa kakayahan ng Pundasyon bilang tagabigay ng plataporma na nagpapagana ng produkto at teknolohiya sa karagdagang sukat.
- Humanay sa apat na layunin taon-taon. Ang apat na layunin ng taunang plano ay nananatiling parehas sa nakaraang taon, kasama ang trabaho na nabubuo sa taas ng dating pag-unlad.
- Kumuha ng isang maramihang-taon na pagtigin. Pagbatayan ang ating taunang plano sa isang maramihang-taon na pagpaplano. Isaalang-alang ang mga matagalan na uso para sa ating modelo ng kita, estratehiya ng teknolohiya, at tungkulin at pananagutan ng kilusan.
- Damihan ang pagpondo sa mga samahan ng kilusan. Ang bilis ng pagpopondo sa mga katawan ng kilusan ay lumalamang sa bilis ng paglago ng Pundasyon.
Mayroong apat na pangunahing layuning ang Pundasyong Wikimedia para sa 2024−2025. Ang malalaking pang-organisasyon na layuning ito ay hindi nagbago mula sa plano ng nakaraang taon, ngunit tuloy na nagbabago ang tiyak na trabaho at nilalayon sa ilalim ng bawat layunin. (Ang isang buod ng mga layunin ng Pundasyon sa 2024−25 ay mahahanap din sa mga slide na anyo.) Ang mga layuning ito ay dinisenyo para nakahanay ito sa Estratehiyang Direksyon at Tagubilin ng Galawang Estratehiya ng Galawang Wikimedia, at para tumugon sa mga mahalagang datos sa labas na naghuhugis ng trabaho natin.
Ang layunin ng Pundasyong Wikimedia para sa 2024-25 ay:
- IMPRASTRAKTURA: Isulong ang Kaalaman bilang Serbisyo. Pabutihin ang Karanasan ng mga Tagagamit sa mga wiki, lalo na para sa mga matatag na patnugot. Patibayin ang sukatan at pag-uulat.
- PAGKAPANTAY-PANTAY: Itaguyod ang Pagkapantay-pantay sa Kaalaman. Patibayin ang pagkapantay-pantay sa paggawa ng desisyon gamit ang pamamahala ng kilusan, makatwirang pamamahagi ng mga mapagkukunan, pagsara ng mga puwang sa kaalaman, at pag-uugnay ng galawan.
- KALIGTASAN & KATAPATAN: Ipagtanggol ang ating mga tauhan at proyekto. Patibayin ang mga sistemang nagbibigay kaligtasan sa mga kusang-loob. Ipaglaban ang katapatan ng mga proyekto natin. Itaguyod ang kapaligiran para sa malayang kaalaman.
- PAGKABISA: Lakasan ang pangkalahatang kagagawan at pagkabisa ng Pundasyon. Suriin, ulitin at i-angkop ang mga proseso natin para sa pinakamaraming epekto gamit ang mas limitadong pagkukunan.
Buod ng mga Layunin para sa 2024-25
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng buod sa mga mahahalagang trabaho sa loob ng bawat isa sa mga layunin ng Pundasyon.
LAYUNIN 1: IMPRASTRAKTURA: Isulong ang Kaalaman bilang Serbisyo sa pamamagitan ng pagtutok sa mga sa-wiki na karanasan, mga kinabukasang madla, at mga senyales at serbisyo ng datos.
- KARANASAN SA WIKI
- Karanasan ng mga patnugot: Tulungan ang mga sanay at bagong patnugot na lumaban upang bumuo ng isang mapagkakatiwalaang ensiklopedia.
- Karanasan ng mga gumagamit: Makipag-ugnayan sa isang bagong salinlahi ng mga tagabasa at taga-abuloy upang bumuo ng matagalang ugnayan sa ensiklopedikong nilalaman.
- MediaWiki: Baguhin ang platapormang MediaWiki at mga interface nito upang kamitin ang mga ubod na kailanganin ng Wikipedia.
- KINABUKASANG MADLA
- Pagsubok ng mga matalinong hula. Subukan ang mga matalinong hula na nakatuon sa kinabukasan upang mas mabuting maintindihan ang mga uso sa teknolohiya, online na pag-uugali, at palawigin ang abot ng nilalaman ng Wikipedia.
- SENYALES & MGA SERBISYO NG DATOS
- Sukatan: Subaybayan at ilathala ang mga mahahalagang sukat upang maintindihan ang ating epekto at pabatiran ang paggawa ng desisyon.
- Plataporma pang-eksperimento: Ilunsad ang isang matatag na plataporma pang-eksperimento upang mas maiging suriin ang epekto ng mga tampok ng produkto.
