Tipang Kasulatan ng Kilusan/Talasalitaan
These supplementary documents are provided by the Movement Charter Drafting Committee for information purposes, and to provide further context on the Wikimedia Movement Charter’s content. They are not part of the Charter, and therefore are not included in the ratification vote, but they have been developed during the course of the MCDC’s research and consultation process. They include several types of documents:
|
Pananagutan sa Pangangalaga
Ang “care responsibility” ay ang formalization at description ng relasyon sa pagitan ng mga samahan at ng mga pamayanan na kanilang pinaglilingkuran. Kabilang dito, ngunit hindi pinipigil sa: pagbibigay ng inclusive at diverse working environment para sa mga kasapi ng pamayanan; pagsuporta sa mga online na kaganapan na proyekto ng Wikimedia; pagsasagawa ng gawain para sa karagdagang free knowledge initiatives kasama ng mga pamayanan; at, nagsisilbing tagapamagitan sa gitna ng mga pamayanan at ng pangkalahatang madla.
Pamayanan
Isang pangkat ng mga indibidwal na gumagalaw sa mga proyekto ng Wikimedia o sumusuporta sa kanila sa maraming paraan (advocacy, organisasyon ng kaganapan, koordinasyon, atbp.). Ang mga indibidwal na ito ay karaniwang tinatawag na mga Wikimedians.
Nilalaman
Anumang sulatin na idinagdag (added), inalis (removed), inulit (revised), pinag-"edit", binura (deleted), o kung hindi man ay isinaayos (modified) ng isang nakarehistro o hindi rehistradong gumagamit ang anumang "user interface" na lumilikha ng pagsasaayos sa anumang aspeto ng proyekto ng Wikimedia.
Pagkakapantay-pantay
Ang pagkakapantay-pantay ay isang pagtatangka upang matiyak na ang iba't-ibang mga katangian ng bawat partido ay makatarunganang kinikilala at pinahahalagahan. Kabilang dito ang pagkilala sa mga kalagayan at mga kahadlangan na sumaklaw sa kakayahan ng lahat ng partido na magkaroon ng magkatulad na uri ng tagumpay. Hindi ito nakakamit sa pamamagitan ng magkatulad na pagturing sa lahat.
Libreng kaalaman
Ang Free knowledge, bukas na kaalaman, at malaya at bukas na kaalaman ay walang bayad at bukas na lisensyadong kaalaman na maaaring magamit, magamit muli, at muling ipamahagi nang walang paghihigpit sa pananalapi, panlipunan o teknolohikal.
Pangangalap ng pondo
Ang pangangalap ng pondo ay ang paghahanap at pagtanggap sa mga donasyon. Sa Charter na ito, ang salitang "pagtulong ng pondo" ay ginagamit upang ilarawan ang pamamaraan sa paghahanap ng mga donasyong salapi mula sa mga independiyenteng organisasyon at mga taong tagapagbigay. Kasama dito ang mga tulong na ibinibigay ng mga third party, kadalasan upang makapagbigay-tulong sa mga tiyak na layunin.
Sa iba pang mga paraan ng paglikom ng salapi, tingnan ang revenue generation.
Pagsasama
Ang kilos na bawasin ang pagbubukod at pangmamata gawa ng mga tao at samahan (hal.: patungkol sa edad, kinatatayuan sa lipunan, lahi, relihiyon, kasarian, oryentasyong sekswal, atbp.) sa pamamagitan ng pagbabago sa mga timpla, patakaran, at istruktura na lilikha ng aliwalas na magtataguyod ang pagkakaiba-iba (diversity).
Paglikom ng pagkukuhanan
Ang Revenue generation ay ang paraan ng pagkuha ng mga pondo para suportahan ang isa o higit pang mga aspeto (aspects) ng kilusan. Ang ilang mga halimbawa ng pagbuo ng kita (income) ay:
- pangangalap ng pondo
- kasama ang mga tulong na ibinigay ng mga third party (na walang paghihigpit o upang makapagbigay-tulong sa mga tiyak na layunin), mga pangunahing donasyon, o mga kaganapan sa pagtipon ng pondo,
- mga bayarin ng pagkasapi (membership fees) para sa mga kaakibat
Nauugnay sa pagbuo ng kita ay ang "donation-in-kind", kapag ang isang samahan o tao ay nagbibigay ng paglilingkod at/o mga bagay-bagay nang walang bayad, o sa pamamagitan ng pagsingil ng may diskwentong bayad. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:
- silid ng pagpupulong (meeting rooms) o kawanian (office)
- pagkakaroon ng internet; at
- walang bayad na paggamit ng archival material.
