Punong Opisyal ng Ehekutibo ng Pundasyong Wikimedia/Mga Pagbabago/Pagbabago sa Abril 2024

This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation/Chief Executive Officer/Updates/April 2024 Update and the translation is 95% complete.
Outdated translations are marked like this.

Maligayang pagbati sa inyong lahat,

Sa aking pinakabagong email noong huling bahagi ng Pebrero, ibinahagi ko ang mga tema mula sa isang inisyatiba na pinangalang Talking: 2024 kung saan kinausap ng mga pinuno, kawani, at Katiwala ng Pundasyon ang marami sa inyo upang mabuo ang ating proseso ng pagplano. Kanina lamang, inilathala ng Pundasyong Wikimedia ang kanilang burador na Taunang Plano para sa darating na 2024-2025 na taon ng pananalapi.

Dumarating ang taunang plano ngayong taon sa isang panahon ng dumaraming kawalang-katiyakan, pagkasumpugin at pagka-kumplikado para sa mundo at sa galawang Wikimedia. Sa buong daigdig, ang tungkulin ng online na kapani-paniwalaang kaalaman ay lalong nagiging mahalaga at mas lalong nanganganib kaysa dati. Kinakailangan ng mga organisasyon at online na plataporma na umigit sa isang pabago-bagong internet na mas lalong polarisado at biyak-biyak. Ang mga panibagong paraan ng paghahanap ng kaalaman, kasama ang paghahanap sa pamamagitan ng usap-usapan, ay nagiging tanyag. Ang kadalian ng paggawa ng nilalamang gawa ng isang makinang AI ay parehong nagiging isang pagkakataon at panganib para sa tungkulin ng Wikimedia bilang isang sistema ng kaalaman na pinangungunahan ng tao at pinagagana ng teknologiya, pati na rin ang modelo ng pananalapi ng Wikimedia.

Ilan sa mga pagmamasid tungkol sa Tanunang Plano ngayong taon:

