Tipang Kasulatan ng Kilusan
Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay isang pandaigdigan, pang-lipunan at maka-bihasnan na kilusan, na ang layunin ay magdala ng malayang kaalaman sa buong daigdig. Itong Tipang Kasulatan (o “Charter”) ng Wikimedia ay naglalahad ng mga kinahahalagaan (values), mga pinaninindigan (principles), at batayan ng patakaran para sa mga istruktura ng Kilusan ng Wikimedia, kabilang ang mga tungkulin at pananagutan ng kapwa mga umiiral at mga bagong kinauukulan, at ng mga gumagawa ng kapasyahan sa ibinahaging pananaw ng malayang kaalaman. Nirarapat ang Charter na ito sa lahat at sa pangkalahatang mga namumuno na nauugnay sa Kilusang Wikimedia: lahat ng mga tanging katauhan at institusyonal na kalahok, mga entidad ng kilusan, mga proyekto, at mga online at offline na kalawakan.
Sa pagpapaliwanag ng Kilusang Wikimedia at ng mga pinagpapahalagaan nito, ang Charter na ito'y naglalayong padaliin ang pakikipagtulongan ng mga stakeholder sa isa't-isa sa pamamaraang nagpapatibay sa pananaw ng Kilusang Wikimedia. Makakatulong ito:
- gumawa ng isang diskarte (strategy) tungo sa pagpapalago, pagpapalawak, at sa mga kalalabasan sa hinaharap, upang matiyak ang patuloy na paglilikha at pagkakaroon ng libreng kaalaman;
- gabay sa paggawa ng kapasyahan;
- bawasan ang salungatan at isulong ang pagkakaisa at maunlad na pakikipag-bisig sa pagitan ng mga stakeholder
- pangalagaan ang mga karapatan ng mga tagapag-tangkilik (donor), at ang mga kinalalagyang yaman (financial interests) ng iba't-ibang mga kaayuan na bumubuo sa Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement); at
- magbigay ng paramdam nang pagkabilang (sense of belonging).
Maaaring baguhin ang Charter na ito kung kinakailangan, ayon sa bahaging Amendment.
Mga Pinagpapanindigan (Principles) at Pinagpapahalagaan (Values) ng Kilusang Wikimedia
Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay batay sa at bumabalot sa isang makatotohanan, mapapatunayan, bukas, at mapagsama na paraan sa pagbabahagi ng kaalaman. Ang lahat ng gawaing pagpapasya sa buong Kilusang Wikimedia ay kailangang gawin batay sa, at sumasalamin sa, mga ibinahaging mga Pinagpapanindigan (principles) at mga Pinagpapahalagaan (values).
Kasama sa mga ibinahaging Pinagpapanindigan (principles) na ito ang mga naroroon na sa pinanggalingan ng Kilusang Wikimedia — walang bayad at bukas na paglilisensya, pag-tatag ng sarili at pagtutulungan, at kaalamang makatotohanan at napapatunayan — at umaabot sa mga nakabahaging Pinagpapahalagaan (values) na kinakailangang mabuo para sa ating kinabukasan. Kinikilala ng mga pinaninindigan at pinagpapahalagaang ito ang pagbabahagi ng kaalaman bilang isang malalim na pagtutulungang pagsisikap.
Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay isang magkakaiba-ibang kilusan, ngunit ang kilusan ito ay sumasaklaw sa tatlong fundamental principles. Ang mga pangunahing prinsipyo na ito ay:
Walang bayad (Free) at bukas na paglilisensya (open licensing)
Gumagamit ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ng bukas na paglilisensya upang ibahagi ang lahat ng isinasabuo nito, kabilang subalit hindi magkukulang, sa text, media, data, at software para sa patuloy na paggamit, pamamahagi, at pagpapabuti. Ang ilang panlabas na nilalaman na ibinahagi sa ilalim ng iba't-ibang mga lisensya ay isinagawang magamit din sa ilalim ng bukas na paglilisensya. Ang Kilusang Wikimedia ay nakatuon sa pagpapalalim ng pananaw nito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga larangan ng malayang kaalaman, sa pagkumpol ng mga panibago at umuusbong na mga uri ng kaalaman, at sa pagpapalaki ng mga magkakaiba-ibang nilalaman.
Sariling pagtatag (Self-organization) at pagtutulungan (collaboration)
Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay nakabatay sa malawakang pamumuno (distributed leadership). Umpisa ito sa hanay ng mga tagapag-kusang-loob, na ipinagkakatiwala ng Kilusang Wikimedia ang karamihan ng pagpapasya at pagsasagawa ng patakaran sa mga kasapi at sa pinakamalapit o pinakamababang antas ng pakikilahok ng mga kapisanan nito. Ang mga online at offline na pamayanan sa buong daigdig ay karaniwang gumagawa ng mga kapasyahan para sa kanilang mga sarili, sa pamamagitan ng prinsipyo ng subsidiarity. Ang Kilusang Wikimedia ay naka-anyaya sa pagiging malikhain, pag-ako ng pananagutan, at pakikipagtulungan sa paglutas ng mga suliranin at pagpapatupad ng mga pinagpapahalagaan ng Charter na ito.
Makatotohanan at napapatunayang pagkakaalam
Ang nilalaman ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay naglalayong kumatawan sa katotohanan. Ang kahulugan ng kahalagahan at walang pagpanig ay maaaring mag-iba-iba sa mga bahagi ng Kilusang Wikimedia, ngunit ang layunin ay magbigay ng kaalamang mataas ang uri. Ang Wikimedia Movement ay nagpapahalaga sa mga napagkukuhanan, sa pagsusuri ng karamihan at sa mga pinagkakasunduan. Masiglang iniiwasan ng Kilusang Wikimedia ang lahat ng pagkiling, mga kakulangan sa kaalaman, at mga maling nalalaman at paglihis.