Mga mapagkukunan (Resources)
Ang mga mapagkukunan ay ang mga nakahanda o panustos na salapi, kagamitan, kawani, kaalaman, at iba pang mga bagay na may halaga, na maaaring mapagkuhanan ng isang tao o samahan upang makapagpatakbo nang mabisa.
Sa pagkakataon ng kilusang Wikimedia, ang mga mapagkukunan ay kinabibilangan ng:
- mga ari-arian sa pananalapi na nakuha ng paglikom ng pinagkikitaan;
- mga tao (kabilang ang kanilang panahong nagugol, pagsisikap, at kaangkupan; ang napakaraming bilang ng mga nagkukusang-loob na nagtutulak sa kilusan; at, ang mga maliit na bilang ng mga kawaning binabayaran na tumataguyod sa mga nagkukusang-loob),
- ang dangal ng kilusang Wikimedia at ang mga proyekto at mga sinasagawa nito bilang pinagmumulan ng kaalaman na magagamit sa buong daigdig nang malaya at bukas,
- ang nilalaman ng mga proyekto ng Wikimedia na binuo at pinamamahalaan ng mga nagkukusang-loob,
- ang hinahawakang imbakan na naglalaman ng software at nilalaman ng mga project ng Wikimedia; at
- mga kasulatan na pang-paaralan at kaalaman upang mapatibay ang mga project at iba pang kaganapan ng kilusan.
Stakeholders
Sinumang tao o pangkat, nagkukusang-loob man o hindi, na namuhunan ng tao, salapi o iba pang puhunan sa isang samahan, na maaaring dumamay sa pagtupad ng mga layunin ng samahan o nakadamay sa pagsasakatuparan ng mga layuning iyon.
Sa Charter na ito, ang "stakeholders" ay mga tao o pangkat na may kinalaman sa pagtupad sa tinatanaw ng kilusan. Lalong tiyak, ang katawagan na ito ay kinabibilangan ng mga online at offline na pamayanan, mga organisadong pangkat tulad ng mga kaakibat, Wikimedia Foundation, at mga kasapi mula sa hihit na malawak na online information ecosystem, tulad ng mga kasosyo (partners) at kapanalig (allies).
Subsidiarity
Ang subsidiarity ay isang prinsipyo na ang mga kapasyahan ay dapat gawin sa pinakamababang antas na makakaya, na kung saan ang ibang mga matatagpuang stakeholder na mga nasa mas matataas na antas ay manghihimasok lamang kung kinakailangan.
Kilusang Wikimedia
Ang “Wikimedia Movement” ay tumutukoy sa kalahatan ng mga tao, pangkat, at samahan na sumusuporta at lumalahok sa mga website at project ng Wikimedia. Kabilang dito ang lahat ng mga kumikilos sa loob ng mga patakaran, prinsipyo, at mga hinahalaga ng kilusan.[1]
Mga proyektong Wikimedia
Ang Wikimedia ay may nakahanay na mga knowledge projects (hal., Wikipedia, Wiktionary, Wikiversity, at iba pa). Ang mga lokal o individual Wikimedia projects ay mga kinauriang knowledge project (hal., English Wikipedia, Turkish Wiktionary). Ang ilang mga Wikimedia project ay "cross-language" na walang kinaurian na wika (Wikidata, Wikimedia Commons). Mayroon ding mga nagsisilbing infrastructure para sa pagtatalakayan ng Wikimedia, tulad ng Meta wiki at ang MediaWiki wiki.
Mga naiTala
- ↑ [$1 Della Porta & Diani (2006)] ay may napansin na ang mga kilusang panlipunan ay may tatlong pamantayan: (a) mga network ng pakikipag-ugnayan impormal sa pagitan ng nakararaming mga tao, pangkat, at/o samahan; (b) nakikibahagi sa mga salungatan/pagbabago sa pulitika o kultura; at (c) umiiral batay sa nakabahagi na kolektibong pagkakakilanlan (shared collective identity). Ang mga kilusan ay walang hangganang hindi nababago, dahil may iba't-ibang uri ng galaw na maaring magsapin-sapin (i.e. fit one inside the other).