LAYUNIN 2: PAGKAPANTAY-PANTAY: Itaguyod ang Pagkapantay-pantay sa Kaalaman sa pamamagitan ng pagtutuok sa pamamahala ng kilusan at paggawa ng desisyon, makatwirang pamamahagi ng mga mapagkukunan, pagsara ng mga puwang sa kaalaman at pag-uugnay ng galawan.
- PAMAMAHALA NG KILUSAN
- Paggawa ng desisyon: Itaguyod ang mabisa at makatwirang paggawa ng desisyon sa kilusan. Siguraduhin na ang mga kusang-loob ay naiintindihan at maaaring buong makilahok sa mga mahahalagang proseso ng kilusan (hal. Tipang Kasulatan, Pandaigdigang Konseho, Pusod, mga Komite).
- PAMAMAHAGI NG PAGKUKUNAN
- Pagkakalooban: Ituloy na ihanay ang pagkakalooban sa Kilusang Estratehiya. Samahan ang mga pamayanan upang maitaguyod ang makatwirang pamamahagi ng mga mapagkukunan at palakasin ang kakayahan ng mga Kaakibat na mangalap ng pondo.
- PAGSARA NG MGA PUWANG SA KAALAMAN
- Paglago ng nilalaman: Pabilisan ang paglago ng mapagkakatiwalaang ensiklopedikong nilalaman. Tulungan ang mga pamayanan na isara ang mga puwang sa kaalaman sa pamamagitan ng paggawa ng ating mga kagamitan at sistema ng pagtataguyod na mas madaling mapuntahan, i-angkop, at pabutihin.
- PAG-UUGNAY
- I-ugnay ang kilusan: Tulungan ang mga taga-Wikimedia na makipag-ugnay, makibahagi, at mag-aral mula sa mga kasama. (hal., taga-Wikimedia ng Taon, WikiCelebrate, mga Pampook at Pandaigdigang kaugnayan, Wikimania, mga Pampook na Pagpupulong, Wikimedia Hackathon, Let's Connect.)
LAYUNIN 3: KALIGTASAN & KATAPATAN: Ipagtanggol ang ating mga tauhan at proyekto sa pamamagitan ng pagtutok sa pagtaguyod ng pamamahala ng mga proyekto, karapatan ng tao, pagsagot sa mga nag-iibang mga legal na balangkas, pagharap ng huwarang impormasyon, at pagsulong ng modelong Wikimedia.
- IPAGTANGGOL ANG ATING MGA TAUHAN
- Tiwala at kaligtasan: Itaguyod ang mga daloy ng trabaho sa pamamahala ng mga proyekto tulod ng ArbCom, mga ArbCom, Katiwala, at iba pa na ipinagtatanggol ang tao at itinataguyod ang katapatan ng mga nilalaman. Magtrabaho kasama ang mga tagapangasiwa na lumalaban ng paglilitis at sobrang masigasig na pagbabatas.
- Karapatan ng tao: Itaguyod ang isang mas ligtas na kapaligiran upang makibahagi, tumanggap, at responsableng maglabas ng impormasyon sa mga proyektong Wikimedia.
- Malakihang abuso: Ipaglaban ang mga pamayanan at sistema mula sa malakihang pag-abuso sa pamamagitan ng pagbuti ng ating imprastruktura, kagamitan at proseso.
- IPAGLABAN ANG ATING MGA PROYEKTO
- Batas & regulasyon: Sumagot sa mga nag-iibang legal na balangkas, kasama ang pagtuturo ng mga taga-areglo, legal na pagsusuri at pagsunod.
- Huwarang impormasyon: Tuloy na itaguyod ang isang malakas at magkakaibang pamayanan bilang pinakamaayos na depensa. Tulungan ang pagsisikap ng mga kusang-loob sa pamamagitan ng pagsusuri, pag-uugnay sa mga dalubhasa at depensang legal.
- PAGSULONG NG MODELO NATIN
- Pagtataguyod ng patakaran: Itaguyod ang kahalagahan ng modelo ng Wikimedia sa isang kapaligirang legal at polisiya.
LAYUNIN 4: PAGKABISA: Patibayin ang pangkalahatang kagagawan + pagkabisa ng Pundasyon sa pamamagitan ng pagtutok sa pagpapanatili at pagkabisa ng pananalapi, pagpapatibay ng pakikipag-ugnayan at pagkabisa ng mga kawani, at gawing talagusan ang mga proseso ng pundasyon.
- PAGPAPANATILI NG PANANALAPI
- Kita: Magkalikom ng $188M para sa taunang pondo at mamuhunan sa mga matagalang estratehiya ng kita.