Karagdagan sa tatlong mga fundamental principles, ang Charter na ito ay kumikilala sa mga pinagkakahalagaan (values) na pumapagitna sa mabuting pamamalakad (good governance). Ang mga pinagkakahalagaang ito ay:
Pagsasarili (Autonomy)
Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay nagsusumikap na gumana nang malaya, nakatutok at ginagabayan ng pagtanaw nitong kaalaman na malaya, at hindi nahahadlangan ng pagpanig o kinahihiligan. Ang Kilusang Wikimedia ay tumatanggi na payagan ang pang-kalakal (commercial), pang-politika (political), mga iba pang pang-kasalapian (monetary), o panghihimok sa pagpapa-bantog (promotional) na maaring magbulilyaso sa pananaw nito sa anumang paraan.
Pagkakapantay-pantay (Equity)
Kinikilala ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) na maraming pamayanan at mga kasapi nila na nahaharap sa magkakaibang hamon bilang sa pagkakapantay-pantay ng kaalaman. Ang Kilusang Wikimedia ay nagsusumikap na bigyang kapangyarihan ang mga pamayanan na ito at ang kanilang mga kasapi upang madaig ang pang-kasaysayan, pang-lipunan, pang-politika, at iba pang mga kaanyuan ng hindi pagkakapantay-pantay ng kaalaman. Ang Kilusang Wikimedia ay gumagawa ng mga maagad na hakbang, tulad ng paglalaan ng mga mapagkukunan (resources), upang itaguyod at makamit ang pagkakapantay-pantay sa kaalaman (equity in knowledge) sa pamamagitan ng desentralisadong pamamahala at pagbibigay-kapangyarihan sa pamayanan.
Pagsasama (Inclusivity)
Ang mga proyekto ng Wikimedia ay binuo sa maraming wika, na sumasalamin sa maraming rehiyon at kultura. Ang lahat ng mga kaganapan ay batay sa paggalang sa kapwa hinggil sa pagkakaiba-iba (diversity) ng mga kalahok ng Kilusang Wikimedia. Ang paggalang na ito ay ipinapatupad sa pamamagitan ng mga hakbang upang magbigayan ng suporta ang kaligtasan (safety) at pakikisama (inclusion). Ang Kilusang Wikimedia ay nagbibigay ng mga magkakaibang pinagsasaluhan, kung saan ang lahat nang nakikibahagi sa pananaw (vision) at mga kinakahalagaan (values) ng Kilusang Wikimedia ay maaaring lumahok (participate) at magkakasamang lumikha (co-create). Ang magiliw na kapaligirang ito (inclusibe space) ay nagtataguyod ng kainaman sa pamamagitan ng assistive technology para sa mga magkakaiba at di-pangkaraniwang pangangailangan (diverse special needs).
Kaligtasan (Safety)
Pinapanguna (priority) ng Kilusang Wikimedia ang kapakanan (well-being), kaligtasan (security), at pananarili (privacy) ng mga kalahok nito. Ang Kilusang Wikimedia ay naglalayong tiyakin ang isang ligtas na kapaligiran na nagsusulong ng pagkakaiba-iba (diversity), pakikisama (inclusion), pagkakapantay-pantay (equity), at pagtutulungan (cooperation), na kinakailangan para sa pakikilahok sa malayang kaalaman sa "online information ecosystem". Pinapasa-unang hangad ng Kilusang Wikimedia na tiyakin ang kaligtasan sa kapwa mga online at offline na kapaligiran. Ang pagpapasa-una na ito ay isinusulong sa pamamagitan ng pagsagawa at pagpatupad ng mga kabuoang codes of conduct, at ipag-puhunan ng kinakailangang mapagkukunan (resources) upang suportahan ang mga kaganapan na ito.
Pananagutan (Accountability)
Pinapanagot ng Kilusang Wikimedia ang sarili nito sa daan ng pamumuno ng pamayanan na kinakatawan sa loob ng mga proyekto ng Wikimedia at Wikimedia Movement Bodies. Ang pananagutang ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng mga malinaw na pasasagawa ng kapasyahan, pakikipag-usap, pang-publiko na abiso, pag-uulat ng mga kaganapan, at pagtaguyod ng isang Pananagutan sa Pangangalaga (Care Responsibility).
Katatagan (Resilience)
Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay umuunlad sa pamamagitan ng paglikas (innovation) at pagsusubok (experimentation), at patuloy na binabago ang pananaw nito sa kung ano ang maaaring maging isang malayang tanghalan ng kaalaman, habang patuloy na ginagalang ang mga pinagkakahalagaan (values) at pinaninindigan (principles) ng Tipang Kasulatan (Charter) na ito. Sinisikap ng Kilusang Wikimedia ang mga mainam na estratehiya at kasanayan upang matupad ang tinatanaw nito, at sinusuportahan at hinihimok ang mga diskarte at kasanayang ito na may makabuluhang katibayan na nakabatay sa sukatan (evidence-based metrics) kung saan man maari.
Mga nag-iisang umaambag (Individual contributors)
Ang mga nag-iisang umaambag ay ang kaibuturan ng Kilusang Wikimedia. Ang mga taga-ambag ay may karapatang likas bilang mga katauhan na umambag sa pananaw at kaganapan ng Kilusang Wikimedia taglay ng kanilang kaalaman, kadalubhasaan, panahon at lakas, online man o offline. Ang mga katauhang nag-aambag ay gumagawa at namamahala ng nilalaman; sumasagawa ng mga tungkuling administratibo; lumahok sa mga komite ng mga nag-kukusang-loob; ayusin ang mga kaganapan; at makisali sa iba pang mga ginagalawan sa loob ng Kilusang Wikimedia.