  • Estratehiyang 2023: Habang paparating tayo sa mga sumasalubong na hangin na ito, ang taunang plano at maramihang-taon na pagpaplano ng Pundasyon ay patuloy na ginagabayan ng Direksyong Estratehiya ng 2023 ng kilusan. Ang mga pagbabago sa mundo sa paligid natin ay nagpapahalaga ng direksyon na ito kaysa dati. Ang isang tawag upang maging mahalagang imprastraktura ng ekosistema ng malayang kaalaman ay higit pa sa isang pampasiglang pahayag lamang – ito ay isang mandato na patuloy-tuloy na tasahin ang pagpapanatili ng ating mga proyekto at organisasyon bilang sagot sa nagbabagong tanawin sa paligid natin.
  • Mula maramihang-taon hanggang maramihang-salinlahing pagplano: At kinakailangan din natin magplano sa higit na kalayuan pa. Ang pagtanaw lampas ng 2030 ay mahalaga sa ating pakay, na kinakailanganin na tayo ay "gumawa at manatili ng kapaki-pakinabang na kaalaman … mayroon sa internet na libre, sa walang hanggan." At gayon pa man, ang pagbababgo mula sa isang batay sa link na arkitektura ng pananaliksik – na maiging naninilbi sa ating mga proyekto at model ng pananalapi hanggang ngayon – papunta sa isang batay sa pag-uusap na arkitektura ng pananaliksik ay nasa mga unang araw nito, ngunit malamang na mananatili. Naniniwala kami na ito ay kabilang sa isang salinlahing pagbabago sa paraan ng mga tao na online na gumawa at gumamit ng kaalaman. Ang kinalabasan nito ay isang estratehiyang kabalintunaan: ang mga proyekto ng Wikimedia ay nagiging mas mahalaga sa imprastruktura ng kaalaman sa internet, habang ito ay nagiging mas tago sa mga tagagamit ng internet. Upang tiyakin ang tuloy na tagumpay ng mga proyektong Wikimedia hanggang kinabukasan, dapat isaalang-alang natin ang isang maramihang-salinlahing paraan sa lahat ng pinakamahalagang lugar ng kinabukasang pagpaplano.
  • Mga trend: Tulad ng ginawa namin sa huling taon, nagsimula ang pagplano ng Pundasyon sa tanong na, "Ano ang kailangan ng mundo mula sa amin at sa mga proyketong Wikimedia sa ngayon?" Nagsagawa kami ng pananaliksik sa mga datos sa labas na may epekto sa trabaho namin, kasama ang isang mas malaking pagtutok sa madaliang, kagat-laking impormasyon; pagpaparami ng dahilan, ukol sa pananalapi o iba, upang akitin ang mga patnugot sa ibang mga proyekto; mga bantang legal o regulatoryo, kasama ang mga kautusan sa mga plataporma na maaaring gamitin bilang armas laban sa amin o sa mga patnugot namin, pati ang mga pagkakataon na isulong pa-positibo ang interes ng publiko; at mga problema ng katotohanan ng nilalaman at ang epekto ng kalalabasan ng AI sa ekosistema ng impormasyon.
  • Suporta sa teknolohiya: ang plano ngayong taon ay nakatutok sa tampok na halaga ng teknolohiya, dahil sa tungkulin ng Pundasyon bilang isang tagabigay ng plataporma para sa mga pamayanan na nangunguna ng mga tao-hanggang-taong pamaraanang pang-gawa ng kaalaman sa buong mundo. Ibinahagi ng pangkat ng Produkto at Teknolohiya ang kanilang mga layunin noong huling buwan bago maihanda ang buong plano, upang sumenyales kung paano ang kanilang mga inuuna para sa susunod na taon ay ang pagbuo at pag-anyaya ng mga puna at katanungan. Sa isang mataas na pantag, ang trabaho namin ngayong taon ay tutok sa pagpapabuti ng karanasan ng mga tagagamit sa mga proyektong Wikimedia, sa pamamagitan ng pagbigay ng patuloy na pagpapanatili na kinakailangan upang maitaguyod ang isang nangungunang 10 na sandaigdigan na website habang gumagawa rin ng mga pangkinabukasang pamumuhunan upang batiin ang isang nagbabagong internet.
  • Parehong layunin, bumubuting trabaho: Ang apat na pangkalahatang layunin ngayong taon ay nananatiling pareho (Imprastruktura, Pagkapantay-pantay, Kailgtasan & Katapatan, at Pagkabisa), habang ang trabaho at hatid sa loob ng bawat layunin ay bumubuti mula sa nagawang pag-unlad sa kasalukuyang taon. Sama-sama, ang apat na layuning ito ay nagsisilbing krokis upang ipabuti ang teknolohiya na nagpapagana ng mga proyektong Wikimedia, suportahan at palakasin ang aming pandaigdigang pamayanan, ipagtanggol ang ating kinahahalagahan, at gawin ang lahat ng ito na may bisa at kahusayan sa susunod na taon.
  • Pananalapi at laang-gugulin: Kasama din sa planong ito ang mga detalye tungkol sa modelo ng pananalapi at laang-gugulin ng ng Pundasyon. Ang laang-gugulin ng Pundasyon ay sumasalamin ng kasalukuyang pagpapalitan, habang nakikita natin ang bumabagal na bilis ng bagong paglago ng kita. Upang batiin ang bagong katotohanang ito, makabuluhang binagalan ng Pundasyon ang paglago nito sa dating dalawang taon at gumawa ng pagbabawas ng mga kawani at gastusin sa huling taon. Mula 2022, ang bilis ng pagpopondo sa mga katawan ng kilusan ay lumalamang sa bilis ng paglago ng Pundasyon, na mananatiling ganoon parin sa plano ngayong taon.

