Tipang Kasulatan ng Kilusan/Nilalaman/Pambungad
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Ang Wikimedia Movement ("ang kilusan") ay nakatuon sa kooperatibong paglilikha, pangangalaga at pagpapalawak ng libre na kaalamang pandaigdigan. Ang Kilusan ay binubuo ng: mga editor, mga kalahok, mga proyekto, mga kaakibat (affiliates), mga Hub, mga kalawakang mateknikal (technical spaces), ang Wikimedia Foundation, at iba pang mga uri sa kasalukuyan at hinaharap.
Ang Wikimedia Movement Charter ("ang charter") ay umiiral upang tukuyin ang Wikimedia Movement, ang mga pangunahing kahalagaan nito, at ang mga prinsipyo nito. Ito ay isang pormal na kasunduan na nagpapaliwanag ng mga relasyon sa pagitan ng lahat ng mga stakeholder sa Kilusan, at ang kanya-kanyang mga karapatan at pananagutan. Ito ay katulad na naaangkop sa mga umiiral na entidad at sa mga iba pang mga uri ng katauhan sa hinaharap.
Ang Movement Charter (Tipang Kasulatan) ay inihanda ng mga pamayanang kasapi (community members) mula sa mararaming mga bansa, at mula sa iba't-ibang mga proyekto ng Wikimedia. Ang pinagkasunduan ng mga pamayanan ukol sa Charter ay manggagaling sa isang pormal na proseso ng pagpapatibay (ratification). Ito ay ipaiiral sa lahat ng mga kalahok, kakilanlan (entities), at kalawakang mateknikal (technical spaces) ng Kilusan. Ito ay gayunding ipaiiral sa mga kahit hindi wiki na kinikilalang kaugnay ng Kilusan.
Sa loob ng Kilusan ay isang malawakang hanay ng mga website sa ibat-bang mga wika, patungkol sa mga iba't-ibang mga paksa; at ang kalahatang ito ay maaaring i-edit at pagbutihin ("ang mga proyekto"). Ang mga proyekto na ito, higit sa lahat, ay kadalasang "self-governed", ukol sa paglilikha ng mga nilalaman, pamamahala ng nilalaman, at sa pag-uugali ng mga pamayanan. Ang ilang mga aspeto nito ay hindi mahahawakan sa ilalim ng sariling pamamahalaan — kundi pangangasiwaan ng ibang mga katawan — kung malinaw na hindi ito maitutupad sa isang lokal na antas. Kabilang nito ay ang mga proyekto; ang pangkalahatang Kilusan; ang Wikimedia Foundation; at ang Global Council (Pandaigdigang Konseho). Ang bawat isa ay dapat gumana sa antas na pinakamalapit sa mga Kalahok — kung maaari. Kasama din sa Kilusan ay ang mga grupo o pangkat, kapwa pormal at impormal, na nakatuon sa mga partikular na paksa o heyograpikong rehiyon. Ang tungkulin ng mga grupong ito ay sumoporta sa mga proyekto maski direkta at hindi direkta.
Ang paglalapit sa mga proyekto at grupo ay isang komprehensibong imprastraktura na may ilang papel, kabilang ngunit hindi limitado sa:
- Pagsuporta sa mga teknikal na pangangailangan ng Kilusan at sa mga mambabasa ng mga nilalaman nito, na bigay ng:
- Wikimedia Foundation
- Mga nakikibahagi (affiliates) na interesado
- Mga grantee at kontratista na nagtatrabaho sa mga partikular na teknikal na proyekto
- Mga nagkukusang-loob na "developer", na nagtatrabaho sa mga extension ng MediaWiki, mga script para sa mga lokal na proyekto, suporta para sa mga pandaigdigang proyekto
- Espesyal na software ng teknikal na suporta (halimbawa, Phabricator)
- Mga panlabas na provider (halimbawa, GitHub)
- Pagbibigay ng pinansyal at iba pang mapagkukunan para sa patuloy na pag-unlad at pagpapanatili ng kaalaman, kabilang ang:
- Ang pangangalap ng pondo (fundraising) ng WMF, ng Wikimedia Endowment, Wikimedia Enterprise, at mga kaakibat. Kasama rin dito ang paghahanap, pagtanggap, at pamamahala ng mga gawad at kontrata mula sa mga ikatlong partido (third parties)
- Suporta para sa pagpapaunlad ng mga kasanayan at pagbubuo ng kapasidad, na ibinibigay ng Wikimedia Foundation, mga kaanib (affiliates), mga impormal na grupo, at mga taga-kusang-loob (volunteers) ng mga proyekto
- Mga patakaran, pamamaraan at patnubay na naaangkop sa mga indibidwal na mga affiliate, na pinamamahalaan ng mga affiliate na ito, ang kanilang mga empleyado at ang kanilang mga nagkukusang-loob, i.e. boluntaryo (kabilang ang mga miyembro ng Board, kung kinakailangan)
- Pagpatnubay ng isang ligtas at produktibong kapaligiran kung saan ang kaalaman ay maaaring ibahagi at gamitin — kung saan man hindi kakayanin ng isang lokal na proyekto na gawin ito, kabilang ang:
- Mga patakaran, pamamaraan at patnubay na naaangkop sa buong mundo, na pinamamahalaan ng pandaigdigang pamayanan (global community) at ng Wikimedia Foundation
- Mga patakaran, pamamaraan at patnubay na naaangkop sa mga indibidwal na proyekto, na pinamamahalaan ng mga proyekto at ng kanilang mga nagkukusang-loob (volunteers)
- Mga proseso na sumusuporta sa kaligtasan ng taga-gamit (users) at kalahok (participants), sa pamamagitan ng mga teknikal at lipunan na mapagkukunan
- Legal na suporta para sa mga indibidwal na user, at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na nakikibahagi (local affiliate)
- Pagsulong para sa mga legal at regulasyong pagbabago, na nagbibigay ng mas malawak at mas ligtas na pag-"access" sa libre na kaalaman
Ang suporta sa imprastraktura ay may limitasyon sa labas ng Kilusan. Kasabay nito, ang suporta ay dapat na tugma sa mga panloob na kahalagahan at mga mapagkukunan na yaman ng Kilusan.