Mga Nagkukusang-loob (Volunteers)
Ang mga taong kumikilos sa kanilang kapasidad bilang nagkukusang-loob (volunteer Capacity) ay hindi tumatanggap ng kabayaran kapalit sa mga pagsisikap na ito; gayunpaman, ang mga nagkukusang-loob na ito ay maaaring makatanggap ng pagkilala (recognition) o pagtaguyod (support) sa iba't- ibang mga anyo. Ang kusang-loob na paglahok ay damay ng mga mapagkukunan (resources) at iba pang mga hadlang (barriers).
Ang mga nag-aambag at iba pang mga nagkukusang-loob ay nakataya sa mga isahan o sama-samang kaganapan sa Kilusang Wikimedia batay sa mga sariling kagustuhan, at dapat ay bigyan ng kapangyarihan na makalahok hangga't maaari.
Mga Karapatan (Rights)
- Ang mga nagkukusang-loob ay may karapatang maipagtanggol mula sa panliligalig (halimbawa, Universal Code of Conduct (UCoC), Principle of Care) sa mga website ng Kilusang Wikimedia, gayundin sa online at personal na mga kaganapan na tinatampukan ng alinmang Wikimedia Movement Body.
- Ang mga nagkukusang-loob ay may karapatang lumahok sa mga proyekto at pamayanan sa pantay na paraan. Ang lahat ng mga nagaambag at iba pang mga nagkukusang-loob ay may karapatang magpahinga o huminto sa pakikilahok kung saan sa tingin nila ay nararapat.
Mga Katungkulan (Responsibilities)
- Lahat ng mga taga-ambag (contributors) at mga nag-kukusang-loob (volunteers) ay dapat sumunod sa mga patakaran ng Kilusang Wikimedia na naaangkop sa kanila habang umaambag at sumasagawa ng mga kaganapan.
- Ang lahat ng mga umaambag at iba pang mga nagkukusang-loob ay may pananagutan sa kanilang mga kinikilos at sila ay may pananagutan ukol sa kanilang mga naiambag sa mga proyektong Wikimedia.
Mga pamayanan ng Wikimedia (Wikimedia communities)
Ang mga pamayanan ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia communities) ay mga pangkat ng mga tao na nag-aambag sa online at offline upang ibuo at isulong ang pananaw ng Kilusang Wikimedia. Kabilang sa mga naturang pamayanan ay ang mga kalahok na katauhan, mga kawaning binabayaran, at mga kinatawan mula sa mga kasosyong organisasyon na nakahanay sa pananaw ng Kilusang Wikimedia. Kasama sa mga pamayanan ng Kilusang Wikimedia, at hindi lamang, ay ang mga pamayanan na pang-proyekto (project communities), mga heyograpiko na pamayanan (geographic communities) , mga pamayanan ng wika (language communities), at mga pamayanan ng teknolohiya/developer (technology communities). Ang Kilusang Wikimedia ay nabuo, binubuo at pinananatili ng gawain ng mga nagsasama-sama, ng mga gumagawang nag-iisa, at ng kasapian ng mga pamayanang ito.
Ang mga pamayanang proyekto (project communities) ng Wikimedia ay may kasarinlan na magbuo ng mga patakaran ukol sa kanilang mga sariling proyekto, hangga't ang mga naturang patakaran ay naaayon sa Charter na ito at sa balangkas ng mga pandaigdigang patakaran.[1]Ang kasarinlan na ito ay nagpapahintulot sa mga katauhan at pamayanan na sumubok at bumuo ng mga bagong panlipunan at teknolohikal na diskarte. Ang mga pamayanan na ito ay inaasahang magiging bukas[2] tungkol sa kanilang pamamahala, kanilang mga pamamaraan at kanilang mga kaganapan, upang ang lahat sa Kilusang Wikimedia ay maaaring magtulungan bilang isang pandaigdigang pamayanan sa isang patas at walang kinikilingan na paraan. Halos lahat ng mga kapasyahang ginawa sa mga tig-isang proyekto ng Wikimedia ay ginawa ng mga nagkukusang-loob na nag-aambag, maging nag-iisa man o bilang mga nahihilig na pangkat.[3]
Mga Karapatan (Rights)
- Ang mga pamayanan sa proyekto ng Wikimedia ay may pinanghahawakan na pamamahala sa nilalaman (editorial control) sa kanilang mga pansariling proyektong Wikimedia. Ang balangkas ng mga pandaigdigang patakaran, kabilang ang Mga Tuntunin ng Paggamit (Terms of Use) para sa mga website ng proyekto ng Wikimedia, ay nagkakaloob nang editorial control.
- Ang mga pamayanan ng Wikimedia ay may pananagutan sa pagkatha ng kanilang sariling paraan ng paglutas sa hindi pagkakaunawaan, at mga hakbang ng pagkukumpuni alinsunod sa saklaw ng mga pandaigdigang alituntunin.[4]
Mga Pananagutan (Responsibilities)
- Ang mga pamayanan ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay dapat manghikayat ng pakikilahok sa kanilang mga isinasaganap at pamamahala. Ang sinumang sumusunod sa mga pandaigdigang alituntunin at may sapat na pagkahilig, panahon at kasanayan ay dapat hikayatin na lumahok.
- Ang mga pamayanan ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay dapat maging patas at makatarungan sa pamamahala at pagpapatupad ng patakaran upang matupad ang pananaw ng Kilusang Wikimedia at mapanatili ang kanilang pangkalahatang kalusugan.
- Ang mga patakaran at alituntunin ng mga pamayanan (communities) ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay dapat na madaling maabot at maipatupad.