- Kahusayan: Siguraduhin na ang modelo ng pananalapi natin ay umaabot / lumalampas sa pinakamahusay na kasanayan ng industriya; panatilihin ang isang Programmatic Expense Ratio na aabot sa 77%.
- Kaakibat: Siguraduhin na ang mga kaakibat ay nasa maayos na kalagayan na makisama sa maramihang-taon na pagbabadyet at pagplano.
- KAGAGAWAN
- Prosesong tao: Patibayin ang mga patakaran, proseso, at karanasang pang-tao upang pabutihin ang pakikipag-ugnayan at bisa ng mga kawani.
- Mapagkawanggawang layunin: Palawakin ang mga pagkakataon ng kawani na maging ambasador para sa layunin natin sa mga taga-abuloy at ang publiko, bilang isang pang-organisasyon na pangako sa isang kultura ng mapagkawanggawa.
- PROSESO
- Gawing Talagusan ang mga Proseso ng Pundasyon: Gumawa ng isang mas mahusay, awtomatiko at tampok-gumagamit na proseso. (hal., Orkestrasyon ng Pagbayad sa Pangangalap ng Pondo, Pamamahala ng Panganib sa Negosyo, Kapaligiran ng Trabaho, Daloy ng Trabaho sa Pagpapatakbo ng Negosyo.)
- Tatluhang-buwang sukatan: Ipatupad ang mas matibay na proseso upang suriin ang tatluhang-buwang sukatan at pananagutan sa mga taunang layunin.
Pag-unlad mula sa plano ng nakaraang taon
Ang sumusunod ay isang retrato ng mga tanghal at pag-unlad na natapos namin sa aming 2023-2024 na taunang plano. Tuloy kaming nakikibahagi ng patuloy na pag-unlad namin sa aming tanunang plano sa mga layunin sa Diff at sa mga iba pang pagbabago.
Pag-unlad sa LAYUNIN 1: IMPRASTRUKTURA
- Kagamitan ng mga patnugot: pag-unlad sa Paghanap ng Kaganapan, Madilim na Moda, Patrolyo ng Bagong Pahina, Patrolyo sa Android na App, Pinabuting pangasiwaan ng diff para sa paghati ng mga talata, Watchlist sa iOS, Edit Check, Usapang Kagamitan, Awtomoderator, Pamayanang Pagsasaayos, at iba pang kagamitan.
- Wikimedia Commons: Mga pagbabago sa Thumbor, pagtaguyod ng OpenRefine, ang Upload Wizard ng Wikimedia Commons, at iba pang gawa.
- Kulang sa serbisyo na wika: Pinabuting pagtaguyod ng mga kulang sa serbisyo na wika gamit ang mga malayang makinaryang pagsasalin gamit ang isang bagong pagsasalin na serbisyo – MinT na kinakaya ang 200+ na wiki, kasama ang 44 na mayroong makinaryang pagsasalin sa pinakaunang beses.
- Pamayanang Hiling: Pagsusuri at pagbubuti ng proseso ng pamayanang paghiling upang mas makamit ang mga kailanganin ng makakaibang tagagamit, lumalaking teknikal na kaguluhan, at mas malalim na pakikisama sa gitna ng mga pangkat ng Produkto at Teknolohiya ng Pundasyon at mga teknikal na kusang-loob. Ang kinalabasan ng mga sarbey ng 2022 at 2023 na hilingan ay nagpapakita kung paano namin pinagsasama ang kasanayan at kadalubhasaan na pinaka-nauugnay sa mga hiling. Tapos na namin ang pagsusuri ng kasaysayan ng Pamayanang Hiling.
- AI: Pagsulong ng mga pamayanang usapan tungkol sa nakakalikhang artipisyal na katalinuhan, habang binabago din ang aming imprastruktura para sa pagaaral ng mga makinarya (ML) upang maitaguyod ang naka-akibat sa layunin na paggamit ng mga ML na kagamitan sa mga proyekto natin. Kasama dito ang pagsisiyasat ng kung dapat ba at paano dapat kami makapagbibigay ng maaasahan at mapapatunayan na kaalaman sa pamamagitan ng mga nasa labas na plataporma na AI na katulong tulad ng ChatGPT. Siniyasat din namin kung paano maaaring gamitin ang pagaaral ng makinarya upang matulungan ang maliliit na pamayanan ng wiki na kusang umalalay ng mga papasok na pamatnugot.
- Pagpapanatili at pagtaguyod ng Ubod ng MediaWiki: Pag-alay ng karagdagang kagamitan tungo sa pagpapanatili at pagtaguyod ng MediaWiki na software habang sinisimulan namin pag-isipan ang dadaanan sa kinabukasan.