Sa wakas, ang burador na planong ito ay dumarating habang nagkakaroon ng mga pamayanang usapan tungkol sa isang iminumungkahing Tipang Kasulatan ng Kilusan, na idadaan sa isang pamayanang boto sa Hunyo 2024. Sa pagkakahanay sa mga prinsipyo ng pakundangan at pagkahusay, ang Pundasyong Wikimedia ay nananatiling nakatuon sa pagbahagi at paglipat ng mga tungkulin na mas matutuunan ng ibang mga organisasyong Wikimedia.

Nakikinabang ang Pundasyon sa palagian at tuwiran na pakikipag-ugnayan sa Komite ng Pagbabalangkas ng Tipang Kasulatan ng Kilusan (MCDC), at mga usapan kasama ang maraming stakeholder sa buong mundo upang pabatiran at ibuo ang pananaw nito sa mga kinabukasang tungkulin. Pinag-usapan din ng Lupon ng mga Katiwala at ng mga pinuno ang iba't-ibang senaryo, kasama ang MCDC, upang tasahin ang kahandaan ng Pundasyon na gumawa ng mga pagbabago sa mga kasalukuyang karaniwan hanggang ngayon – at nang malaya mula sa kinalabasan ng pagpapatibay. Kasalukuyan na naming hinahanda ang mga tungkulin na ito na pangangasiwaan na kasama ang mga kusang-loob dahil ang tuloy-tuloy na pagbabago ay nangangailangan ng oras, at upang magawa ito ng mabuti, ang mga pagbabago sa istruktura ay kinakailangan magsimula mula sa maingat na pagtatalakay mula ngayon:

  • Sama-samahang paglalaan ng mapagkukunan: Noong 2020, binuo namin ang mga Komite ng Pondong Pampook upang payuhan ang Pundasyon tungkol sa pampook na paglalaan ng mapagkukunan at gumawa ng mga pagpapasya tungkol sa mga pamayanang kalooban. Ngayong taon, hihingilin namin sa mga komite na makipag-ugnayan kasama ang Pundasyon upang magpayo tungkol sa mga pampook na paglalaan, nang maidala kami mas malapit sa sama-samahang paglalaan ng magpagkukunan at matiyak na makaturangan ang paggawa ng mga pagpapasya ng mga kalooban.
  • Pagsubok na Konseho ng Pagpapayo sa Produkto at Teknolohiya: Nagsimula ang konsepto na ito mula sa umiiral na Komite ng Produkto at Teknolohiya ng Pundasyong Wikimedia at sumusunod ito sa pagkukusa sa estratehiyang kilusan ng Konseho ng Teknolohiya. Ngayong taon, susubukan namin na suriin at payuhan ang trabahong Produkto at teknolohiya ng Pundasyong Wikimedia.
  • Pinabuting Estratehiyang Kaakibat: Noong nakaraang taon, ang mga tagapag-ugnayan ng Lupon ng mga Katiwala ng Pundasyong Wikimedia ay nagtrabaho kasama ang Komite ng mga Kaakibat, mga kaakibat, at mga kawani ng Pundasyon upang mapabuti ang Estratehiyang Kaakibat ng Pundasyong Wikimedia. Ngayong taon, susubukan namin na isulong ang mga aral at sagutin ang mga pinakamahalagang tanong mula sa prosesong ito.

Ang mahabaang salaysay na burador ng Taunang Plano ay isang mahabang 23,000 salita upang matiyak na ito ay magiging isang malawak na pangkalahatan at pagmumulan ng mga ibang pagtatanghal at mas maikling buod. Binabati namin ang iyong puna at katanungan sa mga susunod na linggo sa kahit anong anyo na kahilingan niyo: sa-wiki sa Meta, mga proyektong village pump, at sa pagsali ng mga birtuwal na pamayanang tawag na pinangunahan ng mga pamayanan sa buong mundo.

Salamat,

Maryana

Maryana Iskander

CEO ng Pundasyong Wikimedia