Mga Katawan ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement Bodies)
Ang mga taga-kusang-loob (volunteers) at mga pamayanan (communities) ng Wikimedia Movement ay bumubuo ng mga samahan upang bigyang-taguyod at i-coordinate ang kanilang mga kaganapan. Sa Charter na ito, ang mga organisasyong ito ay tinutukoy bilang Wikimedia Movement Bodies, na kinabibilangan ng Wikimedia Movement Organizations, Wikimedia Foundation, at ang Global Council. Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) at ang Wikimedia Foundation ay ang pinakamataas na namamahalang mga katawan, na kapwa may sariling tiyak na layunin at mga pananagutan.
Upang ang mga under-resourced at underrepresented na mga taga-ambag (contributors) ay makalahok nang makabuluhan sa mga proyekto ng Wikimedia at iba pang kinikilos ng Kilusang Wikimedia, ang mga pamayanan ng Wikimedia at Movement Bodies ay dapat maghangad na bawasan ang mga hadlang sa pakikilahok. Ang mga Wikimedia Movement Bodies ay walang editorial control sa mga partikular na proyekto o mga kinalalagyan ng mga nilalaman. Ang lahat ng Wikimedia Movement Body ay may Pananagutan sa Pangangalaga (Responsibility of Care) sa mga pamayanan ng Wikimedia kung sinoman silang gumagawa.
Ang mekanismo ng Independent Dispute Resolution ay[5] nilikha upang lutasin ang mga salungatan na hindi kayang lutasin ng mga umiiral na mekanismo ng Kilusang Wikimedia, o kung saan ang mga kasangkot na partido ay hindi kayang pangasiwaan ang mga naturang kapasyahan dahil sa mga kadahilanang hindi nila mahawakan. Sa kawalan ng mekanismong ito, ang Wikimedia Foundation, o ang pinili nitong sugo (delegate), ay aakohin ang pananagutan na ito.
Mga Samahan sa Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement Organizations)
Ang Wikimedia Movement Organizations ay mga organisadong pangkat na umiiral upang lumikha ng mga kalagayan para sa bukas at malayang kaalaman na umunlad sa isang partikular na heyograpikong konteksto o pampakay. Ang mga Wikimedia Movement Organization ay kumikilos alinsunod sa pananaw ng Wikimedia Movement, at kasama ang mga kaakibat (affiliates), hub, at iba pang pangkat ng Wikimedia na ang Global Council[6] o ang mga hinirang nitong komite ay pormal na kinilala.
Mayroong apat na makakaibang uri ng Samahan sa Kilusang Wikimedia:
- Ang mga Wikimedia Chapters ay mga kaakibat na mga malalayang samahan na itinatag upang magtaguyod at magpalawak ng Wikimedia projects sa isang nakasaad na geographical region.
- Ang mga Wikimedia Thematic Organizations ay mga kaakibat na mga malalayang samahan na itinatag upang magtaguyod at magpalawak ng Wikimedia projects sa isang nakasaad na na paksa o kadalubhasaan.
- Wikimedia User Groups ay mga magaan at mapag-bago-bago na kaakibat na maaring maitatag ayon sa kinaroroonan o paksa.
- Ang mga Wikimedia Hubs ay mga samahan na itinatag ng mga kaakibat (affiliates) para sa regional o thematic[7] support, collaboration at coordination.
Ang Wikimedia Movement Organizations ay isang masusing paraan kung saan ang mga pamayanan ng Kilusang Wikimedia ay maaaring mag-tayo sa loob ng Kilusang Wikimedia para sa paghatid ng mga kagalawan (activities) at mga sikap na pagtutulungan (collective endeavors). Ang mga Wikimedia Movement Organizations ay maaaring gumamit ng mga professional upang suportahan ang pakay ng organisasyon, gayundin ang malayang kaalaman na pananaw. Kadalasan, ang suportang ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagsuporta sa gawain ng mga taga-kusang-loob.
Pamamahala (Governance)
Ginagabayan ng Movement Values, Principles of Decision-Making, at mga pamantayang itinatag ng Global Council, ang pangangatawan ng isang Wikimedia Movement Organization ay maaaring magpasya sa pagkakabuo (composition) at pamumuno (governance) nito ayon sa kalagayan at pangangailangan kung saan ito kumikilos. Ang gumagawa ng kapasyahan (decision-maker) sa isang Wikimedia Movement Organization ay ang Board ng organisasyon o singtulad na katawan at siyang may pananagutan sa samahan na kinakatawan ng naturang board o ng katulad na katawan —halimbawa, ang kasapian (membership) nito.
Mga Pananagutan (Responsibilities)
Ang mga pananagutan ng mga Wikimedia Movement Organizations ay kabilang ang:
- pagtaguyod sa pamamanatili ng mga pamayanang Wikimedia Movement, alinsunod sa nilalayon ng mga kasapi nito;
- paghain ng pakikisama (inclusion), pagkakapantay-pantay (equity), at pagkakaiba (diversity) sa loob ng pamayanan;
- pagpanindigan ng Universal Code of Conduct (UCoC); at
- pagbuo ng mga pakikipagsamahan at pakikipagtulungan sa loob ng kanilang mga bahaging kinawiwilihan.
Sa maraming kadahilanan, kabilang ang paglalaan ng mapagkukunan sa loob ng Kilusang Wikimedia, dapat gawing maliwanag ng mga Wikimedia Movement Organizations ang kanilang gawain at mga kaganapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-uulat na nakikita ng publiko.
Maaaring piliin ng Wikimedia Movement Organization na paunlarin pananatili ng kanilang pananalapi sa pamamagitan ng karagdagang pagbuo ng kita (revenue generation), sa gayon ay tumataas ang kabuuang kapasidad ng Kilusang Wikimedia. Kung kinakailangan, ang ganitong mga pagsisikap para sa pagbuo ng kita ay dapat na iugnay sa iba pang mga Wikimedia Movement Bodies, kabilang ang Wikimedia Foundation at ang Global Council.