- Teknikal na tumutulong sa MediaWiki: Dinamihan ang pagtaguyod para sa mga teknikal na tumutulong, na nag-aalay ang mga inhinyero ng dagdag na oras sa gabay at pagsusuri ng code. Ang pangkat ng MediaWiki Platform ay nagbigay ng pagsusuri ng code para sa 200 na kusang isinumite na tagpi sa Q1; ang bilang ng mga tumutulong sa ubod ng MediaWikina nagsumite ng mas madami sa 5 na tagpi ay dumami ng 15% sa buong Q1 noong taon.
- Bagong tampulan ng pag-cache: Bilang bahagi ng aming pangako sa makatwirang kaalaman, magdadagdag kami ng isang bagong tampulan ng pag-cache sa Timog Amerika upang tumaas ang bilis ng website sa pook na ito.
- Kusang-ibinalitang suliranin: linutas ang 600+ na kusang-ibinalitang suliranin sa Phabricator sa isang panahon ng 6 na buwan.
- Desisyon sa palalimbangan: gumamit ng mga paraan ng pagsisiyasat upang mang-alap ng mga prototipo mula sa mga kusang-loob upang mabatiran ang paggawa ng desisyon sa palalimbangan
Pag-unlad sa LAYUNIN 2: PAGKAPANTAY-PANTAY
- Wikimania: itinaguyod ang mga kusang-loob mula Timog at Timog-Silangang Asya & Pasipiko (ESEAP) upang i-ugnay ang higit 2800 na Wikimedian sa birtwal at sa personal mula 142 na bansa – karamihan ay maaaring hindi sana makakayang makipagtulungan at matuto mula sa isa't-isa.
- Sama-samang nabuong espasyo: pinagasiwaan ang mga sama-samang nabuong espasyo upang palakasin ang pagtataguyod at pakikipagtulungan, kasama ang tauhang pag-aaral na platapormang Let's Connect, dagdag pa rito ang mga pampook na samahan kasama ang Afrika Baraza, Central and Eastern Europe Catch Up, WikiCauserie for French-speaking Wikimedians, at ang bukas na tawag ng pamayanang Timog Asya.
- Kilusang pagpupulong: isinulong ang mga layunin ng kilusan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga kagamitan sa mga pagpupulong tulod ng EduWiki Conference, WikiWomen Summit, WikiWomen Camp at ang GLAM-Wiki Conference.
- Pakikipagtulungan: Nakipagtulungan sa mga pamayanan sa mga proyekto kasama ang proyektong Africa New Editors, Open the Knowledge Journalism Awards, at WikiSource Loves Manuscripts Learning Partners Network.
Pag-unlad sa LAYUNIN 3: KALIGTASAN AT KATAPATAN
- EU Digital Services Act: humakbang upang sumunod sa panibagong Digital Services Act, isang batas na nagka-bisa noong Agosto 2023 na nagreregula ng mga plataporma sa internet na nagpapatakbo sa Unyong Europeo.
- Adbokasiya: tinuruan ang mga taga-aregalo, taggawa ng polisiya at mga pinuno ng pamahalaan tungkol sa modelo ng Wikimedia
- Pagsisiwalat: nakamit ang aming mga katungkulan ng pag-uulat at pagsisiwalat, kasama ang paglalathala ng isang karagdagang ulat ng pagka-aninaw
- Huwarang impormasyon: itinaguyod ang mga kusang-loob at katapatan ng mga proyekto gamit ang pagmamapa ng mga laban-huwarang impormasyon na pagkukusa sa buong ekosistema; hinarap ang huwarang impormasyon sa mga proyekto gamit ang isang Laban-Huwarang Impormasyong Imbakan
- Kaligtasan ng mga kusang-loob: itinaguyod ang mga pamayanang hakbang para sa kaligtasan at pagsasama sa pamamagitan ng pagtrabaho kasama ang Komite ng mga Kaakibat, Komite ng Pagsusuri ng Kaso, at ang Komisyon ng Ombuds.
Pag-unlad sa LAYUNIN 4: PAGKABISA
- Karagdagang kahusayan: kami ay nasa daan na itaas ang porsiyento ng aming laang-guguln na tuluyang pumupunta papunta sa pagtaguyod ng layunin ng Wikimedia (ang aming "Programmatic Efficiency Ratio") gamit ang pagtaas ng aming panloob na kahusayan sa mga gastusin ng pamamahala at pangangalap.
- Karagdagang pamumuhunan papasok sa pagtaguyod ng kilusan: ang dagdag na kahusayan na ito ay maaaring paganahin ang karagdagang pamumuhunan ng $1.8M papunta sa pagpoponda ng mga lugar tulad ng mga pagkaloob, paggawa ng mga katangian, imprastruktura ng site at iba pa.