Wikimedia Foundation
Ang Wikimedia Foundation (WMF) ay ang nonprofit na organisasyon na nagsisilbing pangunahing tagapangasiwa at taga-suporta ng Kilusang Wikimedia ng malayang kaalaman na mga platform at teknolohiya. Ang pinapakay (mission) ng Wikimedia Foundation ay ang mabigyan ng kapangyarihan at hikayat ang mga tao sa buong daigdig na makakuha at makabuo ng mga laman ng pang-aral (educational content ) sa ilalim ng libreng lisensya o sa pampublikong domain, gayundin ang mabuting pagpapalaganap nito at sa buong mundo.
Dapat iayon ng Wikimedia Foundation ang gawain nito ayon sa madiskarteng patutunguhan (strategic direction) at pandaigdigang diskarte (global strategy) ng Global Council. Kasunod ng Movement Values at Principles of Decision-Making, at ang layunin ng WMF, ang Wikimedia Foundation ay inaasahang umambag sa pamamahagi ng pamumuno at pananagutan sa buong Kilusang Wikimedia. Sa katulad na mga kadahilanan, ang Wikimedia Foundation ay inaasahan din na magsagawa patungo sa makatarungan na pamamahagi ng mga mapagkukunan, kagaya ng mga naisangguni ng Global Council sa pakikipag- panayam sa mga pamayanang stakeholder.
Pamamahala (Governance)
Bilang ginagabayan ng Movement Values at Principles of Decision-Making, ang Wikimedia Foundation ay maaaring magpasya sa kanyang pagkakabuo (composition) at pamamahala (governance) ayon sa Charter na ito, at ang kasamang mga kahulugan (context) at mga pangangailangan kung saan ito gumagana. Ang Wikimedia Foundation ay nakikipagtulungan nang malapitan sa Global Council, lalo na sa mga bagay na may taglay na kadamayang pandaigdig (global) o tulak (movement-wide impact) sa buong Kilusang Wikimedia.
Mga Pananagutan (Responsibilities)
Kasama sa mga pananagutan ng Foundation, ngunit hindi lamang dito:
- Pagpapatakbo ng mga proyekto ng Wikimedia (Wikimedia projects), na kinabibilangan ng pag-host, pagbuo, at pagpapanatili ng mga pangunahing software; pagtatakda ng Mga Tuntunin ng Paggamit (Terms of Use) at iba pang mga malawak na patakaran sa buong kilusan; pagpapatakbo ng mga kilos-malawakan (campaigns) sa pangangalap ng pondo (fundraising); pag-galang at pag-taguyod sa kasarinlan ng pamayanan at mga pangangailangan ng stakeholder; at nakikibahagi sa anopamang mga kilos upang ang mga proyekto ng Wikimedia ay madaling marating, makuha at nakahanay.
- Pagtangkilik sa mga palatuntunang ginaganap para sa Kilusang Wikimedia; at
- Mga legal na tungkulin, kabilang ang pangangasiwa sa tatak ng Wikimedia; pagbibigay ng mga patakaran (policies) na nagbibigay ng istraktura upang mapayagan ang mga proyekto na tumakbo; pagtiyak ng pagsunod sa mga patakaran ukol sa pamamahala (legislative compliance); pagtugon sa mga legal na banta; at pagpapahusay sa kaligtasan ng mga taga-kusang-loob (safety of volunteers).
Pandaidigang Konseho (Global Council)
Ang Global Council[8] ay isang collaborative at representative na katawan na taga-pasya na nagkukumpol ng ang magkakaibang nakikita upang isulong ang pananaw ng Kilusang Wikimedia. Ang Global Council ay kumikilos kasama ng Wikimedia Foundation at ibang mga Wikimedia Movement Organizations upang makapag-taguyod sila nang isang mapag-sama at mainam na kapaligiran para ng kabuuang Kilusang Wikimedia at lahat ng mga stakeholders nito.
Layunin (Purpose)
Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay nagsisilbing isang pulong (forum) kung saan magtatagpo ang iba't-ibang mga pananaw ng Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement), at sa gayon ay dudula sa isang mahalagang kagampanan (play a pivotal role) sa paghubog ng hinaharap na landas ng Kilusang Wikimedia. Ang Global Council ay naglalayong tiyakin ang patuloy na pagkakaugnay (relevance) at sigla (vitality) ng Kilusang Wikimedia sa isang pabago-bagong mundo, sa pamamagitan ng mga tungkulin nito tulad ng estratehikong pagpaplano (strategic planning), pagtaguyod (support) sa mga Wikimedia Movement Organizations, pagbabahagi ng mapagkukunan (resources), at pagsulong ng teknolohiya (technological advancement).
Ang mga kapasyahan ay mabuting may higit na pagkakaalam at sumasalamin sa pangangailangan at mga bagay na pinagpapauna ng daigdigang pamayanan (global community) kung kailan ang malawakang mga tinig at karanasan mula sa kabuoang Kilusang Wikimedia ay pinariringgan at pinaglalahok sa gawaing pinakamataas na antas ng pagpapasya. Sa paghalal at pagpili ng karamihang kasapi (majority) ng Global Council, mula sa bukal ng mga taga-kusang-loob ng Kilusang Wikimedia, pinalalakas ng Global Council ang higit na pagkaramdam ng pagmamay-ari (sense of ownership) at pagtitiwala (trust), habang patungo ang gawain nito sa tinatanaw na malayang kaalaman ng Kilusang Wikimedia. Upang mabigyang-katatagan ang pakikisama (inclusion) at pagdidinig (representation) ng magkakaibang pananaw, ang pagiging kasapi ng Global Council ay hindi dapat pangibabawan ng anumang masasabing demograpiko, kabilang ang, ngunit hindi kukulang, sa anumang samot-wika (linguistic), bansa o lalawigan (geographic), o pinanggalingan (demographic) na nakabatay sa proyekto.
Pamamahala (Governance)
Bilang ginagabayan ng Movement Values at Principles of Decision-Making, ang kapisanan ng Global Council ay maaaring magpasya sa kasapian (membership) at pamamahala (governance) nito alinsunod sa mga karugtong at mga pangangailangan sa kung saan gumagana ang Global Council. Ang Global Council ay nagpapasya din sa mga bagay-bagay ng sarili nitong mga pamamaraan. Kasama sa mga pamamaraang ito, ngunit hindi kukulangin sa: istruktura ng Global Council, kasapian (membership), mga hakbang ng paggawa ng kapasyahan (decision-making processes), mga pananagutan (responsibilities) at pananagot (accountability), at mga mekanismo ukol sa pakikihalo ng mga bago at hindi kadalasang naririnig na mga tinig.
Mga Tungkulin (Functions)
Nakatuon ang Global Council sa apat na gampanin (roles) at larangan (areas) sa paggawa ng kapasyahan (decision-making) na magsasanhi ng damay sa pamayanan ng Kilusang Wikimedia at mga stakeholder. Ang Global Council ay may kapangyarihang gumawa ng kapasyahan sa lahat ng mga tungkulin na itinatag nitong Charter. Ang mga kasapi ng Global Council ay mananagot sa mga kapasyahan at kilos ng Global Council sa pamamaraan ng halalan at pagpipili.
Ang Global Council ay hahalal ng isang Global Council Board, na siyang namumuno (in-charge) sa pagtatawag (coordinate)[9] at kumakatawan sa Global Council ayon sa nakasaad sa Charter na ito at ng mga kapasyahan ng Global Council. Ang Global Council Board ang siyang magpapahintulot sa pagtatag at mga kaganapan ng mga komite ng Global Council at ang kanilang mga kasapian. Tinutukoy ng mga komite ng Global Council na ito ang kanilang mga sariling kasapian at mga paraan ng pagpapatakbo, at maaaring magtalaga sila ng mga karagdagang kasapi na hindi kasapi ng Global Council upang makaambag sa kanilang gawain. Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay magkakaroon ng hindi bababa sa apat na komite, na bawat isa ay manunungkulan at mananagot para sa isa sa apat na tungkuling nakabalangkas sa Charter na ito.
Strategic Planning
Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay may pananagutan sa pagbuo ng pangmatagalang madiskarteng patutunguhan (strategic direction)[10] para sa Kilusang Wikimedia. Ang madiskarteng landas na ito ay magsisilbing kinatatayuan para sa mga kapasyahang gagawin ng Global Council at bilang patnubay para sa mga ipapauna na mga hakbangin upang makamit ang mga madiskarteng layunin. Inaasahang pagtitibayin ng lahat ng Wikimedia Movement Bodies ang patutunguhang diskarte na itinatag ng Global Council at isama ito sa kanilang mga palatuntunan (programs) at kaganapan (activities). Batay sa naturang madiskarteng patutunguhan, ang Global Council ay bumuo din ng ipinapayo na taunang global strategic priorities para sa Kilusang Wikimedia. Binubuo ng Global Council ang madiskarteng patutunguhan sa pakikipag-panayam sa lahat ng stakeholder sa loob at labas ng Kilusang Wikimedia.
Tulong ng Wikimedia Movement Organizations (Support)
Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay nagtatatag ng mga pamantayan para sa paggana ng mga kaakibat ng Wikimedia (Wikimedia affiliates)[11] at mga hub ng Wikimedia. Upang makamit ito, ang Global Council at ang komite nito ay magtatatag at mangangasiwa sa mga pamamaraan para sa pagkilala/pag-alis ng pagkilala sa mga kaakibat at hub na ito[12]; tignan nang matiyak na ang mga Wikimedia Movement Organizations ay sumusunod sa mga pamantayan (organizational standards); mapadali ang paglutas ng hindi pagkakasundo upang mapanatili ang pakikipagtulungan at magalang na relasyon sa loob ng Kilusang Wikimedia; at gawin na madaling abutin ang mapagkukunan (resources) (hal. salapi, tao, kaalaman, atbp.) para sa higit na makatarungang taguyod at pagbibigay-kapangyarihan sa mga pamayanan ng Kilusang Wikimedia.
Pamamahagi ng Mapagkukunan (Resource Distribution)
Itinatatag at pana-panahong sinusuri ng Global Council ang mga pamantayan at mga patnubay para sa makatarungang pamamahagi ng mga pondo.[13] sa Kilusang Wikimedia na naaayon sa madiskarteng patutunguhan. Ang mga pamantayan at alituntuning ito ay dapat sumunod sa Principles of Decision Making. Higit pa rito, tinutukoy ng Global Council at ng mga komite nito ang pamamahagi ng mga grant sa mga pamayanan ng Kilusang Wikimedia at mga Wikimedia Movement Organizations; tukuyin ang mga layunin at sukatan sa buong kilusan alinsunod sa mga pinagpapauna na itinakda sa madiskarteng patutunguhan (strategic direction); tukuyin ang regional, thematic, at iba pang paglalaan ng pondo; at suriin ang pangkalahatang kalalabasan ng mga palatuntunan na ito.[14]
Pagsulong ng Teknolohiya (Technology Advancement)
Ang Global Council ay siyang tatawag sa iba't-ibang mga stakeholder na nakatuon sa teknolohiya ng Kilusang Wikimedia,[15] at nagbibigay ng payo at gabay sa pag-unlad ng teknolohiya. Ang Global Council ay gawing tumutulong at nagpapayo sa Wikimedia Foundation sa pagpapauna sa mga teknolohikal na pagbabago,[16] kasama ang pagbubukas o pagsasara ng mga wikang proyekto ng Wikimedia, at tinutulungan nito ang lalong malawak na Kilusang Wikimedia na makakaunawa ng mga teknolohikal na pagpapauna bilang takdang pasulong sa madiskatyeng patutunguhan. Gagamitin ng Global Council ang mga tungkuling ito sa pakikipagtulungan sa Wikimedia Movement Bodies at mga online na teknikal na kontribyutor.[17][18]
Paunang paglikha at pagpapalawak sa hinaharap (Initial creation and future expansion)
Ang unang Global Council ay magkakaroon ng dalawampu't lima (25) na kasapi. Kung saan, labindalawang (12) kasapi ay ihahalal ng umiiral na pamayanang Wikimedia; walong (8) kasapi ang pipiliin sa pamamagitan ng mga kaakibat ng Wikimedia; isa (1) ng Wikimedia Foundation; at ang natitirang apat (4) na kasapi ay tuwirang hihirangin ng Global Council, para sa layunin ng pagtaas ng kadalubhasaan at pagkakaiba-iba sa loob ng pagiging kasapi nito.
Pipili ang Global Council ng dalawampung porsyento (20%) ng mga kasapi nito upang maglingkod sa Global Council Board.
Sa mga karanasang natamo sa pamamagitan ng paunang set-up at proseso nito, susuriin ng Global Council ang mga panloob na gawain at mekanismo upang lumikas (innovate), umangkop (adapt), at lumago (grow) bilang isang Wikimedia Movement Body. Hindi bababa sa isang beses bawat 3 taon:
- Ang Global Council, sa pakikipagtulungan ng mga stakeholder ng Kilusang Wikimedia, ay tatawag ng pagtitimbang ukol sa pagpapatakbo nito. Kasama sa naturang pagsusuri ang hatol na kung ang pagpapalawak sa katungkulan ng Global Council, at mga sinasaklaw nito sa pag-gawa ng kapasyahan, ay maipapayo at kung itoý masasagawa sa loob ng kasunod na termino.
- Susuriin ng Global Council ang mga pangangailangan ng Kilusang Wikimedia upang matukoy kung ang kasalukuyang laki ng kasapian nito ay tugma sa kanyang mga katungkulan. Maaaring magpasya ang Global Council na palawakin o pigilin ang laki nito ayon sa kalalabasan ng pagsusuring ito. Ang Global Council ay maaaring umabot sa hindi lalampas sa 100 kasapi.
- Kung pipiliin ng Global Council at iba pang stakeholder na lakihan ang dami ng kasapi ng Global Council upang unti-unting bumuo ng lalong malawak na bukal ng pagkakaiba-iba at karanasan, maaaring bumilang pa ng hindi hihigit sa 25 karagdagang kasapi tuwing 18 buwan, hanggang umabot ang Global Council sa 100 na kasapi.
Susog (Amendment)
Ang Charter na ito ay kinatha upang tumagal ng maraming taon. Dahil dito, maliban sa mga nakaulat sa ibaba, ang mga pagbabago sa Charter na ito ay gagawin lamang sa mga pambihirang pangyayari.
Mga kaurian (Categories) ng mga susog (amendments)
- Mga maliliit na pagwawasto (minor corrections).
- Pagwawasto ng pagbaybay at balarila na hindi nagbabago sa kahulugan o layunin ng Charter.
- Mga pagbabago sa Charter na bumabagay lamang sa mga baytang ng gawain ng Global Council.
- Mga pagbabago sa Charter na ito na:
- Baguhin ang pangkalahatang mga pananagutan at pagiging kasapi ng Council.
- Baguhin ang mga kinahahalagahan (Modify the values) ng Wikimedia Movement; o ang mga pananagutan (responsibilities) at mga karapatan ng mga katauhan na nag-aambag (rights of individual contributors), mga proyekto, mga kaakibat, mga hub, mga samahan ng Wikimedia Foundation, Wikimedia Movement Organizations sa hinaharap, at ang mas malawak na Kilusang Wikimedia.
- Mga pagbabagong iminungkahi ng Kilusang Wikimedia.
Kaurian ng Pagbabago (Amendment Category) | Pamamaraan (Process) | Pagpalit ng Taga-sang-ayon (Change Approval Body) | Mga naiTala (Notes) |
1 | 55% na pagtangkilik sa iminungkahi na pagbabago | Global Council Board | |
2 | 55% na pagtangkilik sa iminungkahi na pagbabago | Pandaidigang Konseho (Global Council) | Pagsangguni sa pamayanan ay iminumungkahi |
3 | Halal ng Kilusan, 55% na pagtangkilik sa pagbabago | Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) | Mekanismo ng pagboto ay susunod sa pamamaraan ng susog nang malapit hangga't maaari, kabilang ang halal ng taguyod mula sa Wikimedia Foundation Board of Trustees |
4 | Ang mga panukala ay dapat matugunan ang pamantayan (criteria) upang makapag-patuloy ng halalan. Bumoto sa buong Kilusan, 55% na suporta para sa pagbabago | Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) | Mekanismo ng pagboto ay susunod sa pamamaraan ng susog nang malapit hangga't maaari, kabilang ang halal ng taguyod mula sa Wikimedia Foundation Board of Trustees |
Pamamaraan (Process) ng pagmumungkahi ng mga pagbabago (amendments) sa Charter ng Kilusang Wikimedia
Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay maaaring magmungkahi ng mga pagbabago sa Category 2 at 3. Ang mga pagbabago sa Category 4 ay imumungkahi ng mga kasapi ng Kilusang Wikimedia. Ang mga pagbabago sa Category 4 ay dapat matugunan ng ilang pamantayan (criteria), kasama ang pampublikong suporta upang maumpisahan ang mekanismo ng paghalal sa pagbabago. Ang Global Council ay may pananagutan sa pagkakatha ng pamamaraan (process) ng pagsa-sangguni sa pamayanan ng Wikimedia.
Ang Global Council ay dapat magtalaga ng isang malayang komite upang pamahalaan ang pagboto sa mga Category 3 at 4 na mga pagbabago. Maaaring tukuyin ng Global Council ang pamantayan sa pagiging karapat-dapat (voting eligibility criteria) sa pagboto para sa mga kaakibat at mga nag-iisang mga botante, o maaaring italaga ang pananagutan na ito sa isang malayang komite.
Pagpapatibay (Ratification)
Ang Charter ay pagtitibayin at isasa-bisa pagkatapos ng halalang may sumusunod na resulta:
- 55% na suporta mula sa mga kalahok na kaakibat ng Wikimedia, na may hindi bababa sa kalahati (50%) ng mga kaakibat na nakalahok ng karapat-dapat sa halalan;
- 55% na sang-ayon mula sa mga kalahok na individual voters,[19] na may 2% minimum eligible voters ng mga karapat-dapat na botante na nakalahok sa halalan; at
- Ang Wikimedia Foundation Board of Trustees ay humalal ng pagtangkilik (votes to support) sa Charter.
Mga kinagagawiang wika at pagsasalin (prevailing language translations)
Ang mga pagsasalin ng Charter na ito ay maaaring isalin sa ibang mga wika. Sa kaganapang mayroong pagdadalawang-isip o salungatan sa pagitan ng anumang pagsasalin at ang kinaunahang balangkas sa wikang Ingles, ang wikang Ingles ang mananaig.
Mga naiTala (Notes)
- ↑ Kabilang sa balangkas ng mga pandaigdigang patakaran ang mga nakatakda dito at dito, gaya ng Mga Tuntunin ng Paggamit (Terms of Use) para sa mga website ng proyekto ng Wikimedia.
- ↑ Ang isang bukas na pamamaraan ng pagsusuri ay dapat maging makakaya sa bawat pamayanan.
- ↑ Ibig sabihin ay "yoong mga nagpapakita" upang tumulong sa paggawa ng kapasyahan, pagbabago man ng nilalaman o patakaran.
- ↑ Ang mga patakaran ng pamayanan ay hindi maaaring sumasalungat sa mga pandaigdigang patakaran o mga kinakailangan ng batas.
- ↑ Papalitan ng "is created" (salin: ay nilikha) kapag naitatag na.
- ↑ Bago ang pagsisimula at transition period ng Global Council, ang mga Wikimedia Movement Organizations ay kinikilala ng Wikimedia Foundation Board of Trustees.
- ↑ Ang Charter na ito ay tumatanaw sa mga Language Hubs bilang uri ng Thematic Hub.
- ↑ Alinsunod sa mga legal na pagsusuri na natanggap noong 2023 para sa Charter na ito, ang Global Council ay hindi pamunang gagawin na legal na entidad.
- ↑ Ang Global Council Board ay ang katawan na may tungkuling: tiyakin na ang mga hinahakbang sa loob ng Global Council ay tumatakbo ayon sa mga plano at mga nakatakdang panahon (timeline); pakikipag-ugnayan sa iba kapag kinakailangan; pagtiyak na ang Global Council ay gumagana at kumikilos ayon sa layunin nito; at iba pang mga katulad na gawain.
- ↑ Diskarte ay kasama ang mga pangunahing proyekto upang baguhin ang tatak ng Wikimedia.
- ↑ Ito ay nilalayong kasama ang mga gawaing hawak ng Affiliations Committee (AffCom) bago nilikha Pandaigdigang Konseho.
- ↑ Ang paglilisensya ng trademark at mga bahagi ng kasunduang kontrata (contractual agreement components) na nauugnay sa pamamaraang ito ay nananatiling pananagutan ng Wikimedia Foundation.
- ↑ Ang tinutukoy nito ay ang paglalaan ng pondo para sa buong kilusan.
- ↑ Ito ay nilalayong kasama ang mga tungkulin na kasalukuyang hawak ng Regional Fund Committees bago sa paglikha ng Global Council.
- ↑ Kabilang sa mga stakeholder ang mga taga-ambag, ang Wikimedia Foundation, mga kaakibat, hub at higit pa.
- ↑ Isang Memorandum of Understanding-o Service Level Agreement na kasulatan ay gagawin sa pagitan ng Wikimedia Foundation at ng Global Council upang ilatag ang kasunduan tungo sa kung paano sila yaring nagtutulungan, kabilang ang kung paano yaring tinatanggap ng Foundation ang mga mungkahi ng Global Council.
- ↑ Ang komite ng Global Council ay nilalayong ipakita ang Movement Strategy Initiative for a Technology Council.
- ↑ Ang mga panghuling kapasyahan sa pagpapauna sa teknolohiya ay gagawin ng mga pangunahing katawan na nakatuon sa paghahatid ng mga produkto at serbisyong teknolohiya, kasama ang naaangkop na katawan ng kilusang pinamumunuan ng pamayan na nakaugnay sa Global Council.
- ↑ Ang mga individual voters, para sa layunin ng pagpapatibay (ratification), ay mga tauhang karaniwan ay karapat-dapat na bumoto sa mga halalan upang pumili ng mga kasapi ng Board of Trustees ng Wikimedia Foundation.